"Panibagong lugar,
Panibagong hamon.
Panibagong simoy ng hangin,
Kaginhawaan ang aking dalangin.
Sa lugar na ito naway ako ay kanlungin,
Sa mausok na syudad ilang taon kaya ang aking bibilangin?"
Sa unang pag-apak ko sa syudad na ito labis na paghihirap ang dinanas ko. Naroon na ang nauuuhaw ako, nagugutom at walang matutuloyan. Naging palaboy sa daan ng ilang linggo bago nagkaroon ng matinong trabaho dito sa bakery.
*Flashback*
Pagod na pagod ako mula sa aking paglalakbay sa mga pasilyo at kalye para makahanap ng trabaho. Ngunit wala akong nakitang bakante na pwedi kong pagtrabahoan. Mahirap talaga maging mahirap dahil hindi mo alam kong saan ka magsisimula. Bukod sa wala kang malalapitan wala ka ring kakampi sa iyong mga pagdadaanan.
Ilang araw na akong nagpalibot-libot para may mapapasukan lang trabaho. Kung saan ako nadadatnan ng takipsilim doon na ako umupo at humiga para ipagpahinga ang aking pagod na katawan.
Doon na rin nagsisimulang gumugunita ang aking isipan sa mga masasakit na nakaraan. Parang nagre-rewind lahat sa tuwing nais ko ng ipahinga ang aking diwa. Naroon na rin ang namimiss ko ang aking pamilya. Mahirap man kaming naninirahan sa aming nayon masaya naman kaming magkasama. Iba talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang iyong pamilya kahit ang estado sa buhay ay mahirap lamang basta kompleto na magkasama ay ayos na.
Isang umaga nakaupo ako sa harap ng bakery. Maulan ng araw na iyon at pinaghalong lamig at gutom ang aking naramdaman. Gusto nang bumigay ang pagod kong katawan. Nasa punto na ako na hindi ko na kaya. Nahihirapan na akong labanan ang pagod at gutom.
"Hijo, okay ka lang ba? May sakit ka ba? Putlang-putla na ang hitsura mo. Naku! Ang init ng katawan mo inaapoy ka ng lagnat. Tulongan ninyo akong ipasok siya sa loob ng tindahan dahil nababasa na siya dito sa labas at inaapoy ap siya ng lagnat."rinig kong sabi ng babae saka ako tuluyang nawalan ng malay...
May naririnig akong nag-uusap kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nagulat ako sa kulay aking nabungaran. Nasaan ba ako? Paano ako napunta sa lugar na ito?
"Oh hijo gising kana pala. Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon? Tatlong araw kanang hindi nagising kaya nag-alala na kami sayo. Pero sabi ng doctor okay naman ang report ng blood test mo. Sadyang napagod lang ang iyong katawan kaya kailangan daw muna ng sapat na pahinga para mabawi mo ang iyong lakas. Hindi namin alam ang iyong pangalan. At wala kaming number ng iyong pamilya para kontakin at ipaalam ang iyong kalagayan. Kumusta na nga ba ang iyong pakiramdam ngayon? May masakit ka bang naramdaman? Nahihilo ka parin ba hijo? Ako nga pala si Rosa, nanay Rosa nalang ang itawag mo. Ikaw ano nga ba ang pangalan mo? Saan ka nakatira?"tanong ng may kaedaran ng babae.
Ako po si Julz Nonoy Buenvenida ma'am. Maraming salamat po sa ninyong pagtulong sa akin. Salamat po sa inyong pagmamalasakit at pagpapagamot sa akin dito. Wala po akong maibabayad sa inyo. Wala po akong pera eh, galing po akong Estancia. Narito ako sa syudad para sana maghanap ng trabaho pero wala pong tumatanggap sa akin. Naging palaboy na po ako sa daan ng ilang araw.
"Ikaw talagang bata ka, tinatanong lang kita kong saan ka nakatira. Hindi naman kita sinisingil sa ginawa kong pagtulong sayo. Magpahinga at magpagaling ka muna. Saka na natin pag-uusapan ang tungkol sa matitirahan mo at magiging trabaho mo. Basta sinisigurado ko sayo Nonoy na may matitirahan at trabaho kana paglabas mo dito sa hospital."sabi ni nanay Rosa.
Maraming salamat po nay, napakabuti po ninyo. Napakaswerti ko dahil tinulungan ninyo ako at ipinagamot pa. Hindi po kayo nag-alinlangan na ako ay tulongan kahit hindi nyo naman ako kilala at kaano-ano. Pagtatrabahuan ko nalang po dahil wala naman akong kakayahan na magbayad Sa mga nagastos ninyo. Mahirap lang din po ang aking pamilya kaya wala din po silang maipambayad sa inyo.
"Batang 'to naman oh kung anu-ano ang pinagsasabi. Sinisingil ba kita sa aking ginawa sayo? Huwag mong isipin yan ngayon. Ang isipin mo muna ay ang paggaling mo kaagad. Magpalakas ka muna bago mo isipin kung paano ka makabayad ha. Sige ako ay aalis muna dahil pupuntahan ko pa ang aking bakery. May mga tinapay akong dala dyan kainin mo kapag nagugutom ka. At kung may kailangan ka tawagin mo ang nurse."sabi ni nanay Rosa.
Sige po nay salamat po ulit sa lahat. Mag-iingat po kayo sa inyong byahe pauwi.
Umalis na nga si nanay Rosa at ako'y natutuwa sa kanyang pagtulong sa akin. Walang hangganan ang aking taos pusong pasasalamat sa kanya. Talaga ngang napakabuti ng panginoon dahil sa oras ng ating mga pagsubok may taong nakalaan para tayo ay tulongan.
Ang buhay nga naman....
Madalas, napapatanong ka sa gabi kung may hangganan ba lahat ng paghikbi.
Kung hanggang kailan mo kaya gagawin ang mga bagay na 'di mo naman gusto, para lang masabing nakakasabay ka sa takbo ng mundo. Kung hanggang kailan ka kaya magsasakripisyo, para isalba ang ibang tao.
Madalas, pinupuyat ka ng maraming alalahanin. Saan ka kaya dadalhin ng araw-araw na pakikipagtuos para makaraos? Di ka pinapatulog ng hinaharap. Darating din kaya ang araw na ang hahabulin mo naman ay sariling pangarap?
Sapagkat pagod ka nang tuparin ang mga hiling na 'di naman para sayo. Pagod ka nang mabuhay para makahinga ang iba. Ang puso-pudpod na ang pag-ibig dahil walang naibabalik. Walang sumasagip. Wala nang natatanggap kun'di pasakit.
Madalas, napapatanong ka sa gabi. Kailan mo kaya maaangkin muli ang sarili?
Ngunit ang pag-aakala kong katapusan ko na ay naging daan pala ng aking simula.
*End of flashback*
"Noy, na double check mo na ba ang mga dilevery natin sa ating mga customers?"nanay Rosa asked.
Opo nay, sinuri ko na kanina bago inakyat sa sasakyan at sigurado nang kompleto na ang lahat. "Kumusta naman kayo sa pastries area? Maayos naman ba ang lahat? Huwag ninyong kaligtaan sa bawat listahan ang mga kakailanganin natin sa pantry. Dapat kompleto ang mga sangkap bago tayo tumanggap ng mga orders."paalala ni nanay Rosa ang may-ari nitong malaking bakery shop na aking pinagtatrabahoan.
Ang lugar na ito na nga ang aking simula. Ito na ang lugar na naging daan para magpursige at matutong tumayo. Gamit ang aking kakayahan, pagsusumikap at talino para sa mga bagay na kailangan kong matutunan.
Dahil sa tulong ni nanay Rosa nagkaroon ako ng trabaho. Nag-umpisa ako bilang tagahugas ng mga kagamitan. Tagalinis ng pantry area at iba pang bahagi ng bakery. Minsan din ay nagiging assistant ako kapag may mga delivery sa ibang lugar. Gayon pa man ay hindi ko alintana ang pagod. Ang mahalaga lang sa akin ay magkaroon ako ng matutulogan at makakain ng maayos. Pinagbutihan ko ang aking trabaho. Nagsusumikap rin ako na matuto sa paggawa ng iba't ibang klase ng tinapay o biscuits. Kahit hindi ako nakapag-aral na pantry course by experience nalang ang pinagsusumikapan ko.
Heto ako ngayon dahil sa aking determination. Kabisado ko na ang lahat ng mga gawain sa pantry. At maipagmamayabang ko pa ang galing ko sa paggawa ng pinaka masarap na monay ng ilo-ilo.
Araw-araw at gabi-gabi akong nagpapasalamat sa diyos para sa mga biyayang ibinigay niya sa akin. Saan mas magampanan ko pa ng maayos ang aking trabaho para matulungan ang aking mga magulang. Narito ako nagsusumikap na matulongan ang aking pamilya. Na kahit na hindi man ako nakaapak ng kolehiyo basta mapaaral ko ang aking mga kapatid masaya na ako.
Ang tagumpay nila ay magiging tagumpay ko na rin.
"Tol, lakas ng appeal mo si Mary at Rosie pareho ka nilang crush, Sana all.
Wala akong oras sa mga ganyan tol, kaya tigilan nyo ang pagrereto sa kanila. Pareho lang ang mga karakas ng mga kababaihan. Paiibigin ka sa umpisa, ipaparamdam na mahal ka tapos sa huli iiwanan ka lang sa eri. Tara trabaho na tayo, sayang ang kikitain kung sa kwentuhan tayo magbabad.
"Alam mo tol, sa mga pananalita mo pa lamang halata nang may pinagdaanan ka."sabi ni Noel.
Huwag nyo nang isipin ang mga pinagdaanan ko mga tol. Mararanasan nyo rin yan sa tamang panahon.
Huwag kayong padalus-dalos at magpapadala sa bugso ng inyong mga damdamin. Mahirap mahulog sa taong hindi ikaw ang gustong kapitan.
Dapat kapag sumugal na kayo ihanda nyo muna ang mga sarili ninyo. Ihanda ang mga sarili na sa larangan ng pag-ibig hindi lahat ay puro kasiyahan. Hindi lahat nagmamahalan, hindi lahat magkakasundo. Kapag tanggap mo na ang mga consequences sa isang relasyon saka ka pumasok.
Walang problema kong umibig ka tol, ang problema ay kapag hindi mo kayang kontrolin ang sakit kapag sakaling mabibigo ka. Back to work muna, pag-uusapan nalang natin ang mga bagay na yan kapag may libreng oras na tayo.
Mabuti nalang at nakinig sila sa aking sinabi. Matanda na sila sa akin ng ilang taon pero mga wala pa daw silang karanasan sa usapang pag-ibig......