"Good morning, Marco!" bati ni Dionne kay Marco. Nagkasabay sila sa paglalakad mula sa parking area papasok ng company building.
"Good morning, Dionne!" tugon ng binata sa office mate. Kararating lang niya sa trabaho, straight from the hotel. Ang sabi niya kay Aries ay susulitin niya ang paglalagi sa hotel, ngunit pagkahatid sa kasintahan, ay nag-checkout din siya sa hotel upang makapasok sa trabaho. Bawat araw mahalaga sa kanya dahil may goal siyang kailangang abutin.
Si Dionne naman ay isang baguhang empleyada sa kanilang kompanya. Isang taon pa lang itong nagtatrabaho at may maayos na reputasyon. Palasimba ito at 'di makabasag pinggan. Simple lang ito sa ayos at pananamit. Palagi itong nakasuot ng salamin sa mata. Maganda ito sa kabila ng napakasimpleng ayos. Bilang palakaibigan siya ay siya na ang unang lumapit sa dalaga noong mga unang araw nito sa trabaho upang mapalagay ang loob nito sa kanilang workplace. Sa katunayan, sa kanya lang nakikipag-usap ang dalaga hanggang ngayon. Pagdating sa iba ay aloof pa rin ito.
"You look happy," wika ng dalaga. "Baka gusto mong i-share sa akin kung bakit."
Ngumiti lang si Marco, ngunit hindi na niya in-elaborate ang dahilan kung bakit siya masaya. Kung pwede nga lang sana niyang ipagsigawan ang relasyon nila ni Aries.
Mabuti na lang ay maibalik niya ang maayos na mood ng nobya kagabi. Hindi talaga magandang ideya na pinag-uusapan nila ang kanilang mga plano sa buhay dahil nauuwi lang iyon sa hindi pagkakaintindihan. Buti na lang ay alam na alam niya kung paano paaamuhin si Aries.
After they had dinner, they enjoyed the rest of the night. He made love to her once again, and she slept in his arms. Pagod siya at puyat ngunit masaya.
Bumalik ang kanyang atensyon kay Dionne. Napansin niyang na tila hindi ito mapakali. Mukha itong may sasabihin.
"Yes, Dionne? Is there something you want to tell me?" usisa niya.
"Actually, wala," tugon ng dalaga. Inayos nito ang salamin sa mata at tumikhim. "May gusto lang akong ibigay sa iyo."
They stopped walking.
Kumunot ang noo ni Marco. Kinuha ni Dionne ang kanyang kamay at isinuot sa kanya ang isang wristwatch.
"Ano ito?" nagtatakang tanong ng binata.
"Gift!" mabilis na tugon ni Dionne.
"Matagal pa ang birthday ko," nakangiting wika ni Marco.
"Thank you gift ko iyan sa iyo for being a good friend to me." She smiled.
"You don't have to give me a gift, Dionne. You don't even have to thank me," anang binata.
"Tanggapin mo na lang, Marco, please. That would make me happy." Her lips pouted.
"Okay," wika ni Marco. "Thank you!" He smiled at her. Ang akala niya ay magpapatuloy na si Dionne sa pagpasok ng building ngunit nanatili itong nakatayo sa tabi niya. "Is there anything else you want to say?"
Naging halata ang kaba sa itsura ng dalaga. Bahagya itong namutla. Napalunok ito.
"Marco..." wika nito, bahagyang nanginginig ang boses. "I like you."
Napahugot ng malalim na hinga si Marco.
"I like you, Marco. I know you like me, too."
Bahagyang natawa si Marco sa tinuran nito, ngunit tawa iyon na labas sa pag-insulto. Hindi niya lang alam kung paano mag-ri-react. Hindi niya alam kung saan nakuha ni Dionne ang winika nito.
"We're friends, Dionne," wika niya.
"Yeah, I know. But we can be more than that, right?" Tumango tango si Dionne na tila ba kinukunbinse ang binata.
"Namis-interpret mo lang yata ang mga actions ko," tugon ni Marco. "I like you, Dionne, but nothing more than a friend. I have no romantic feelings for you."
Tila binuhusan naman ng malamig na tubig si Dionne sa winika ng binata.
"Hindi, eh," aniya. "Nararamdaman kong may gusto ka sa akin. You're attracted to me. Sobrang bait mo sa akin. Sobrang sweet mo. Ikaw lang ang ganyan sa akin."
Umiling si Marco. "Na-misinterpret mo nga ang mga actions ko," aniya. Tumikhim siya. "Kaibigan lang ang tingin ko sa iyo, Dionne. Hanggang doon lang. Sorry kung inisip mong gusto kita dahil sa mga ginagawa ko. I thought I was just being a good friend to you."
"B-bakit hindi natin subukan, Marco? Kung wala kang nararamdaman para sa akin ngayon, baka kapag sinubukan natin ay magustuhan mo na ako. Hindi ba mas okay na nagsimula tayo bilang magkaibigan?"
"I already have a girlfriend," pag-amin ni Marco. He doesn't want to say it, but Dionne is giving him no choice.
Umiling ang dalaga. "Ang sabi mo noon wala, kahit sino pa ang nagtatanong sa iyo. Hindi! Hindi ako naniniwala. Sinasabi mo lang iyan para tigilan na kita."
Nagbuntong hininga si Marco. "Nagsasabi ako ng totoo. May girlfriend na ako. Ang totoo niyan ay matagal na kami. I was with her last night. Siya ang dahilan kung bakit ako masaya. Iyon ang sagot sa tanong mo sa akin kanina."
Umiling iling si Dionne. Ayaw nitong maniwala.
"I love my girlfriend so much. Balak ko na ngang mag-propose sa kanya ng kasal anytime soon."
"Hindi ako naniniwala sa iyo," paangil na wika ni Dionne. "Ganyan mo ba ako hindi kagusto para gumawa ka ng kasinungalingan? Ang galing mo, ha, kasi mukha ka talagang kapani-paniwala."
"I am not lying. Our relationship is private. Hindi kita mabibigyan ng katunayan para lang maniwala ka. Pero nagsasabi ako sa iyo ng totoo," seryosong wika ni Marco. He hopes he convinced her already.
Ngunit muling umiling si Dionne. "I have been hiding my feelings for too long. Ang tagal kong inipon ang lakas ng loob ko para sabihin sa iyo na gusto kita para lang sabihin mo iyan?"
"Dionne, it's time to work. Saka na tayo mag-usap."
Imbes na umalis ay lumapit pa si Dionne kay Marco. She grabbed the hem of his polo. "Subukan mo ako, Marco. Please! Let's try. I'll prove to you that I'm worth it."
"Dionne, stop," seryoso nang wika ng binata. Inalis niya ang kamay nito sa kanyang damit na bahagya nang nagusot. Umiling siya. "We're friends. Let us stay that way. Now, let's go to work and pretend like nothing happened. I promise, hindi magbabago ang pagtrato ko sa iyo."
"No, Marco! I want you!" matigas na wika ni Dionne.
Marco sighed. "I am sorry, I can't return the feeling."
Nagtiim ang mga bagang ni Dionne. Sa wakas ay sumapat na rin ang sinabi ng binata upang iwanan niya ito. She walked out.
Napatingin sa paligid si Marco. Nakahinga siya nang maluwag nang makompirmang wala namang nakakita sa kanila ni Dionne.
Ang akala niya ay titigil na nga ang dalaga, ngunit inabangan siya nito sa kanilang uwian. Sasakay na sana siya sa kanyang motor ngunit nahawakan nito ang kanyang braso.
"Talk to me, Marco, please!" anito.
Napakamot sa batok ang binata. "Ano na naman ito, Dionne? I thought malinaw na sa iyo ang lahat."
"Hindi!" tugon ng dalaga. "Sa tingin mo ba babalik pa tayo sa dati pagkatapos kong sabihin sa iyo ang nararamdaman ko? Hindi na. Things between us will never be the same."
"Kakalimutan ko ang sinabi mo. Pangako. Okay? Let's move on. Move on, Dionne. There will never be an us, dahil may mahal na ako."
"Hindi pwede!" protesta ng dalaga. "Don't make me do something that you will regret, Marco."
Kumunot ang noo ni Marco. "What are you saying?"
"You think you know me?" ani Dionne. "You don't! I am capable of doing things na hindi mo inaasahang kaya kong gawin."
"Huwag na nating paabutin sa gano'n, please," wika ng binata. "Hindi ka ganyan, Dionne. You can do better."
Sinusian na ni Marco ang kanyang motor ngunit pinigilan siyang muli ng dalaga.
"Kung ayaw mo akong bigyan ng pagkakataon, Marco, humanda ka nang magdusa sa pananakit mo sa damdamin ko," wika ni Dionne.
"Don't we have a freewill, Dionne?" anang binata. "Do what you want, I don't care anymore. Sinabi ko na sa iyong hindi kita gusto. May girlfriend na ako. Papakasalan ko siya. Mahal na mahal ko siya, at hinding hindi ko siya ipagpapalit sa iba."
Nagtagis ang mga bagang ni Dionne. Kinuyom nito ang mga palad.
Hinubad ni Marco ang ibinigay nitong relo at iniabot sa dalaga. "Kung hindi mo igagalang ang pagtanggi ko sa iyo at ang pribadong relasyon ko, mas mabuti pang tapusin na ang pagkakaibigan natin. From now on, maging casual na lang tayo sa isa't isa. Hindi na tayo magkaibigan kundi magkatrabaho na lang."
Pinaandar na ni Marco ang kanyang motor. Wala na siyang balak magpapigil kay Dionne.
"You're gonna regret this, Marco," banta ng dalaga. "Sisiguraduhin kong magsisisi ka!"
Hindi na iyon inintindi pa ni Marco. Tuluyan na siyang umalis upang makalayo na sa dalaga.
Totoo ngang 'looks can be deceiving'. Mukha kasing mahinhin ang dalaga, relihiyosa pa. Akala niya ay matinong babae si Dionne. Hindi naman sa nanghuhusga siya ngunit ito pala ang tipong ipipilit ang sarili magustuhan lang ng isang lalaki. Walang natirang pride sa katawan ng dalaga. It was a big turn off for him.
Pakiramdam niya ay mahihirapan na siyang makasama ito sa iisang workplace. Mukha kasing hindi titigil si Dionne hangga't hindi niya ibinabalik ang damdamin nito. Napailing na lamang siya.