K3- Marco's Surprise for Aries

2122 Words
KINABUKASAN ay wala sa sariling pumasok si Aries sa trabaho. Iniisip niya pa rin ang offer sa kanya ni David. Sa totoo lang ay nakakatukso talaga ito. “Bakla, stressed ka yata!” saad ni Mae. Inaya nitong magtungo sa cafeteria ang kaibigang si Aries sa kanilang break. “Na-pi-pressure na ako kay boss,” himutok ni Aries. “Parang minamadali niya akong sagutin ang offer niya. Bakit, tatanggapin niya ba kapag sabihin kong ayaw ko?” Nagbuntong hininga ito. “Baka kapag tinanggihan ko siya, tanggalin niya ako sa trabaho. Ang dami kong pinagdaanang hirap para marating ko lang itong posisyon ko. Hindi ako naglaro ng madumi, at hindi ko ginamit ang feelings niya para sa akin para maabot ko ang lahat ng meron ako ngayon. Hindi ako papayag na basta lang mawala lahat ng pinaghirapan ko!” Napabuntong hininga rin ang isa. “Kung ako na lang sana ang aalukin ni Boss, hindi pa siya mahihirapan. Kaso ikaw kasi ang tipo niya,” wika nito. “Ayaw mo ba talaga, Aries?” Umiling si Aries. “Sobrang nakakatukso ang offer niya, oo. Sino ba ang ayaw maging bilyonarya nang walang kahirap hirap? Pero sino rin ba ang may gustong maging asawa ng isang matandang lalaki para lang sa pera? Hindi pa ako gano’n kadesperada. I’m not a gold digger!” She answered and sipped her cold tea. “Do you believe in love, Aries?” kunot ang noong tanong ni Mae. “Of course!” bulalas ng dalaga. “If I don’t believe in love, matagal ko nang pinakasalan si Boss. I don’t love him, that’s why I am not going to marry him.” “Okay. So ano ang plano mo?” “Hindi ko alam. Iiwasan ko na lang munang magkasarilinan kami. Mabuti nga hindi siya palaging nagpupunta rito. Good thing marami siyang pinagkakaabalahan.” “Alam mo baks, hindi ko maintindihan kung bakit tutok pa rin sa mga negosyo niya si Boss, samantalang wala naman siyang pinaglalaanan. Wala naman siyang mga anak. Wala ring mga kamag-anak. Puro na lang siya charities. Kung ako siya, baka pa-travel travel na lang ako. Kung gusto niya ng anak, ang daming paraan. Ang dami dami ring babae riyan na magkukumahog para maanakan niya. Pero, iba rin ang kamandag mo ano Aries. Tsk!” tukso nito sa kaibigan. “Sana all na lang talaga.” “Kung ganitong kamandag lang din na nakaka-stress, huwag na!” “Alam mo Aries, kung gagamitin mo lang ang utak mo, kasi matalino ka naman. Tipong papatayin mo lang ang konsensiya mo, hindi naman gano’n kahirap kagatin ang offer ni Boss, e! Imagine, paano kung bigla na lang siyang mamamatay? Eh, di tapos ang problema mo! Magiging instant bilyonarya kang malaya.” Hinampas ito ni Aries nang may kalakasan. “Manahimik ka nga, Mae! Iyang bunganga mo ha, sumusobra na!” anito. “Oo nga gusto kong yumaman nang todo, pero hindi naman ako ganyan kasama para isipin iyan!” Sinabi na rin iyon ni David sa kanya ngunit ayaw niya pa rin itong marinig sa iba. “Possibility lang naman ang sinasabi ko, Aries. It happens in real life!” paliwanang ng isa. “I’m sorry if I offended you. Nakalimutan kong may reputasyon ka pa nga rin pala.” “And that’s what you should always keep in your mind,” seryosong wika ni Aries. Marahan namang tumango si Mae. That whole day in the office was tiring for Aries kahit wala naman siyang gaanong ginawa. In fact, isa iyon sa mga maluluwag na araw niya sa trabaho. Ang isip niya siguro ang pagod. Naubos yata ang oras niya kakatitig sa monitor ng kanyang computer. Parang tumatagos roon ang kanyang paningin at hindi niya alam kung saan naglalakbay ang kanyang isip. Bawat magyaya sa kanyang umuwi ay hindi niya pinansin. Ang katahimikan ng paligid ang bumasag sa kanyang pagmumuni-muni. Pagtingin niya sa labas ng bintana ay madilim na pala. Siya nga yata ang pinakahuling lalabas ng building. Hindi naman siya matatakutin dahil biro nga niya sa mga kasamahan, hindi naman bukás ang kanyang third eye. Isa pa, wala namang creepy stories sa kanyang workplace. “Goodnight Ma’am!” bati sa kanya ng security guard pagkalabas niya ng gate. “Ingat po kayo pauwi, Ma’am!” pahabol pa nito. Ngumiti ang dalaga bilang tugon. Kailangan pa niyang maglakad ng ilang metro patungo sa may footbridge upang tumawid at mag-abang ng taxi pauwi. Paakyat pa lang siya ng footbridge nang may humawak sa kanyang baywang. Mabilis siyang humarap dito upang sampalin sana ngunit nawala ang kanyang kaba nang makita ang mukha nito. “My God, Marco, you scared the sh*t out of me!” wika niya. “Surprise, babe!” saad ng binata. Umikot ang mata ni Aries dahilan upang matawa ito. “I’m sorry if I scared you. I just wanted to do something different. Susunduin sana kita. You like it?” “No!” mabilis na tugon ng dalaga. Halata ang inis sa boses nito. “Sinabi ko naman sa iyo, huwag na huwag mo akong pupuntahan sa trabaho, ‘di ba?” “Babe, this is not your workplace!” anang binata. “Wala kang katrabahong makakakita sa akin.” “And how sure are you?” “Babe, relax!” Niyakap niya ang dalaga kahit na mayroong mga tao na umaakyat baba sa footbridge. Wala siyang pakialam. Hindi na nagprotesta pa si Aries. Alam niyang napaamo niya na naman ito. Hinalikan niya ang leeg nito malapit sa may punong tainga. “I missed you...” he whispered. Napapikit na lang si Aries. What more can she do? She’s under his spell, and she’s feeling weak again. Huminga siya nang maluwag.“Okay, so where are you gonna take me now?” She gazed at him. Marco just gazed back at her and smiled. Pumarada ang motor ni Marco sa harap ng isang five-star hotel. “What are we doing here, Marco?” usisa ni Aries. Marco bit his lower lip. “Trust me, babe,” he answered. Kinuha niya ang kamay ng kasintahan at magkasabay na pumasok ng hotel. Dumeretso sila sa reception area. Aries has never been in that hotel. Napaka-classy ng ambiance nito. Naririnig niya pa ang classic music na pumapailanlang sa buong paligid. Narinig niyang kumuha ng room for two si Marco. Maswerte sila na kahit gabi na ay mayroon pang available na kwarto. Madalas kasi sa mga hotels ay fully booked at kailangang may reservation. Iniabot ng babaeng front-office staff ang susi ng kanilang magiging kwarto. “Your room is on the 8th floor, Sir. Room number 80,” nakangiting wika nito. “Dinner is served from 5:40 to 8:30 pm in the dining area. If you need anything else, please let us know.” “Sure!” nakangiting tugon ni Marco. “Thank you!” Naglakad na sila patungo sa kanilang magiging kwarto. “May pera ka, ah!” namamanghang wika ng dalaga. “Are you sure you can pay all that we’re going to spend here? ” “Of course, babe! Don’t worry about the expenses. Matagal ko itong pinag-ipunan at pinagplanuhan.” They stopped in front of the elevator. Kinuha ni Marco ang kamay ng nobya. “I want to make you feel extra happy tonight.” Aries smiled. “Pero paano iyan, kailangan kong pumasok sa trabaho bukas?” wika niya. “Problema ba iyon? Eh, di papasok ka! Kung gusto mo, ihahatid pa kita,” nakangiting tugon ni Marco. “I’m serious, Marco! Malulugi ka sa ibabayad mo rito.” “Don’t worry, susulitin ko ang stay ko rito pagkapasok mo sa trabaho. I’ll pretend like a king for a day.” He took her hands and kissed them. “Don’t worry about anything else. Ang importante, magkasama tayo ngayong gabi. Sulitin natin.” He looked straight into her eyes. “I love you!” he uttered. He is not waiting for her to respond, but for the first time in history, she did! “I love you, too!” tugon ni Aries. That slipped out of her mouth, and it’s too late for her to take it back. Kulang na lang ay tumalon si Marco sa saya. Sa wakas ay narinig niya rin mula sa kasintahan na mahal din siya nito. Nakita niya sa mga mata nito na mula iyon sa puso. This is the happiest night of his life! Niyakap niya si Aries nang mahigpit. “Thank you!" masayang saad niya. Hindi na pinigilan pa ni Aries na gantihan ang yakap ng nobyo. Just this once, she will not torture herself. Napangiti siya habang nakapikit at yakap nang mahigpit si Marco. Ganoon pala ang pakiramdam ng hindi mag-hold back. Isa iyon sa mga kahulugan ng kalayaan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang namnamin ang sandaling iyon. Bumukas ang elevator sa harapan nina nila. Naghawak sila ng kamay at pumasok doon. Sumandal si Aries sa balikat ni Marco. Iyon ang unang beses na naramdaman ng binata ang lambing ng kasintahan. Habang umaakyat ang elevator ay parang umaakyat din siya sa langit sa labis na kaligayahan. Hinagkan niya ang ulo ni Aries. Ilang saglit pa ay narating na nila ang 8th floor. Naglakad sila patungo sa kanilang kwarto at binuksan iyon. Namangha si Aries sa ganda ng loob niyon. Hinawi niya ang kurtina na malapit sa kamang naroroon. The sight is breathtaking! All those lights from the busy city look like stars from the night sky. Naramdaman niya ang pagyakap ni Marco mula sa kanyang likod. “You like it?” malambing na tanong ng binata. “So much!” mabilis na tugon ni Aries. Pakiramdam niya ay nasa isang magandang panaginip siya. Pakiramdam niya ay ipinapatikim ni Marco ang magiging buhay niya sa piling nito kapag natupad na ang pangako nito sa kanya. Hindi na siya makapaghintay! Bahagya siyang nagulat nang tumunog ang kanyang cellphone na nakalagay sa kanyang shoulder bag na nakalagay sa ibabaw ng kama. Mabilis niyang pinulot iyon at saka pinindot ang answer button. “Anak, anong oras na? Bakit hindi ka pa umuuwi? Nasaan ka? Alalang alala ako sa ‘yo!” sunod-sunod na tanong ni Aling Dolor. Napapikit ang dalaga nang mariin. Nawala sa isip niya na hindi siya nakapagpaalam sa kanyang ina. “’Nay, ayos lang ako. Huwag kayong mag-alala. Hindi ako makakauwi ngayong gabi.” “Bakit, nasaan ka?” nag-aalala pa ring tanong ng ginang. “Kasama ko ang mga katrabaho ko ‘Nay,” pagsisinungaling ni Aries. “Biglaan lang naming naisip na mag-overnight sa bahay ng isa naming katrabaho. Okay lang ako ‘Nay. Bukas na ho ako nang gabi makakauwi.” “O siya, sige,” wika ni Aling Dolor. “Mag-iingat ka.” Ibinaba na nito ang telepono. Bumuntong hininga si Aries. Ilang kasinungalingan na ba ang sinabi niya sa kanyang inay? Mukhang na-master na niya ang art of lying. Kompiyansa naman siya sa tiwala sa kanya ng mga magulang niya. Alam niyang hindi siya kailanman pagdududahan ng mga ito. “Kailan ko kaya makikilala ang inay mo?” wika ni Marco. Hinarap siya ni Aries. “Let’s not talk about it now, okay?” She started acting cold again. Katulad ng madalas na ginagawa ni Marco, tumango ito. “I feel like I need a shower,” wika pa ng dalaga. “Pagkatapos, baba na tayo sa dining area kasi gutom na ako.” She began unbuttoning her blouse and proceeded to the shower room. Aries felt an instant relief when the first droplet of the warm water from the shower touched her skin. She closed her eyes to savor that feeling. Hindi niya namalayang sinundan siya ni Marco. Marco smiled while watching her blurred image behind the transparent curtain. It will always be the best scenery for him. Hinawi niya ang tabing na siyang tanging namamagitan sa kanilang dalawa. Medyo nagulat pa si Aries nang makita si Marco. “What are you doing here?” kunot ang noong tanong ng dalaga. Niyakap niya ang sarili kahit na ilang beses na naman siyang nakitang hubad ni Marco. “Nagugutom din ako,” mabilis na tugon ni Marco. Ngumiti ito nang pilyo. Naramdaman kaagad ni Aries ang mainit na damdaming si Marco lamang ang may kayang magdulot sa kanya. She bit her lip as she watched Marco walks towards her. He felt her hands lose strength and freed her body. Marco removed the distance between their bodies to finally quench the hunger of his raging soul.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD