Third Point of View Kasalukuyang naghahanda na si Althaea ng kanyang sarili para sa kanilang biyahe patungo sa Bonevo Island na kung saan gaganapin ang kanilang kaarawan. Paglabas niya ng kwarto kaagad na siya sinalubong ni Zen at ito na mismo ang nagsaklay ng kanyang knapsack. "Let's go?" Napatango kaagad ang dalaga sa sinabi ng binata. Pinag-secure niya ang buong apartment bago sila lumabas. Naglalakad na sila patungong elevator hanggang sa makalabas na ng building. Kaagad siyang sinalubong sa loob ng SUV ng kanyang tatlong kaibigan pa. "Sa wakas, narito na rin si Althaea!" sambit ni Rayver na siyang driver ng kanilang sasakyan at kanina na rin sila naghihintay sa dalaga. "Pasensya na kayo. Tinignan ko pa kasi iyong mga gamit ko sa bag kung may nakalimutan akong ilagay o wala." pa

