ARIES loves Marco. She wants him to work hard, so she doesn’t have to find a perfect guy anymore.
Ano ang mangyayari sa kanya kapag nag-asawa na sila ni Marco sitwasyon nito ngayon? Magiging masaya sila sa loob ng ilang buwan o taon. Pagkatapos ay ano? Araw-araw na nilang pag-aawayan ang mga bagay kagaya ng bills at kawalan ng savings! Hindi siya papayag na mangyari iyon sa kanya. Sisiguraduhin niyang hindi siya maghihirap! Hindi sapat ang pagmamahal lang! Mamatay silang dilat ang mata kapag wala na silang makain.
Bago niya nakilala si Marco ay marami ring lalaking nagtangkang maangkin ang kanyang puso. May nanligaw sa kanyang mayaman, kaso ubod naman ng pangit! Magmumukhang pera siya sa mata ng mga tao. At ano na lang ang magiging itsura ng magiging mga anak nila? Tumatayo ang mga balahibo niya kapag gumuguhit sa kanyang isipan ang itsura ng mga iyon. May nakilala rin siyang gwapo na, mayaman pa. Iyon nga lang masyadong possessive. Hindi pa nga sila ay grabe na kung makabakod. Ayaw niya ng nakakasakal na relasyon. At heto na nga si David. Mayaman nga ito pero masyado nang matanda para sa kanya.
"Ihahatid na kita," alok sa kanya ni David pagkatapos nilang magsalu-salo.
"Naku, okay lang ako, Sir! Magta-taxi na lang ako. Malapit lang naman ang bahay namin dito," tanggi ng dalaga.
"I insist!" says David with his firm voice. "It's your birthday, and you don't deserve to ride a taxi."
Ngumiting pilit ang dalaga. Pinagbuksan siya ni David ng pinto ng magarang sasakyan nito. Isa iyong Bentley Continental GT. Parang wala siyang karapatang tumanggi nang mga oras na iyon. Pumasok siya at sinubukang maging komportable.
"Kung bakit ba naman tumatanggi ka sa ibinibigay kong sasakyan sa iyo noon. Pwede rin namang utang kung hindi ka komportable sa bigay," wika pa ni David habang umiikot ito papunta sa kabilang pinto ng kotse. Hindi umimik si Aries.
Tinanggihan niya talaga ang regalong mamahaling kotse noon ni David sa kanya. Ayaw niyang magmukhang gold digger sa mga katrabaho niya at sa ibang tao. Magkakaroon siya ng sasakyan galing sa dugo at pawis niya. Pagkatapos niyang maipagpatayo ang kanyang mga magulang ng desenteng bahay, sasakyan naman ang ipupundar niya.
Tahimik na nagmaneho si David. Hindi ito tinapunan ng tingin ni Aries. Naiilang siya sa presensya nito dahil alam niyang may pagtingin ito sa kanya.
Napalunok siya nang huminto ang kotse ni David sa isang madilim na parte ng kalsadang halos walang dumadaan na sasakyan. "Is something wrong, Sir?" she asked. Sinubukan niyang itago ang nerbyos na nararamdaman.
David shook his head and smiled like a pervert. "What are your plans, Aries?" he asks, slowly making the distance between him and Aries smaller.
"What plans, Sir?" replies Aries, pulling herself back a little.
"I mean about us," tahasang tugon ni David. "Kailan mo ba ako sasagutin, Aries? Matagal-tagal na rin akong naghihintay sa 'yo."
Nanlaki ang mata ng dalaga nang ilapat ni David ang kamay nito sa kanyang tuhod. Nagdulot iyon ng nakakadiring sensasyon na nagpatayo ng balahibo niya. Kulang na lang tumayo pati ang mga buhok niya sa ulo. Mabilis niyang iniiwas ang kanyang sarili.
"Sir, ihatid na po ninyo ako sa bahay. Masyado nang late," wika niya. "Pwede na rin ho akong maglakad mula rito."
Bumalik sa dating posisyon si David. "That's what I like about you. Hindi ka easy-to-get, Aries," says David, smirking. "With all the money that I have, kayang kaya kong bilhin ang kahit na sino mang babae." Umayos ito sa pagkakaupo. "Kaya nga ako umabot sa edad na ito nang wala pang asawa dahil sinulit ko ang aking pagkabinata. Hindi ko namalayan, nangungulubot na pala ang balat ko. Sa edad kong ito, alam kong hindi pa rin naman huli ang lahat." He looks at her again. "I want to settle down already, Aries. Gusto ko pa ring magkaanak at ikaw ang gusto kong maging asawa."
Nang mga oras na iyon ay gustong gusto na ng dalaga na kumaripas ng takbo ngunit hindi niya magawa.
"Bakit ako, Sir?” she asked.
"Bakit hindi?" wika ni David. "Nakakahiya mang aminin sa sarili ko na matanda na ako, pero halata naman, hindi ba?” He chuckled. “Wala akong mga kamag-anak, wala akong asawa at anak. Kapag namatay ako, sa iyo lahat ng kayamanan ko. Ayaw mo ba no'n, Aries?"
Kumunot ang noo ng dalaga. "Mukha ba akong pera sa paningin ninyo, Sir?"
"No!" tugon ni David. "But you're working very hard. Hindi mo pwedeng itanggi na gusto mong yumaman, hindi ba, Aries?" Hindi nakaimik si Aries. Totoo naman ang sinasabi ni David. "Nakikita ko ang pagpupursige mo. Kaya kong tuparin ang mga pangarap mo sa isang kumpas lang ng kamay ko kung hahayaan mong gawin ko ito."
Nanatili pa ring walang imik si Aries.
"Pag-isipan mo lang. I'm willing to wait for your answer. Huwag mo lang masyadong tagalan at hindi na ako bata para magsabing kaya kitang hintayin habang-buhay."
Napatitig sa kawalan si Aries. The next thing she knew, nasa harapan na sila ng kanyang bahay.
"Goodnight Aries! Think about my offer." Isinara na muli ni David ang pinto ng kotse nito makaraang makalabas si Aries.
Sinalubong si Aries ng inang si Dolor. Nagmano siya rito.
“Ano ang nangyari, anak?” usyuso ng ginang. “Himalang nagpahatid ka kay Sir David!”
“’Nahiya na ho akong tumanggi ‘Nay. Paano, grabe ang effort niya ngayong araw para sa birthday ko. Simpleng paghahatid niya lang sa akin, tatanggihan ko pa ba?” wika ng dalaga. Ibinagsak niya ang hapong katawan sa sofa sa kanilang sala. Ang ina na niya ang nagtanggal ng kanyang sapatos.
“Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin ang pag-ibig niya, anak? Wala ka pa namang natitipuhan, hindi ba? Kapag pinakasalan ka ni Sir David, siguradong hindi ka na makakaranas ng hirap buong buhay mo. Hindi mo na kailangang kumayod para sa amin ng tatay mo.”
Bumuntong hininga si Aries. “Hay Inay! Kaya ko pa namang magtrabaho. Kaya kong bigyan kayo ng magandang buhay nang hindi umaasa sa isang lalaking kagaya ni Sir. Kaya kong itaas ang sarili ko gamit lang ang talino, sipag at abilidad. Wala ho ba kayong tiwala sa akin?” tila nayayamot niyang wika.
“May tiwala ako sa iyo, anak. Pero bilang ina mo, ayaw kitang nakikitang—”
“Wala akong nararamdamang atraksyon kay Sir, ‘Nay!” putol ng dalaga sa sasabihin ng ina. “Hindi ko kayang pakasalan ang isang lalaking hindi ko gusto. Para lang akong kakain ng pagkaing hindi kayang tanggapin ng sikmura ko.”
Si Aling Dolor naman ang napabuntong hininga. “Imposible naman kasi ang anak ang gusto mong lalaki. Baka mauna pang pumuti ang uwak kaysa makakita ka ng perpektong lalaki!”
“Mayro’n iyan ‘Nay. Hindi pa lang siya dumarating. Okay?” Tinapos na niya ang usapan nilang mag-ina at saka siya pumasok ng kanyang kwarto.
Sinundan siya ng ina. “Anak, halika muna rito. Ipinagluto kita ng paborito mong pancit! Saluhan mo kami ng tatay mo,” wika ni Aling Dolor.
“Busog ako ‘Nay! Gusto ko nang magpahinga,” tugon ng dalaga.
“Okay, anak, magpahinga ka na. Happy birthday!” bati ni Aling Dolor dito. Napabuntong hininga na lamang ito. Sabi kasi ni Aries bago ito pumasok sa trabaho kaninang umaga ay sa gabi na lamang sila magsasalu-salo. Mukhang mapapanis lang ang kanyang niluto kaya ipinasya nitong mamigay sa ilang kapitbahay.
Nagsisisi si Aling Dolor kung bakit isa lamang ang anak nila ng asawang si Damian. Sana ay dinagdagan pa nila ang kanilang anak noong kabataan pa nila. Natakot kasi sila na mahirapang itaguyod ang kanilang anak dahil sa kalagayan nila sa buhay. Solo tuloy silang itinataguyod ni Aries ngayon. Pareho na silang walang trabaho ng kanyang asawa. Dalawang beses na kasing na-stroke si Mang Damian, kaya halos bed ridden na ito. Si Aries ang tumutustos sa lahat ng kanilang pangangailangan.
Mabait at responsableng anak si Aries. Matalino ito, madiskarte at independente. Mula pagkabata nito ay wala itong bukambibig kundi ang yumaman pagdating ng araw upang maibigay sa kanila ang magandang buhay. Ngunit matigas ang paninindigan nitong hindi papakasal sa isang lalaking kulang ang katangian na pasado sa pamantayan nito. Nag-aalala siya sapagkat parang nabubuhay ang kanyang anak sa isang pantasya. Bilang ina ay gusto niya lamang ng isang lalaking tunay na mamahalin ang kanyang anak. Nag-aalala siyang baka tumandang dalaga si Aries dahil sa pagiging sobrang mapili nito.
ILANG saglit pa lang na naiidlip ay nagising si Aries sa tunog ng kanyang cellphone. Tumatawag si Marco. Tinatamad man ay pinulot niya iyon upang sagutin.
“Hi babe!” bati nito sa kanya. “Happy birthday!” Aries can imagine him smiling. He has dimples in both cheeks. Isa iyon sa mga kahinaan niya pagdating kay Marco. “I just missed your birthday. Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko kanina?”
“Marco, I’m tired,” she replies, still pretending to be cold. “My boss and my office mates threw a surprise party for me. Nakalimutan kong sabihan ka. Hindi ko rin napansin ang phone ko maghapon. I’m sorry!”
Understanding as he is, Marco just nodded. “Okay. It’s okay.” He sighed heavily. Napatingin siya sa ibibigay niya sanang malaking bouquet ng fresh flowers kay Aries. Lanta na iyon. Nag-prepare din siya ng dinner, ngunit siguradong mapapanis lang ang mga iyon at sa basurahan din mapupunta. “How about tomorrow? Pwede bang i-celebrate natin ang birthday mo bukas?”
“Marco, hindi pwedeng um-absent na naman ako,” wika ng dalaga. “It’s just my birthday, it’s not that special!”
“It’s not that special, but you spent the whole day with those people when you promised to spend this day with me,” Marco says, sounding disappointed. “Okay...” Sometimes he just can’t understand Aries. Hindi naman siya demanding sa mga ordinaryong araw dahil alam niyang numero uno kay Aries ang trabaho nito. May mga araw lang na inaasahan niyang magbibigay ng exception ang kasintahan.
Kasunod niyon ay katahimikan. Nabagabag si Aries sa katahimikang iyon. Napabuntong hininga siya. “Fine!” Napaupo siya sa stress na nararamdaman. “Bukas, okay? Bukas ng gabi, pwede? Kailangan kong pumasok. Hindi na ako pwedeng um-absent. Promise, I’ll spend the whole night with you!”
“Thank you, babe!” nakangiting wika ni Marco. Napawi rin kaagad ang namumuong tampo niya. “I can’t wait to see you! I promise to make you happy tomorrow.” He purposely made his voice sound sexy. He knows it turns Aries on.
Aries bit her lip. Napangiti siya. Ano na naman kaya ang pakulo ni Marco?
“Okay!” tugon niya. “Matutulog na ako. Bukas ka na lang tumawag.”
“Yeah, you need to rest to refuel yourself,” said Marco, still trying to tease her.
“Goodnight, Marco!” Mabilis niyang ibinaba ang phone at baka makalimot na naman siya. Marco knows her weakness, at hindi ito maganda! She’s falling for him more and more every day. Kaya nga hangga’t maaari ay gumagawa siya ng paraan upang iwasan ito. Torture iyon sa kanyang sarili, ngunit sa huli ay lagi niyang natatagpuan ang sarili sa piling nito.