Kaagad na niyakap si Althaea ni Ginger nang makita 'to. "Hay salamat narito ka na, Bez. Kanina ka pa namin hinahanap at hinihintay. Saan ka ba galing na tao ka?" "Diyan lang sa tabi-tabi." Maikli niyang sagot nang napansin niyang naglalalakad palapit sa kanya ang kakambal. "Sabihin mo nagsolo nanaman kayo ni Zen." Pagbibiro pa nito kaya pilit na napangiti si Althaea. "Finally you came, sis. Sobrang sabik pa naman akong yayain kang kumanta." Biglang singit na lang ni Althaea sa usapan. Napansin ni Althaea ang di pagpansin ni Greige sa kanyang presensya kaya mas nawalan siyang gana para pagbigyan ang kanyang kakambal. "Why don't you sing us a song?" Tanong pa nito. "Sorry, Athena hindi ako makakanta ngayon." Walang ganang saad ni Althaea dahilan para mawala naman ang excitement sa mukh

