chapter 8

1560 Words
May mga tao nga palang mala anghel ang mukha ngunit sa kaitiman ng budhi ay daig pa ang itim na ink. Hindi ko akalain na gagamitin lang pala niya ako para sa sarili niyang interest. Sobrang sakit at pighati ang aking nararamdaman ngayon. Nanlalamig ang buo kong katawan na kasing lamig ng hampas ng hangin dito sa dalampasigan. Hangin na mas lalong nagdudulot ng pighati at nakakapanlumong pakiramdam. Pagkaalis ko kanina sa aming eskwelahan dumiretso na kaagad ako dito sa tabing dagat. Hindi ko na nakuhang magpaalam sa aking mga kaibigan dahil sa aking mga narinig mula mismo sa bibig niya. Sh*t! Pati pangalan niya nahihirapan na akong bigkasin. Oo inamin kong kasalanan ko dahil kahit alam kung malayo ang agwat ng istado namin sa buhay pinili ko parin na sundin ang tinitibok ng aking puso. Ang aking pagmamahal ay tinumbasan lang pala ng isang kasinungalingan. Ang mundo nga naman bukod sa puno talamak na mamamayan. Puro rin ng kawalanghiyaan para gamitin ang damdamin ng mga taong walang ibang hinangad kundi kabutihan. Kung ganito naman pala ang mangyayari sa aking buhay pag-ibig sana hindi nalang muna ako pumasok sa sitwasyon na ito. Sana nagfocus muna ako sa aking pag-aaral. Matagal kong pinaghirapan ang aking posisyon na manguna sa klase. Sa huling hakbang ng hagdan natalisod pa ako. At ang lahat ng mga sakripisyo ay bigla nalang nawasak. Hindi ko na makakayanan pang makita ang kanyang hitsura. Isang mala anghel na hitsura pero puro kasinungalingan lang pala ang nakakubli. Isang babaeng mahihinhin pero nasa ilalim pala ang kulo. May taglay na kamandag na kapag ikaw ay natuklaw hindi mo na maiaangat ang iyong sarili. Hindi na ako sasali sa graduation namin dahil hindi ko na kayang manumbat o makipag-plastikan pa sa kanya. Magpakalayo-layo muna ako sa bayang ito. Nagtatrabaho muna ako bago pumasok sa kolehiyo. At isa pa di naman maipagkakaila na marami kaming magkakapatid. Kailangan ko na ring suportahan ang aking mga magulang. Kung kinakailangan isasakripisyo ko muna ang aking pangarap gagawin ko. Magpapaubaya ako para makapagtapos naman ang aking mga kapatid sa high school. Madaling araw na akong umuwi sa amin. Sasabihin ko nalang kay mama na sa bahay ng aking kaibigan ako natulog. Magiging okay din ang lahat kapag nakaalis na ako sa lugar na ito. To leave home is to grow, to return is to understand. The hardest part of leaving home is that you leave a part of myself behind. New place is a starting place for love and dreams, and leaving it is the first step towards finding new ones. Ma, pupunta ako sa syudad nangangailangan daw kasi ng katuwang ang papa ng aking kaibigan sa kanyang tindahan. “Noy, bakit biglaan naman yata ang iyong naging desisyon? Di ba malapit na ang inyong graduation. Hindi ka ba sasali sa araw ng inyong pagatatapos? Naku naman anak hindi ka ba natuwa sa iyong pagtatapos?”takang tanong ng aking ina. Ma, sayang ang oportunidad baka makahanap sila ng iba kapag hindi ako pumunta agad. Sigurado naman na may high school certificate na ako kaya hindi na natin kailangan na alalahanin iyon. At saka ma, matutulungan ko na kayo ni Papa para mapaaral ang aking mga kapatid. Ako ang nakakatanda nilang kapatid kaya dapat ako rin ay kusang magpaparaya. “Pagpasyensyahan mo na kami ng papa mo anak kung kapos tayo sa pamumuhay at hindi namin kayo sabay na mapapaaral. Pagpasyensyahan mo na rin kung naparami kayong magkakapatid,” ay si mader emotional na. Huwag kang mag-alala ma naiintindihan ko naman ang situation natin kaya nga gusto ko ng makatulong sa inyo ni papa eh. Huwag mong alalahanin ang aking nalalapit na graduation ma dahil sigurado naman ang aking certificate doon. “Oh sige anak kung iyan ang iyong desisyon basta mag-iingat ka palagi sa iyong pupuntahan. Palagi mong sambitin ang pangalan panginoon para ikaw ay palagi niyang gagabayan,”pagpayag ng aking ina. Salamat ma, asahan mong palagi kong pakatandaan ang inyong mga payo sa akin. Kinagabihan ay masinsinan ko rin na kinakausap ang aking papa tungkol sa aking nagiging desisyon. Ito man ay hindi makatarungan dahil isang malaking kasinungalingan ang aking desisyon. Ngunit ito nalang ang aking paraan para makaiwas sa babaeng naging sanhi ng aking pighati na narararamdaman. Pumayag naman ang aking ama, at ang kanyang pagpayag ay may mahalagang payo na ipinabaon sa aking pagdayo sa ibang lugar. oooOooo “Tol, anong nangyari sayo kagabi at bigla kang nawala. Isang espisyal na kasiyahan ang iyong nilayasan. Ang akala pa naman namin ni Clark ay itinanan mo na si Jean. Nagulat nalang kami na ang palagi niyang kahawak ay si Marlon. Napakasaya pa nilang nagsasayawan na akala mo ay mag-shota. Naging Mr. Prom at Ms. Prom pa silang dalawa. Nababaliw na kami sa kakahanap sayo pero hindi ka talaga namin nahagilap. Mabuti nalang at may isa tayong kaklase na nakapagsabi na umalis ka raw. Nakita daw niyang nakatayo ka sa likuran ni Jean habang kausap nito ang kanyang kaibigan. Pagkatapos ay walang lingon kang umalis hanggang Sa lumabas ka ng gate,”si Roland. “Tol, matagal mo na kaming kaibigan kaya pwedi mo kaming sandalan sa oras ng iyong panganagilangan. Alam namin na natuklasan mo ang totoong pagkatao at pakay ni Jean, kaya siya naging malapit sayo. May Alam kami pero hindi namin ipinapaalam sayo dahil baka iisipin mong sinisiraan namin ang girlfriend mo,”sigunda ni Clark. Okay lang mga tol, kasalanan ko rin naman yon dahil matayog ang aking ambisyon. Nakalimutan ko na isa akong anak mahirap na sa isang kahig at isang tuka ng pamumuhay lumaki. Sinunod ko lang naman kasi ang t***k ng aking puso. Ang tinitibok na siyang magdudulot lang din pala ng aking unang kaibigan. Nga pala mga tol, aalis na ako bukas ng umaga. May isa akong kaibigan na naghahanap ng maging katuwang sa tindahan ang kanyang tiyuhin. Sayang naman ang uportonidad kaya tinanggap ko na. “Ano??? Siraulo ka ba? Malapit na ang graduation natin tapos dahil lang sa isang walang kwentang babae tatalikuran mo ang iyong award at certificate,”napataas boses na sabi ni Roland. Okay lang tol, matatanggap ko parin naman ang aking certificate. At saka sayang talagang uportonidad na ito. Alam nyo naman na marami kaming magkakapatid. Magkikita nalang tayo sa syudad kapag doon na kayo mag-enrol sa malaking unibersidad. “Labis naming ikinalulungkot ang iyong naging desisyon tol. Di namin lubos maisip na magiging ganito ang kahihinatnan ng iyong mga pagsusumikap. Basta tol, walang limotan magkakaibigan parin tayo hanggang sa huli. Mami-miss ka namin ng sobra, mag-iingat ka palagi doon dahil hindi mo pa kabisado ang syudad. Ito tol, tanggapin mo ang konting halaga na ito para may magamit ka habang wala ka pang sahod,”si Clark sabay abot sa akin ang isang libong note. Huwag na tol nakakahiya na talaga sa inyong dalawa dahil nagiging perwisyo na ako. Ang dami nyo ng naitilong sa akin at hinding-hindi ko kayo nakakalimutan bilang aking kasangga at kaibigan. Tol, yong damit na ipinapahiram mo sa akin palalabhan ko muna sa aking kapatid saka ibalik sayo. “Naku tol, huwag kang KJ dyan. Sayo na ang damit na iyon, isuot mo kapag magsisimba ka tuwing linggo,"sabi ni Clark. “Tol, ito isang libo rin para sayo kaibigan,”segunda ni Roland. Hindi ko tuloy naiwasan ang pag-agos ng aking mga luha. Sila ang mga tunay na kaibigan na palaging nariyan para sumuporta sa akin. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang inyong kabutihan pero maraming salamat dahil kayo ay palaging nariyan bilang totoong kaibigan. Sana balang araw palarin din ako at maaari ko na rin kayong ilibre. “Ihahatid ka namin bukas para kahit papaano makapag-bonding naman tayo kahit saglit man lamang. Ngayon ayusin mo muna ang iyong mga kagamitan. Ay bukas nalang kami babalik para maihatid ka namin sa port,”sabi ni Roland. Sige mga tol salamat ulit. Umuwi na nga sila ng tuloyan at ako naman ay inayos ang aking iilang mga gamit. Pagabi na kaya pumunta muna ako sa isang tahimik na lugar para pagmasdan ang mga bituin sa malinaw na kalangitan. “Tulad ng isang bituin nais ko ring ikay, abutin ngunit malabo sapagkat langit ka lupa ako, nais kong libutin ang buong mundo kasama ka binibining pinapangarap ko, hindi ko nais mahulog sa gaya mo ngunit diko mapigilan ang aking puso. Sa tuwing nakikita ka puso'y nahahalina di mapigil ang saya pag ngiti mo'y nasisilayan na, tila nababaliw pag nasilayan ka o aking giliw, binibini kong marikit tila isang tala na naka-aakit, ang iyong mga mata nag niningning tuwing aking nakikita. Labis ang saya pag ika'y aking kasama,” Ito ang tulang ginawa ko para kay Lheen pero ngayon ay nawala ang magandang kahulugan nito. Ang hirap palang umasa at magpakatanga. Ang hirap palang magmahal ng maling tao dahil pasakit lang ang naidudulot nito. Ilang taon ko inipon ang lakas ng loob, Para sabihin sa’yo lahat ng nakakulob. Sa puso kong patay na patay sa’yo, At ang masakit dun parang wala lang sa’yo. Masakit ang mga sugat na dulot mo, Tila libong pana ang tumusok sa puso ko. Wala ba talaga akong puwang sa buhay mo, At ganun mo nalang itinaboy ang pag-ibig ko? Ang hirap tanggapin na hindi pala totoo ang pagmamahal mo, At ang sakit isipin ako’y itsapwera na. Isang pagmamahal lang ang nais ko, Bakit pati ‘yon ay ipinagkait mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD