chapter 3

2144 Words
Flashback “Pre, crush ka yata ng majorette leader natin,”sabi ng aking kaibigan habang naglalaro kami ng chess. Paano mo naman nasabi na crush nga niya ako. Baka ikaw ang crush niyan at ikaw ang tinitingnan niya. Huwag kang magpapadistract sa kanyang mga titig dahil iyan ang makapagpahamak sayo. Check mate bro! “Anak ng.....paano mo ako na checkmate? Pambihira ang daya mo naman pre,”reklamo niya. Hindi kita dinaya, palagi mong tandaan ang mga alituntunin sa laro natin na nakahiligan natin: Ang chess ay ang pakikibaka laban sa pagkakamali. Bawat master ng chess ay dating baguhan. Iwasan ang karamihan. Gawin ang iyong sariling pag-iisip nang nakapag-iisa. Maging chess player, hindi ang chess piece. Ginagawa ng chess ang mga lalaki na mas matalino at malinaw ang paningin. Hawak ng chess ang panginoon nito sa sarili nitong mga bono, na nakagapos sa isip at utak upang ang panloob na kalayaan ng pinakamalakas ay dapat magdusa. Ang chess ay isang digmaan sa ibabaw ng board. Ang layunin ay durugin ang isip ng kalaban. Ang chess ay ang gymnasium ng isip. Hindi natin mapipigilan ang pagkahumaling sa sakripisyo, dahil ang pagkahilig sa sakripisyo ay bahagi ng katangian ng isang manlalaro ng Chess. Ang manlalaro lamang na may inisyatiba ang may karapatang umatake. Ang chess ay bihirang laro ng mga perpektong galaw. Halos palaging, ang isang manlalaro ay nahaharap sa isang serye ng mga mahihirap na kahihinatnan sa alinmang galaw niya. Kapag nakakita ka ng magandang galaw, maghanap ka ng mas magandang posisyon para makaataki. Sundan mo ng tingin ang galaw ng kalaban. Maging alerto ka sa kanyang bawat paglusob at harangan ang kanyang punterya. Kalahati ng mga pagkakaiba-iba na kinakalkula sa isang laro ng torneo ay naging ganap na kalabisan. Sa kasamaang palad, walang nakakaalam nang maaga kung aling kalahati. Ang mga taktika ay ang pag-alam kung ano ang gagawin kapag may dapat gawin; diskarte ay ang pag-alam kung ano ang gagawin kapag walang magawa. Maaari kang matuto nang higit pa mula sa isang larong natalo mo kaysa sa isang larong napanalunan mo. Kakailanganin mong matalo ang daan-daang laro bago maging isang mahusay na manlalaro. Hindi ako naniniwala sa sikolohiya. Naniniwala ako sa magagandang galaw. Sa chess, sinabi na ang buhay ay hindi sapat para dito, ngunit iyon ang kasalanan ng buhay, hindi chess. Kaya kasalanan na ng iyong sarili na hindi ka nakapag-focus sa iyong laro. Dahil ang iyong atensyon doon ka sa magandang dilag na nakatingin sayo. “Aba sumusobra kana Noy, tinalo mo na ako pinangaralan mo pa ng napakahabang paragraph,"reklamo niya. Nakatingin parin sa aming gawi si Lheen. Siya ang majorette leader at muse ng aming paaralan. Maganda kahit hindi katangkaran, makinis ang kutis, may mahabang buhok at maliit na ilong na bumagay sa kanyang bilogang hitsura. Palihim ko itong kinindatan ng mapadaan kami sa kanyang kinauupuan. Namula ang kanyang mukha, halatang kinilig sa aking ginawa. Malapit na ang intramurals ng aming paaralan kaya busy kami sa aming pagsasanay. Bilang senior students isa ako sa myembro ng students council. At bilang vice president ng buong campus isa ako sa nagmomonitor sa mga kaganapan ng paaralan. Samot saring mga paligsahan ang aming pinaghahandaan. At dahil nakahiligan ko ang paglalaro na ahedres ako ang naging pambato ng senior. Kapag pinupormahan ko ang babaeng ito natitiyak kong mapapaibig ko ito. Hindi sa pagmamayabang, sila na ang nagpapakita ng motibo para aking mapansin. Mali man ang pagbubuhat ng sariling bangko naging ma-appeal ako sa mga kababaihan. Tinagurian nilang silent campus crush dahil hindi naman ako masyadong madaldal. Kinakausap ko lang sila kapag kinakailangan o may mga aktibidadis sa aming paaralan. Aktibo ako sa mga curriculum at naging journalism sa loob ng campus. Sport journal ang aking mga sinusulat dahil sa mga mataktikang laro ako naging pursigidong maglaro. oooOooo Lheen, pwedi bang magpasama sayo saglit. May kailangan lang akong bilhin na mga kagamitan para sa decoration ng intramural banner natin. “Sure why not! Bakit ba ikaw ang naatasan na bumili ang paghandaan ang mga abubot na yan Noy,”reklamo niya. Ayaw mo ba nun dahil dito may chance tayong magkasama kahit ilang oras o minutos man lang. “Hahaha, dalawang Buenvenida naman oh. May balak ka palang makasama ako kaya ako na ang niyaya mong makasama sa pagbili ng mga kagamitan,”she laughed. “Obvious ba!”napakamot ako sa aking ulo. Teenagers na feeling nga naman kinilig ako sa dilag na ito. Alam mo ang sarap sa tainga ng mga halakhak mo. Tela isang malamyos na musika na nanunuot sa aking tainga. Paano ba yan ngiti at tawa mo palang kuha mo na ang loob ko. Paano nalang kaya kung sagutin mo ako eh di sayo na ang aking puso. “Nanliligaw ka ba Buenvenida?” Hindi ba halata Lheen? Hindi mo ba nakukuha ang laman ng aking mga pasaring? “Haha hindi po ako manghuhula para maintindihan ang mga katagang iyong ginagamit. Ako ay simpling dilag lamang na wala pang muwang sa usapan at ngalan ng pag-ibig,”she said. Ibig sabihin ba nyan kapag sinagot mo ako, A-ako ang magiging first boyfriend mo? Oh god I'm bless to know it. “Ano? Siraulo ka ba? Hindi ka pa nga nanliligaw status na natin ang sinasabin mo. Manligaw ka muna mister bago natin pag-usapan ang status na sinasabi mo,”sabi pa niya. Alright! Manliligaw na po. Sige alis na tayo beb para mabili na natin ang ating mga kailangang bilhin. First date of the day na rin tayo. “Haha loko ka talaga, mahilig ka talaga sa shortcut,”natatawa niyang sabi. Malapit lang naman ang bookstore na pupuntahan namin. It's a walking distance lang mula sa school namin. Nakakakilig na may makakasama kang magandang dilag habang naglalakad. Nakikita ko ang kislap sa mga mata ng aming mga kamag-aral. Nakatingin sila habang naglalakad kami ni Lheen sa pasilyo. Imagine ba naman majorette leader at campus muse ng aming paaralan ay kasamang naglakad ang tahimik nilang vice president. “Noy, si Ms. Jeanilyn Sibayan lang pala ang makakapagbukas ng pihikan mong puso. Agoyyyyy may nanalo na uwian na mga pards,”sigaw ng aking mga kaibigan. Baliw ka talaga bro wala namang ganyanan baka mailang pa si Lheen. “Uyyyyyy nickname basis kana tol,”pambubuska pa ng isa. Tayo na Lheen, hayaan mo na sila pagpasyensyahan mo na ang kakulitan ng mga iyan. Minsan baliw lang talaga iyang mga kaibigan ko. “Okay lang noy, wala namang mali sa sinabi nila. Oo inaasar ka nila at totoo naman ah ang tahimik mo kaya palagi. Napaka seryoso mo sa pag-aaral mo. Naging journalist ka nga pero about naman sa sports ang sinusulat mo. Tapos sport mo chess na mga seryosong manlalaro lang din ang may ganang maglaro,”sabi pa ni Lheen. Favourite game ko kasi ang chess Lheen. Simulan primary school nagsimula na akong maglaro ng chess. Kaya bawat taon ako ang pambato ng paaraalan natin. Sumasali na nga rin ako sa regional competitions at sa awa ng diyos nanalo naman. “Oh talaga? Ang galing mo naman palang manglalaro Noy,”papuri pa niya. Hindi naman sakto lang, saktong nakahiligan lang kaya pinalad naman sa mga paligsahan. Pagdating namin sa bookstore hinanap na namin ang mga kakailanganin namin. Inisa-isa namin ang mga items sa list na ginawa ng aming adviser. Nang makomplito na namin ang lahat umikot ako sa kabilang side. May nakita kasi ako kanina na rechargeable red rose side table light na made of glass. Kinuha ko ito para bilhin at ibibigay sa kanya. “Hoy saan ka ba galing? Ang haba na ng leeg ko kakahanap sayo ah. Ano yan? Kasama ba yan sa list ni ma'am?"usisa niya sa bitbit ko. Wala sa list yan Lheen, first gift ko ito para sayo. Nag-blush siya sa aking sinabi, oh God how cute. “Ano ba yan! Sinabi ko bang ngayon kana mag-umpisa? Ang bilis ko naman dumada-moves Noy,”nahihiya niyang sabi. Pinahintulutan mo na ako eh kaya hindi ko na kailangan na ipagpabukas pa kung may pagkakataon naman na maumpisahan na ngayon. “Huwag mo akong spoiled masyado Noy baka masanay ako,”nahihiya niyang sabi. Nakahanda akong sanayin ka Lheen sa ngalan ng pag-ibig. Nakita kong mas lalo siyang namula sa aking sinabi. Ang cute talaga niyang tingnan ang sarap yakapin ng mahigpit. Pagkatapos namin na mabayaran ang lahat lumabas na kami mula sa National Bookstore. At dahil tanghali na niyaya ko na siyang mananghalian sa isang fast food. Alam kong mayaman ang pamilya ni Jeanilyn Sibayan. Ang pamilya nila ang nagmamay-ari ng Sibayan Farm at Sibayan Copra Corporation. Samantalang kami naman ay namuhay lang sa katamtaman na pamumuhay. Ang aming ama ay magsasaka sa aming sariling lupain na medyo nasa katamtaman lang ang sukat. Sapat na pangkabuhayan para itaguyod kaming magkakapatid. Ang aming ina ay isang butihing maybahay na nagsisilbi sa aking ama at gumagabay sa aming magkakapatid. “Hey! Earth on Julius Nonoy Buenvenida. Saan ba lumilipad ang utak mo at parang napakalalim naman ng iyong iniisip,”pagising ni Lheen sa aking diwa. Oh I'm sorry Lheen, saka ko na sasabihin sayo. Order na tayo para nakabalik kaagad tayo sa school. Mabuti nalang at hindi mausisa si Jeanilyn. Umorder na kami ng aming makakain at umupo sa isang bakanting upuan. Masagana namin na pinagsasaluhan ang aming pananghalian. Hindi na kami masyadong nagkukwentohan. Baka kasi mas lalo kaming matatagalan. Pagbalik namin sa eskwelahan Ay dumiretso na kami sa room haaahhhhhh exhales napagod ako ng kunti sa paglalakad natin Lheen pero ayos lang ikaw nman ang kasama ko eh,” napangiti sya sa aking sinabi. Teka nga muna my chess board dito ohhhh laro muna tayo alam ko namang marunong kang maglaro ng chess eh. “Ohhh sige ba sagot pa niya at inilatag na namin ang chessboard at inayos ang mga piyesa nito. Teka nga! Hmmm may kundisyon itong laro natin ha pag natalo mo ako tuloy lang ang panliligaw ko sayo at pag natalo kita tayo na huhhhhh. Nanlaki ang mga bilogan niyang mata sa aking sinabi sabay kurot sa pisngi ko. “Napakapilyo mo talagang lalaki ka,”sqbi pa niya. Arayyyyy ang sakit pero masarap, Oh sya umpisahan na natin at makauwi na tayo. “Noy, ok ikaw ang unang tumira puti ka eh,”sabi niya. Oh Sige at inumpisahan na nmin ang paglalaro para magkalaaman na ng premyo. Natatawa kong sabi sabay kindat sa kanya. Nakailang tira na kami pero hindi ko parin maalis ang mga mata ko sa taglay nyang kagandahan at sa kanya nakatitig habang naglalaro kami At hindi ko pala alam na nahalata niya ang lahat ng iyon. “Noy, tumira kana,” sabi pa niya. Ah a-ako na ba ang t-titira? Utal kong tanong sa kanya. “Suuusss kanina pa eh nakatulala ka kasi dyan na parang ini- statue. Nag-iinit ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Sh*t ako ang lalaki pero ako ang tinamaan ng kakiligan. Nagtuloy-tuloy na ang paglalaro namin. "Yan naba tira mo Noy?” tanong pa niya. Oo! sagot ko naman, “Oh sige ako na ha Checkmate huhhhh. Paano nangyari yon Lheen? gulat Kong tanong “Hindi ka kasi naka-focus sa laro mo eh,”natatawa niyang sabi. Di ba nasa rules ng chess game ang pag-focus?”dagdag pa niya. Oh Sige talo na ako kaya tuloy na tuloy na panliligaw ko sayo. “Hoyyyy iligpit na nga natin ito ng makauwi na tayo,”sabi niya. Oh sige na nga uuwi na tayo kahit labag sa loob ko. Niligpit na namin ang mga piyesa at ibinalik sa tamang lalagyan. “Sige Noy, uwi na ako Oooppppsss ihahatid kita kahit sa labas lang ng eskwelahan. “Ako na Noy!”sabi niya ng kuhanin ko ang kanyang bag. Nakakahiya naman sayo talo na ako kaya ihahatid na kita at ako na ang mag bitbit nito. Tara na! Aya ko sa kanya at lumabas na kami at naglakad patungo sa labas ng aming eskwelahan. Wala syang kibo habang nglalakad kami. Tinapik ko siya sa kanyang braso. Lheen, may itatanong ako sa'yo. “Ano yon noy?”she asked. Masaya ka ba sa first date natin? “Hahaha shotgun date iyon eh, pero hmmm aaminin ko masaya ako sa araw na ito habang kasama ka,”sabi niya. Good to know Lheen, I'm happy too. Masaya akong nakasama kita ngayon. Mabait ka naman pala, first impression ko kasi sayo Ms. Sungit. “Ah kaya pala hindi mo ako pinapansin,”natatawa niyang sabi. Parang ganun na nga! Oh andito na tayo LHEEN ingat sa pag uwi ha see you tomorrow My Queen. Pahabol ko pang sabi sa kanya at ngumiti lang siya at sumakay na sa Tricycle pauwi. “Uyyyy tol, amoy pag-ibig kana! Narinig at nakita namin ang hitsura mong Puno ng kilig”pambubuska ng aking mga kaibigan. Tseee tumahimik nga kayo! Tara na uwi na rin tayo......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD