chapter 10

1539 Words
Muli akong papasok sa mundo ng pag-ibig pero hindi na ako maniniwala sa mga kasinungalingan nilang mamahalin din ako ng tapat. May bakod na ang puso kong minsan na nagmamahal ng totoo. Minsan naging karelasyon ko ang aking katrabaho. Kapag okay eh di okay kapag hindi nagwo-work then fine. Dating umiibig akong matapat ang puso, sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo. Dilag na bulaklak sa harding masamyo, Sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro. Tinataglay nila’y mararangyang pakpak, subalit ang nasa’y tanging halimuyak. Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak, sa mata ng iba’y isa lamang hamak. Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba, sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba. O! ang saklap naman, umagos ang luha, pagkat lumilihis ang ating tadhana. At niring landas ta’y lalong pinaglayo, nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo. Buong taglay niya’y di tapat na puso, tanging hangad lamang ang ikagandahan mo. “Noy, gagala tayo mamaya kapag tapos na tayo mag bake dito.”niyaya ako ng isa kong kaibigan. Oo ba maganda yan unwind tayo para naman maging kondisyon ang katawan natin. “Hindi na kayo nagkikibuan ni Mary Rose ah hiwalay na ba kayo? Lawak ng ngiti niya kapag nakikita ka. Ngayon parang hinampas na ng masamang hangin.” sabi ni Naldo. Hayaan mo siya tol, may mga bagay lang talaga na hindi tumutugma sa mga gusto namin sa aming relasyon. “Kung sa bahay siya sobrang malambing at palaging kaasaran ang mga katrabaho natin. Samantalang ikaw ay napaka-seryoso sa buhay at palaging focus sa trabaho.”sabi na ng aking kaibigan. Hindi naman sa ganun tol, nawawalan lang talaga ako ng tiwala sa mga kababaihan. Napagdaanan ko na kasi ang minsang maloko. Yung mapanlinlang nilang mga hitsura. Nakikitaan mo ng kabaitan pero pagtalikod kaya ka palang saktan. Minsan hindi sila mapagkatiwalaan tol dahil minsan umaakto lang sila na sobrang mahal na mahal ka tapos malalaman mo nalang na ginagamit ka lang pala. Hindi kailangang ipilit ang tunay na pag ibig, Ito kasi ay kusang nararamdaman at di kinakabig. Hinahayaan itong basta mamutawi sa bibig, Ng may pagmamahal sa tunay na iniibig. Ang tunay na pag ibig ay talagang mapagparaya, Di ito naninikil..lalong di ito nagpapabaya. Hayaang dumaloy sa puso ng bawat isa, Huwag ipilit ito at lalong huwag ipagwalang bahala. Tapat na pag ibig ang hanapin sa twina, Pag nasumpungan ito wag ng pakawalan pa. Wag bitiwan at pangalagaan ito aking sinta, Ng pag ibig na sobra pa sa sobra ay tunay na madama. Huwag itong ipagmakaawa parang awa mo na, Pagkat madarama ay di tunay na ligaya. Hindi ka isang pulubi para ipagmalimos sa twina, Pag ibig ay kinukusa hindi dahil sa awa. “Ramdam ko na malaki ang pinsalang ginawa ng isang babae sayo tol. Hindi ka magkaganyan kung hindi ka lubosang nasasaktan.”sabi pa niya. Hindi naman sa ganun tol, mas priority ko lang muna ang pagtuunan ng pansin ang aking trabaho. At tsaka may pamilya akong kailangan na suportahan tol. Kailangan ko pang tulungan ang aking mga kapatid sa kanilang pag-aaral. Bilang nakakatanda responsibilidad ko na alalayan sila. Sige na taposin na natin ang ating mga ginagawa para makagala na tayo. Next week plano kong umuwi sa amin, bibisitahin ko lang ang aking pamilya dahil nami-miss ko na sila. Matagal na rin akong hindi nakadalaw sa aming bayan. Tuloy ang buhay at ang mga pagsubok ay parte lang ng ating buhay. Sa araw araw ng ating buhay, kaydaming pagsubok na sumasalakay. May araw na masaya at makulay, meron din namang sadyang kay tamlay. Paano mo nga ba ito haharapin? Anung paraan ang dapat isipin? Kailan bang ginhaway kakamtin? Sino bang andiyan para ikay sagipin? Maraming bagay dapat isa alang-alang, Kung alin ang sapat, alin ang kulang. Ang tama at mali dapat itimbang, Para sa huliy walang maiwang patlang. Anumang tadhana ang sayo'y nakalaan, sari-saring tungkulin ang gagampanan. Lahat ng hirap na iyong mararanasan, gawing inspirasyon at iyong kalakasan. Hindi lahat ng taoy iyong kaibigan, minsan ang iba'y di mapapagkatiwalaan. Maaamong tupa sa iyong harapan, sa iyong pagtalikod ikay sisiraan. Laging maniwala sayong kakayahan, sapagkat madalas sarili ang sandalan. Dito sa mundong puno ng kasalanan, tibay ng loob gawin mong sandigan. Laging tibayan ang pananampalataya, sa buhay na di tiyak kung kayayanin o hindi. Bumuo bawat araw ng mga memoryang sariwa, pagmamahal ang laging sayoy magpapalaya. Ang mahalaga ay ikaw ay palaging nakahanda, sa mga pagsubok na nagbabadya. oooOooo “Tol, nakauwi kana pala? Kumusta ang buhay mo sa syudad? Saan ka ba nagpermi? Sinubukan ka naming hanapin ni Roland pero hindi naman namin alam kung saan ka nagtatrabaho.”sabi ni Clark. Dinalaw ko ang dati kong mga kaibigan. Narito ako sa bahay ni Roland ang aking kaibigan. May sarili siyang bilyaran kaya muli akong nakapaglaro. Matagal na rin ng huli akong naglaro ng bilyar. Mabuti naman at tumugma din ang pagkakataon na narito sila sa aming bayan. Bakasyon daw kasi nila kaya nataon ang sabay nilang pag-uwi. Nanghihinayang ako sa panahon, hindi ko maiwasan na manliit sa aking sarili. Nang makita silang nagpapatuloy sa kanilang pag-aaral nasa punto rin ang aking isipan na kung hindi lang sana kami mahirap makakapag-aral din sana ako. “Tol, kompleto tayong tatlo mas maganda na maglilibot tayo.”si Clark. “Wait, billiard muna tayo at ang matalo siya ang gagastos sa kalaan natin.”si Roland. Lugi ako nyan mga tol dahil matagal na akong walang insayo. Hindi ko na matantya ang distansya ng mga bola para tirahin. “Asus Tol, palusot ka pa talaga alam naman namin na magaling ka sa ganito. Sisiw lang ito para sayo, kahit libre mo lang kami ng balut kapag natalo ka okay na.”si Roland. “Basta ako masaya na ako sa Turon,”sigunda ni Clark. Anu ba yan mga tol balut at binalot. O sige game na para maikot na natin ang Entasia. Kaya ko pa naman silang sabayan kahit matagal na akong hindi nakakapagalaro ng bilyar. Kahit matagal na akong tumigil kapag pala may determination kang i-focus ang sarili makukuha mo parin ang nais mo. “Walang kupas tol, ikaw parin ang Julz Nonoy Buenvenida na dating bilyarista.”si Clark. Chamba lang yan mga tol, talagang pumabor lang sa akin ang tadhana. Na miss ko lang daw kasi ang mga panglilibre ninyo. “Naku walang problema tol basta ikaw sagot na namin,”sabi ni Roland. Kaibigan tunay, walang kapantay Sa hirap at ginhawa, laging nandyan Di ka pababayaan, sa anumang gulo Kaibigan tunay, haligi ng tibay Sa tuwa't lungkot, kasama kang tumawa Sa araw ng tagumpay, ika'y nagagalak Sa dagok ng buhay, ika'y di bumibitaw Kaibigan tunay, sa'yong pagmamahal Kapag ikaw ay nawawalan ng lakas Ako'y di aatras, sa'yong tabi'y tatag Kapag malulumbay, ako'y laging nariyan Kaibigan tunay, wag kang matakot. Sakay sa motor ni Clark nag-ikot na nga kami sa mga magagandang lugar sa aming bayan. Hanggang sa napadpad kami sa isang pasyalan kung saan madalas dinadayo ng mga turista. Isa ito sa magandang pasyalan dito sa Entacia, Ilo-ilo. “Tol, nakailang jowa ka na ba Sa syudad? Nagbago na pustora ng katawan natin ah. Habolin na ng mga dilag, halatang hiyang na niyang sa usok na syudad hahaha,”pabirong sabi ni Roland. Kayo talaga mga tol, ako na naman ang napagtripan ninyong asarin. Syempre kalma muna ako sa pakikipag relasyon. “Hanggang ngayon hindi ka parin nag move on sa ex mong si Jeanilyn Sibayan?”singit ni Clark. Naku hindi naman sa ganun mga tol, matagal ko ng binura sa utak ko ang babaeng iyon. Wala ng saysay kung patuloy kong i-rewind ang mga masamang ala-ala na yon. Isa nalang yung aral sa buhay ko. Pinili kong huwag nalang ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa kolehiyo kasama ninyo dahil pinili kong tulungan ang aking mga kapatid na makapagtapos. Kumuha nalang ako ng vacational course mga tol. Tinulungan ako ng taong sumagip sa akin. Nakakuha ako ng vocational training course bilang MasterChef kaya ako na ang main chef ng malaking Bakery sa syudad. Dalawin nyo ako minsan, hahainan ko kayo ng masarap na monay. “Wow monay talaga? Aba tol, hindi namin tatanggihan ni Clark yan.”natatawang sabi ni Roland. Mga loko talaga at ibang monay pa ang nasa mga utak.” “Speaking of witch! Look whose coming. Tingnan mo nga ng maigi tol kung siya nga ba yan. The user Jeanilyn Sibayan.”sabi ni Roland. Kaya agad kong siniko dahil baka marinig at maging sanhi pa ng gulo. Ibang lalaki ang kasama nito, mukhang nagbihis ng bagong karelasyon. “Jeanilyn Sibayan right? Did you remember the three of us?”sabi ni Roland ng mapadaan sila sa kinauupuan naming tatlo. Nagulat ito ng makita niya ako at agad na ibinaling ang kanyang paningin sa ibang direksyon. Nagtanong naman ang kanyang kasamang lalaki kung sino kami. “Long time no see Ms. Valedictorian, kumusta ang buhay koliheyo natin na walang Julius Nonoy Buenvenida bilang tutor?”mapang-uyam na sabi ni Clark. Bro, mga kaklase niya kami sa high school. Ngayon palang ulit kami nagkikita-kita kaya kinakamusta lang namin si Jeanilyn Sibayan. Ang matalino at mayaman naming kaklase. Sige bro mag-iingat ka este kayo. Pasyensya na sa abala sa inyong pamamasyal. “Sige mauna na kami sa inyo,”sagot ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD