K1- Introducing Aries Del Mundo

1853 Words
"CHOKE me, Marco!" utos ni Aries sa kasintahan. Mabilis namang sumunod ang binata habang patuloy ito sa pag-ulos. He will do everything just to satisfy her. Hearing her wild moans, seeing her biting her lips, he knows he's doing it right. Aries likes it hard. Whatever she asks, Marco will give her. He took both of her hands and pinned them behind her. Naging mas agresibo ang binata sa kanyang bawat pag-ulos. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ni Aries ngunit nakangiti ito habang kinakagat ang ibabang labi. Wala itong maiganti kundi puro ungol at pagtawag sa pangalan ng kasintahan. "Faster, Marco!" utos ng dalaga. Dahil sa sinabi niyang iyon ay lalong nanggigil si Marco. He curled on top of her, making no distance between them. He arched his hand on her neck and planted love marks on it. Aries could no longer say a word, for she already can hardly grasp for air. Marco continues thrusting fast and hard. He felt Aries' legs start getting stiff. He knew she's getting there. Nang maramdaman niyang malapit na rin siya sa sukdulan ay mas binilisan niya pa. Naramdaman niya ang matatalim at mahahabang kuko ni Aries na halos bumaon sa kanyang mga binti. Ilang segundo pa ay tuluyan nga nilang narating nang sabay ang kasukdulan. Halos lantang bumagsak nang marahan si Marco sa gahol na katawan ng kasintahan. He smiled and laid beside her. Hinawi niya ang buhok na nagkalat sa mukha ni Aries. Pinagmasdan niya ang magandang mukha nito. "I love you..." bulong niya. Hinintay niya ang tugon nito ngunit isang ngiti lamang ang kanyang natanggap. It's okay with him. Sanay na siyang hindi tumutugon ang kasintahan sa tuwing nagpapahayag siya ng pagmamahal dito. Masaya na siyang nakakasama ito. Inalayan niya ng masuyong halik ang noo nito at saka ikinulong sa kanyang bisig. Langit na iyon para sa kanya. "I have to go!" maya-maya ay wika ni Aries. Mabilis itong bumangon at isa isang pinulot ang mga saplot na nagkalat sa loob ng kwarto ni Marco. Marco was stunned! They're celebrating their second anniversary as a couple, and Aries agreed to spend that whole day with him. "Akala ko ba buong maghapon ka rito," aniya. "At saka, akala ko rin i-si-celebrate natin ang birthday mo." "Bukas pa naman ang birthday ko, Marco. What are we gonna do all day?" She gave him a stern look. "Please, babe, stay with me. I missed you so much!" Hinapit niya ang baywang ng dalaga at yumakap siya rito na parang bata. "No, Marco, my mind is completely changed," Aries replies, shrugging her shoulders. "Na-realize ko, hindi ko pala kayang humilata lang dito maghapon.” "Pwede naman tayong lumabas," he suggests. "O kung gusto mo, ipagluluto kita ng mga paborito mo. Mas okay iyon kasi—" says Marco, but the rest of his sentence becomes lost in dim because Aries just blankly stares at him na para bang hindi ito interesado maski ano pa ang ialok niya. In the end, he just nodded and let her leave. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Aries pagkalabas niya ng inuupahang apartment ni Marco. Ayaw niya ng pakiramdam na masyado siyang na-a-attach sa binata kahit kasintahan na niya ito. Hindi siya pwedeng ma-attach dito hangga't hindi nito natutupad ang pangakong aangat ang estado sa buhay. Hindi pwedeng mapalagay at maging kompiyansa na si Marco dahil lamang sa mahal niya ito. Two years ago, sinagot niya si Marco. Hindi ito ang kanyang ideal man ngunit hindi niya mapigilan ang sariling mapaibig dito. She wanted someone who's perfect- gwapo, matalino, at higit sa lahat, mayaman. Bakit hindi? Deserve niya iyon! Nasa kanya na ang lahat ng katangiang hahangarin ng sino mang lalaki- maganda siya, matalino, independent, at masipag. Ngunit sadyang traydor ang kanyang puso; nahulog ito sa isang lalaking hindi pasado sa kanyang standard. Kung itsura lang din naman ang pag-uusapan, maihahambing niya si Marco sa isang trophy na masarap i-display. Kaiinggitan siya ng kahit na sino mang babae kung pisikal na aspeto lamang din ang pag-uusapan. He has very masculine facial features- thick brows, deep seated eyes, chiselled nose, strong and wide jaw. Matipuno pangangatawan nito. Naaalala niya pa nang unang beses niyang nakitang hubad ito ay hindi niya napigilan ang mapalunok. Aakalain mong taong gym ito dahil sa namumutok nitong mga masel sa katawan. Iyong mamasel na katawan na hindi nakakatakot at awkward tingnan. Ang totoo ay batak lamang ito sa mabibigat na trabaho. Ang sino mang babaeng makakita ng hubad na katawan ni Marco ay siguradong uuhawin nang wala sa oras. She is more than willing to bear a child for him, kahit uraurada pa. Siguradong maganda ang ibibigay nitong lahi sa kanya. Pero hindi iyon gano'n kasimple. Si Marco ay galing lamang sa isang payak at mahirap na pamilya. Nagtatrabaho ito bilang simpleng empleyado sa isang telecommunications company. Sinusuportahan nito ang pamilya at nagpapa-aral pa ng tatlong nakababatang kapatid. Sa madaling salita, hindi siya ang priority nito. Ni wala itong sariling sasakyan. Nagkakasya na lamang siya sa pagsakay sa taxi o sa pag-angkas sa hinuhulugan pa nitong motor tuwing aayain siya nitong mag-date. Hindi niya magawang maipakilala ito sa kanyang mga magulang, kaibigan, at mga katrabaho. No way! Alam ng lahat ng nakakakilala sa kanya na firm ang kanyang paninindigan sa kung anong klaseng lalaki ang gusto niya. Mapapahiya siya kapag nalaman ng mga ito na kinain niyang lahat ang kanyang mga sinabi. Tinanggihan niya rin ang ilang beses na pag-alok sa kanya ni Marco na maipakilala siya sa pamilya nito. Sa madaling salita, lihim ang kanilang relasyon. At tumagal nga ang lihim na iyon ng dalawang taon. Marco loves her so much, so he agreed with all her conditions. Binigyan niya ng pagkakataon si Marco dahil nangako itong magsusumikap pa lalo upang maibigay ang buhay na gusto niya sa hinaharap. Nakikitaan niya naman ng masidhing pagpupursige ang kasintahan. Sa katunayan ay may inaasahan itong promotion. Excited na rin siya dahil kapag nagkataon ay malaki itong stepping stone sa career nito. May pag-asa nang tuluyan itong pumasa sa kanyang standard. Ang katotohanan niyan ay ipinagdarasal niyang matupad na ni Marco ang goal nito sa buhay dahil mahal niya ito. Ito ang nais niyang mapangasawa sa hinaharap. Ito ang nais niyang maging ama ng kanyang magiging mga anak. Ginawa niyang dahilan ang pagiging unproductive kung mananatili siyang kasama buong araw si Marco, ngunit isa lamang iyong excuse upang maiiwas niya ang sarili sa kasintahan. Baka makalimutan na niya ang totoong layunin niya sa buhay dahil sa isang haplos lang nito ay nanghihina na siya. The next day... "Happy birthday!" Nabigla si Aries nang pagbukas niya ng pinto ng kanyang office ay tumambad sa kanya ang mga katrabaho at ang kanilang boss na si David Vergara. Madalang lang ang mga pagkakataong naroroon ito dahil sa dami ng negosyong inaasikaso. Kaya pala kaunti lang ang nakita niyang empleyado pagpasok niya ng Gustav Building. Ang Gustav na produkto ng Amadeus Designs Incorporated ay ang leading office furniture brand sa bansa. Isa lang iyon sa maraming matagumpay na negosyo ni David. Tatlong taon na rin siyang nagtatrabaho rito. Kaka-promote lang sa kanya last year bilang sales executive at na-enjoy niya ang kaabalahang dulot ng kanyang trabaho. Nasapo niya ang kanyang ulo at napangiti. "Guys, you don't have to do this!" wika niya. "You're all so sweet!" dugtong pa niya habang iniaabot ni David ang isang malaking bouquet ng bulaklak sa kanya. Sunod naman ay ang pag-alok nito sa kanyang hipan ang kandilang nakalagay sa isang cake na kahit maliit ay halatang mamahalin. Pumikit siya upang humiling at saka pinatay ang sindi niyon. Si David na mismo ang nagsabing kanselado ang pasok ng lahat ng empleyado upang maipagdiwang nila ang kaarawan ni Aries. Labis na ikinatuwa naman iyon ng lahat. Nagtungo sila sa isang five-star restaurant located somewhere in Quezon City. Sagot lahat ng kanilang boss. "Malapit ka nang lumampas sa kalendaryo, baks! May balak ka pa bang mag-asawa?" wika sa kanya ng matalik na kaibigang si Mae. "Syempre naman!" sagot ng dalaga. "Eh, sa ano ba ang magagawa ko? Hindi pa dumarating ang Mr. Right ko?" Napalingon sa kabilang gawi si Aries. Every time she lies, Marco's face automatically flashes on her mind. Nakokonsensya siya, pero ano ang magagawa niya? "Hay naku! Tatanda ka talagang dalaga niyan, promise!" says Mae, trying to suppress her laughter. Sumulyap siya ito sa kanilang boss. "Sagutin mo na kasi si Boss!" kantyaw nito kay Aries. "No way!" mabilis na sagot ni Aries. Natawa siya. "Wala akong balak pumatol sa isang lalaking mas matanda pa sa tatay ko," pabulong niyang wika at baka may ibang makarinig. Nagkasalubong ang paningin nila ni David, kaya nginitian niya ito. Malapit na itong maging senior citizen, hindi nga lang halata sa mukha nito ang edad. In fact, he's still hot! Nasa genes yata nito ang katangiang iyon maliban lamang sa dami ng salapi nito para sa maintenance. Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. Halatang magandang lalaki ito noong kabataan. "Naku, kung ako lang ang liligawan ni Boss, hindi ako magdadalawang isip, sasagutin ko siya! Magiging instant billionaire ako, at ako na ang nagmamay-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan natin at ng iba pang pagmamay-ari ni Boss. Magiging boss mo na rin ako at sinisigurado ko sa 'yong pahihirapan kita!" Humalakhak ito. "Ah, gano'n?" Marahan niya itong binatukan. "Ayan, para magising ka sa katotohanang hindi type ni Sir ang mga exotic beauty!" Siya naman ang humalakhak. "Excuse me!" mataray na wika ni Mae. "Ang ganitong beauty ang nakakabingwit ng mga gwapo at madatong na foreigners, ano!" pagmamalaki nito. Bumuntong hininga ito. "Hay naku Aries, bahala ka! Ikaw rin, time is running out! Next year trenta ka na, at mahirap na raw mabuntis at magbuntis sa mga gano'ng edad. Or worse, kung patuloy kang magiging choosy, never mo nang matitikman ang pinakamasarap na luto ng Diyos!" Tumawa ulit ito. "Sigurado kang hindi pa ako nakakatikim ng luto ng Diyos?" Makahulugang tiningnan niya ang kaibigan ngunit isang malakas na halakhak ang mabilis na itinugon ni Mae. "Oh, please, Aries! Ikaw?" Humalakhak ulit ito. Aries smirked. Kung alam lang ni Mae kung ilang beses na siyang nakatikim ng luto ng Diyos. Kung alam lang nito kung gaano siya ka-wild sa kama. Baka mawalan ito ng ulirat sa gulat. Napailing siya. Even her closest friend doesn't know her that well. Gano'n siya kagaling magtago ng sekreto. Nagpatuloy sa paglilitanya si Mae. "Gwapo, mayaman, mabait, matalino, responsable, walang bisyo, at ubod ng yaman. All-in-one! Hindi Mr. Right ang hanap mo baks, kundi Mr. Perfect! Ilusyon lang 'yon, ano! Walang gano'n! Gising, Aries, gising!" Niyugyog nito ang balikat ng kaibigan. "Makontento ka na sa lalaking mamahalin ka at 'di ka gugutumin. 'Yon ang mahalaga. “Pangit 'yang nag-si-set ka ng standard na pagkataas taas. Ang unfair niyan! How would you feel kung mahanap mo na 'yong lalaking magugustuhan mo, kaso may standards rin siya like you, at hindi ka pasado? Wouldn't you feel bad? At saka, pangit daw 'yong masyadong mapili sabi ng matatanda. Madalas minamalas sa napapangasawa." Tiningnan nito si Aries nang mataman. "Makakatagpo ka rin katapat mo, baks." Aries sighed and rolled her eyes. "Whatever!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD