Napakagandang pumasok sa eskwela kapag alam mong makikita mo ang babaeng nagpapatibok ng iyong puso.
“Nay, alis na po ako papasok na ako sa paaralan,”paalam ko sa aking butihing ina. Kailangan kong pagbutihin ang aking pag-aaral para kahit papaano ay makatulong man lang ako sa aking mga magulang. May kasipagan din kasi itong aming mga magulang sa pagparami ng lahi.
“Happy wednesday tol,” bati sa akin ng aking mga kaibigan.“Mukhang maaliwalas mukha natin ngayon tol ah,” dagdag pa nilang sabi. Huuuhhhh kayo talaga ang aga-aga pambubuska kaagad ang mga inaatupag ninyo. Teka nga muna nasaan na ba ang ibang classmates natin? Bakit parang tahimik ang ating solid aralan ah.
“Wooohhhh classmates daw iba yata hinahanap mo tol eh,” patawang tukso nila sa akin. “Oyyyy tol namumula ka yata ahhhhh, tseee nagbininata na ang isang Julius Nonoy Buenvenida mga tol hahaha,”patuloy pa nilang pang-aasar.
“Wala ah!” sagot ko naman puro kayo mga kalukuhan eh. Wait parang ginutom ako hindi ko kasi kinakain ang almusal na hinanda ni nanay. Punta muna tayo sa canteen para makapag almusal ng konti. Asus huwag kami Buenvenida pumapaibig kalang kaya pati almusal mo nakalimotan mo na,”sabi ni Roland na isa aa mga kaibigan ko. Hindi naman tol gusto ko lang kumain tara na nga. Pero libre nyo muna ako ha, biro ko sa kanila. Hahahaha tumawa sila ng malakas. “Ang lakas mong magyaya tapos kami pala ang taya. Ohhhh sya sige na nga kaya lumakad na kami papunta sa canteen. Habang naglalakad kami inakbayan ako ng isa naming kaklase at my ibinulong siya sa akin.
“Tol Nakita mo ba ang nakita ko?”tanong niya. Bakit ano na naman ba yan tol? “Ayon ohhhh!” sabay haba ng nguso nya sa direksyon ni Lheen. At ito ay naglalakad papuntang classroom namin. Teka hintayin muna natin sya tol baka gusto niyang sumama sa atin sa canteen. Yahoooo amoy pag ibig kana nga tol. Hinintay nga namin na makalapit ang aking irog. Nang makarating si Lheen sa aming classroom nilapitan ko kaagad siya para kausapin. Eheeemmmmm Good Morning My QUEEN!”bati ko sa kanya “Huuuhhhh ikaw pala Juls magandang umaga din sayo, kumusta ka?”tanong kaagad niya, ang bait talaga ng reyna ko. Ikaw queen kamusta ka naman? Kumusta ang tulog mo kagabi? Kumusta naman ang takbo ko diyan sa utak mo? Tamang-tama ba ang insayo ko dyan sa isip mo?
“Hahaha napakapilyo mo talaga Juls, hindi ka boring kausap. Ngiti ang naging bungad mo sa aking umaga. Okay naman ang naging takbo mo sakto naman ang insayo mo sa isip ko. Kaya lang medyo ako itong napuyat sa mga pinaggagawa mo. Mahirap pala maging coach mo Juls dahil kailangan kong bantayan ang bawat takbo at insayo mo. Kailangan ko palang siguraduhin na hindi ka ma injured,”pasakay naman niya sa sinabi ko. I like it dahil may sense of humour ka rin kausap queen at hindi nakakasawa.
“Agoyyy mga tol kinilabutan ako sa aking mga narinig nakikiliti ang aking mga tutuli sa dalawang ito. Makahanap na nga rin na majojowa para may ka -sense of humour na rin ako,”sabi ng isa kong kaibigan.
Teka sa canteen muna tayo dahil wala pa naman si ma'am. “Tama medyo gutom narin ako gatas lang kasi at tinapay breakfast ko bago pumarito eh,”sabi ni Lheen. Kaya lumakad na kami papunta sa may canteen namin. “Ikaw tol ha iba na talaga aura mo,”sabi ni Clark. “Basta tinamaan ng pag ibig ganyan talaga yan,”sigunda ni Roland. Kayo talaga, namula tuloy si Lheen dahan-dahan lang sa pambubuska para di naman masyadong magkulay Rosas si Lheen. “Nagbablash din ang dilas oh mukhang tinamaan din ito ng pana ni kupido,”dagdag pa nilang biro.
Pagpasyensyahan mo na ang mga kaibigan ko Lheen. Alam mo naman sila kahit sa mga kaklase natin mapang-asar talaga sila pero mababait naman. Anong gusto mong kainin? Sige na pumili kana. “Ohmmm chicken burger nalang ako and juice Julz. Ikaw ba anong gusto mong kainin?” tanong niya. “Ikaw!”agad kong sagot. “A-ano? Loko ka ah umayos ka nga dyan nakakahiya baka may makarinig,”namumula niyang sabi habang kinurot ang aking tiyan.
Aray, di pa nga naging tayo sinasaktan mo na ako Lheen. “Hala sorry Julz nasaktan ba kita?”sabi niya sabay himas sa tiyan ko. Huwag mong kapain ang abs ko queen, di pa yan naging pandesal. Biro kong sabi sa kanya, inirapan naman niya ako. Ang cute niya tingnan sa kanyang pang-iirap. Pareho na kami ng order at ako na ang nagbayad sa lahat.
Oh siya, tama na muna ang biruan kain muna tayo dahil my klase pa tayo. Baka mahilig pa tayo sa klase tapos sa labas tayo patatayuin ni ma'am.
“Huwag kayong magsubuan dyan, hustisya naman sa single,”pabirong sabi ni Clark.
At dahil mapang-asar rin ako, hinatungan ko naman ang kanilang sinabi.
Lheen, say ahh dali! “Julz meron naman akong akin eh,”tanggi niya. Sige na isang kagat lang please, pa-cute kong sabi. “Diskarte mo tol, isang daan na porsyentong dahilan,”si Roland. “Oo nga tol, gusto lang naman ng kaibigan natin ng indirect kiss mula sa irog niya. Nananadya kana talaga tol eh,”sabi ni Clark.
Pagkatàpos nga naming kumain agad kaming bumalik sa ang classroom. Nagkatawanan pa nga kami habang binabaybay ang pasilyo ng aming paaralan. Napatingin pa ang aming mga kamag-aral. At hindi talaga maiiwasan ang mga tsismosa na kung makairap kay Lheen ay wagas. Mas lalo pa silang naiinis dahil si Lheen ang aming pambato sa intramurals beauty pageant.
oooOooo
Sa sumunod na mga araw pusposan na ang aming pag-iinsayo para sa parating na sport fest. Ang dalawa kong kaibigan ay sa pagsasayaw sila nakafocus. Kasama rin sila sa basketball at ina pang mga laro.
“Tol, mukhang may katunggali ka sa puso ni Lheen mo. Alerto na ang basagulirong kaklase natin na may gusto rin kay Lheen. Narinig ko kaninang may masama silang balak sayo kapag dumikit ka sa kanya,”isang balita ang agad na bumungad sa akin mula sa aking mga kaibigan. Ang aga naman ng inyong mga tsimis bro. Di pa nga nakalayo sa ibang deminsyon ang demonyo oh.
“Tol, seryoso ito dahil kami mismo ang makarinig. Alam mo naman na hindi patas lumaban ang addict na yon,”nag-alalayang sabi ni Roland.
Idaan nila sa diskartehan tol, karisma sa karisma hindi sa payabangan o pakikipagbuno.
Matalino si Lheen tol, mas gugustuhin niya ang may ibubuga ang utak. Nasa kanya na rin ang desisyon kung sino ang gugustuhin niya kung sakali. Oo may naramdaman ako sa kanya at alam ninyo yan tol. Pero kaya ko rin ang magparaya alang-alang sa babaeng mahal ko. Ngunit una sa lahat nais kong lumaban ng patas bago ko isuko ang taong mahal ko. Hindi ko kailangan na manakit o makipagsuntokan para sa isang babae.
Once na komprotahin niya ako, kakausapin ko siya ng maayos para maliwanagan siya. Kung pareho naming mahal si Lheen then fine may the best man win tol.
“Dyan ako bilib sa'yo tol, sa usapan mo dinadaan ang lahat,”sabi ni Clark.
Mga mag-aaral tayo tol, kaya wisyo at diskarte ang ating papairalin. Hindi karate na nakakawala ng disente. Lalo na at tayo pa naman ay mga senior students. Kailangan natin maging role model, hindi rules breaker.
“Wooohhhh iba talaga ang talino ng isang Julius Nonoy Buenvenida tol. Nakaka-inspire ang motivation ng kung sayang baol pa hinugot,”sabi pa ni Roland.
Mga loko talaga kayo tol, nang-aasar pa kayo eh. Kumusta naman ang praktis ninyo para sa ating intramurals?
Mananalo kaya si Lheen bilang panlaban natin sa ating section? Balita ko magaling din ang mga katunggali niya eh.
“Ayos lang ang praktis namin tol nakahanda na kami para bukas. Syempre malakas ang kutob ko na mananalo ang reyna mo. Bukod sa matalino, di naman nagpapaiwan ang kagandahan na parang may maharlika na kaanyuhan,”hugot rin ni Clark.
“Nakakahawa ka pala tol, hindi ko aakalain na pati ang kaibigan natin ay mapapasambit sa iyong mga hugot,”dagdag pa ni Roland.
Pero tol kayanin kaya niya? Kita nyo naman may praktis pa siya bilang majorette tapos idagdag pa ang pagsali niya sa Ms. Intrams. Baka magkakasakit ang aking reyna tol.
“Di ko alam na may pagkabaliw side pala si Buenvenida tol. Problemahin ba ang reyna eh kita naman natin na mas malakas pa siya sa kalabaw. Bilhan mo nalang ng gamot kapag nagkasakit. Mas maganda nga yon eh, makakalapit ka sa kanya ng husto,”sabi ni Clark.
“Oo nga tol advantage mo na yon, mamanhikan ka na rin para wala kanang kaagaw pa. Nga pala Goodluck sa alin bukas ha dapat galingan natin at huwag tayong magpapatalo sa mga juniors, sophomore at freshmen,”dagdag naman ni Roland.
Tol, mauna na ako sa inyo, sasabayan ko lang ang aking reyna. Para makapag advance goodnight na rin ako.
Hindi ko na pinakinggan ang kanilang pambubuska dahil agad na akong tumakbo para makalapit sa gawi ni Lheen.
Pero laking inis ko dahil bago pa man ako makalapit sumulpot na kaagad ang aming kaklase na may kursonada din pala sa babaeng iniibig ko.
Magpatuloy nalang ako sa aking paglalakad para malagpasan silang dalawa. Nagkatawanan pa kaya mas lalong umusbong ang aking panibugho.
“Hey Julz, pauwi kana?”sigaw niya ng malagpasan ko na sila.
“Malamang!”uwian na eh, sige mauna na ako sa inyong dalawa. Malayo pa naman ang lalakarin ko, wala kasi akong motorbike eh, bye.
Nakita ko ang pag-iba ng kanyang hitsura. Hindi ko dapat sinabi yon sa kanya, kaya lang nadala ako sa aking paninibugho eh. Hindi ko nakokontrola ang aking sarili. “Ogag ka Noy, wrong move ka to the minus,”anas ng aking isip.
Kamalian now, suyuan later self...