Nonoy pov Kung saan-saan ko na hinanap si Cynthia hindi ko talaga mahanap. Hanggang sa natapos na ang araw ng aking bakasyon. Kailangan ko ng bumalik sa maynila para sa aking next tournament. Hindi ako sigurado kung makapag-focus ba ako sa aking laro. Without hearing my explanation, without giving me a chance to explain my side nakakapanlumo talaga. Sana hindi nalang ako bumalik sa put*ng kasiyahan na yon. Sana natulog nalang din ako kasama si Cynthia. Ang masaya ko na sanang bakasyon ay napalitan ng delubyo. Hindi ako umiinom kaso parang hindi ko na kaya ang sakit. Gusto ko lang muna na makatakas sa aking mga problema. Tumawag sa akin ang aking kaibigan na si Franco. Masaya niyang ibinahagi na ganap ng piloto si Anna at buntis na ito sa kanyang anak. Naikwento pa nito na nagsisimula

