K4 - Dinner Date

1516 Words
Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi na tila ba uhaw na uhaw. Naging agresibo sa paghalik si Marco habang hinahaplos ang batok ni Aries. Iniangkla naman ni Aries ang parehong kamay sa balikat ng nobyo habang gumaganti sa mga halik nito. Napansin lamang niya na naalis na ni Marco ang lahat ng saplot nito sa katawan nang maramdaman niya sa kaniyang balat ang hubad na katigasan nito. Nakaramdam siya ng rumaragasang pag-iinit mula sa kanyang kaibuturan. Lalo siyang bumigay sa nakakabaliw na mga halik ng binata. Naging marubdob ang bawat palitan ng kanilang mga halik. Napasinghap ang dalaga nang bigla na lamang siyang hawakan sa balikat ni Marco at pinsadal sa dingding ng shower room. Parang naputol ang kanyang paghinga nang lumuhod si Marco sa harap ng kanyang kaselanan. Kinuha ni Marco ang mga kamay niya at marahang pinisil ang kanyang mga palad. Nakatingin ito nang derekta sa kanyang mga mata, wari ay humihingi ng permiso. Ngumiti si Aries hudyat upang ituloy na ni Marco ang binabalak. Napaangat ng tingin si Aries at nakagat ang ibabang labi nang magsimulang pagpalain ni Marco ang kanyang pagk*babae. Ang init na nagmumula sa dila ng binata ay tila dumidilig sa buo niyang katawan. Nakagat niya ang ibabang labi nang kinadatan siya ni Marco habang ginagawa iyon. Aries grabbed Marco's para mas lalo itong pag-igihan ang ginagawa. Hindi naman nabigo si Marco at ilang sandali lang naramdaman niyang naabot na ni Aries ang kasukdulan. Wala siyang sinayang na katas mula sa hiyas ng kasintahan. Tumayo si Marco upang muling halikan ang kasintahan habang pinagpapala naman ang may katamtaman nitong hinaharap. Napasinghap na muli si Aries nang alalayan siya ni Marco paharap sa dingding. Naramdaman ni Aries ang pagkaskas ng sandata nito sa kanyang pang-upo. She gulped. With Marco, it always feels like her first time. Laging naroroon ang kaba, pero mas lamang ang pananabik. Napaigtad na lamang siya nang tuluyan nang maipasok ni Marco ang galit na galit na nitong alaga sa kanyang bukana. Halos maputol ang kanyang paghinga. Nagsimulang gumalaw si Marco. Ginalugad ng dila nito ang bawat sulok ng leeg at tainga ng dalaga. Walang ibang magawa si Aries kundi ang gumawa ng mga ingay na lalong nakakapukaw sa pagnanasa ni Marco. Bawat pag-ulos ni Marco ay napapasinghap si Aries. Magkahalong sakit at sarap ang kanyang nararamdaman. Ngunit ang sakit na dulot ni Marco ay ang klase ng sakit na handa niya maranasan nang paulit ulit, nang walang pagsisisi. Hinawakan ni Marco ang magkabila niyang balakang upang mas pagbutihin pa nito ang ginagawa. "I know you're hungry," he whispered in her ears. "I'm just gonna make this fast," wika pa nito. Ibinaon nito ang ulo sa balikat ng nobya. Naramdaman ni Aries ang mainit na labi ng binata sa kanyang leeg at ang pagsipsip nito roon. Sigurado siyang mag-iiwan na naman doon ng marka ang binata. Humapit ang mga kamay ni Marco sa kanyang sikmura, at tumaas iyon hanggang sa ilalim ng kanyang dibdib. At saka nito itinodo ang bilis at lakas ng pag-ulos. Ilang saglit pa ay naabot na nito ang sukdulan. Humihingal na hinawi ni Marco ang nagkalat na buhok ni Aries sa mukha nito. Naghinang ang kanilang mga labi at muling pinagsaluhan ang isang mainit na halik. Kahit na tapos na si Marco ay patuloy pa rin ang mahihina niyang pag-ulos. Napasinghap si Aries nang dahan dahan nitong alisin ang sandata sa kanyang p*gkababae. "I love you," bulong ni Marco sa kanya. "Hihintayin kita sa labas," anito pa bago lumabas ng shower room. Bumaba si Marco upang may kunin sa compartment ng kanyang motor. Nagmamadali siyang bumalik sa hotel room, at ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na mula sa shower room si Aries. Nasapo ni Aries ang noo. "Sabi ko na nga bang hindi ito magandang ideya. Wala akong isusuot," anito kasabay ng isang buntong hininga. "'Di ba sabi ko naman sa 'yo, wala kang aalalahanin ngayong gabi?" nakangiting wika ni Marco. Binuksan niya ang cabinet sa tabi ng kama at iniabot kay Aries ang dalawang piraso ng paperbag na bahagya nang na gusot dahil sa oagkakasiksik sa compartment ng kanyang motor. Ang isa ay may lamang damit, at ang isa naman ay may lamang sandalyas. Kitang kita naman ang saya sa mukha ni Aries, halatang nagustuhan nito ang mga pinamili para sa kanya ng kasintahan. Isa iyon sa mga gusto niya kay Marco, may taste ito pagdating sa fashion ng mga babae. Alam na alam talaga ni Marco ang sukat niya. Saktong sakto ang hapit ng pulang dress na binili nito sa kanya. Lalong lumabas ang kanyang alindog. Lumapit sa kanya ang nobyo at hinalikan ang kanyang mga balikat. Mayamaya pa ay may inilabas itong box sa mula sa bulsa ng pantalon nito. Napanganga si Aries nang buksan ni Marco ang box. May laman iyong gold necklace na halatang mamahalin. Isinuot iyon ng binata sa kanya. Pagkatapos ay pinaharap siya ng nobyo upang halikan. "You look gorgeous, as always," wika ni Marco. "Thank you," tugon ng dalaga. Hinawakan niya at pinagmasdan ang pendant ng kwentas na hugis puso. Hindi siya makapaniwalang ini-spoil siya ni Marco sa kanyang kaarawan. Ineskortehan siya ni Marco palabas ng kwarto hanggang pababa sa dining area. Napanganga siya nang makita ang dining area ng hotel. Kitang kita ni Marco ang ningning sa mga mata ng nobya. It made him smile. Inalalayan niya ang kasintahan patungo sa kanilang lamesa. "Are you happy?" nakangiting tanong niya sa kasintahan. Tumango si Aries kasabay ang isang matamis na ngiti. "Mabuti naman," wika ng binata. "I want to make you happy, always." Ngumiti lang ulit si Aries. Maya maya ay nilapitan na sila ng isa sa mga waiters upang i-serve ang in-order nilang dishes. Walang masabi si Aries sa presentation ng mga pagkain. Napailing na lang siya ng matikman ang mga ito. "Sigurado kang hindi ka namumulubi pagkatapos nito, ha?" naninigurong wika ni Aries habang ini-enjoy ang pagkain na naka-serve sa kanilang lamesa. Bahagyang natawa si Marco sa sinabi ng nobya. Seryoso kasi ito at mukha talagang nag-aalala. "Bayad na ang motor ko. Finally!Nabayaran na rin lahat ng bills sa bahay. Naibigay ko na rin ang mga kailangan ng mga kapatid ko sa school at nakapag-abot na ako kay Inay," wika niya. "Don't worry about anything tonight. Sabi ko nga kanina, matagal ko itong plinano. Gusto kong ito ang maging pinaka-memorable mong birthday." Aries nodded. For sure, uti nga ang pinaka hindi niya makakalimutang kaarawan. "Kumusta na nga pala ang promotion na hinihintay mo?" maya maya ay tanong niya kay Marco. "Sa susunod na linggo na gagawa ng announcement si Boss," tugon ni Marco. "I am confident na makukuha ko ang posisyon. Kapag nangyari iyon, magkakaroon na ako ng financial freedom at unti unti ko na ring tutuparin ang matagal ko nang pangarap- ang makapagpatayo ng sariling restaurant," anito. "At kapag may sarili na akong negosyo, alam kong mapapalaki ko iyon in no time. Hindi magtatagal, makakaya ko nang maibigay sa iyo ang buhay na gusto mo." "Mangyayari lang iyon kapag natapos na ang responsibilidad mo sa mga kapatid mo at sa mga magulang mo," matabang na tugon ni Aries. Kinuha ni Marco ang kamay niya at hinaplos iyon. "Isang taon na lang, graduate na si Marian. Makakahanap siya kaagad ng trabaho dahil matalino siya at tutulungan ko siyang makapasok sa isang magandang kompanya. Kapag may trabaho na siya, gagaan na ang mga bagay dahil tutulong na rin siya sa pagpapaaral kay Meryl at Gab. Dalawa na kaming breadwinner." Hindi umimik si Aries. "Babe, hindi naman matatapos ang responsibilidad ko sa kanila. Pamilya ko sila, e. Parang ikaw sa mga magulang mo." Natigilan si Aries sa narinig. "So, ikokompara mo ako sa iyo?" naiinis nitong wika. "Hindi naman sa gano'n. Ang gusto ko lang maintindihan mo ako." He started to worry. Mukhang nasira na niya ang mood ng nobya. Umikot ang mata ni Aries. "Baka nakakalimutan mong binigyan lang kita ng pagkakataon dahil nangako ka. Nangako kang iaangat ang buhay mo para sa akin. Alam mong una pa lang, sinabi ko na sa iyo nang malinaw kung ano ang buhay na gusto ko, 'di ba? At hindi iyon iyong buhay na mayro'n ako at mayro'n ka." Nagbuntong hininga si Marco. "Alam ko, babe. Kaya nga ako triple kayod, e. Ginagawa ko naman lahat para maging karapat-dapat para sa iyo." He nervously smiled. "Katulad ng sabi ko, isang taon na lang graduate na si Marian at ma-po-promote na ako sa trabaho. Everything is falling well in to place. I am in control. I am confident with all of my plans." "Siguraduhin mo lang." Tumango si Marco. "Sisiguraduhin ko. Hindi ko yata kayang mawala ka sa akin," wika niya. He grabbed her hands and kissed them. "Kaunting panahon na lang, Aries. Huwag ka munang mapapagod. Ginagawa ko ang lahat para sa iyo, at para sa future natin. Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako. Basta huwag mo lang akong iiwan." Namasa ang mga mata niya. He tried his best to hold his tears. Hindi siya pwedeng magmukhang mahina sa harap ni Aries. Aries sighed. At katulad ng madalas niyang ginagawa, ngumiti lamang siya bilang tugon sa nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD