Third person pov Kinaumagahan pumasok sa nakabukas na bintana ang ilaw ng haring araw. Na siyang dahilan para magising si Cynthia mula sa mahimbing na pagkakatulog. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata at iginala sa buong silid ang paningin para alamin kung sino ang kasama niyang matulog. Wala siyang kasama, wala si Julz sa silid nila. Naisip niya na baka sobrang nalasing ito kaya hindi nakauwi sa cabin nila. Naghilamos at nagsipilyo muna si Cynthia bago naisipan na lumabas para hanapin si Julz. Actually, nagugulohan siya kung bakit bigla siyang nahilo samantalang juice lang naman ang ininom niya. Lumabas na si Cynthia mula sa kanilang cabin. Pagkalabas niya nakita niya kaagad ang tsenilas ni Julz sa tabi ng kanilang cabin. May tsinelas din na pang babae na katabi nito. Kinabahan k

