K6 - The Proposal

1545 Words
Kinabukasan ay hindi na lumapit pa si Dionne kay Marco. Sa katunayan ay umiiwas ito. Akala ni Marco ay magiging persistent pa rin ito dahil sa mga sinabi nito kahapon. "What?" wika ni Jake, isa sa mga kaibigan Marco sa trabaho. "Sinabi iyon ni Dionne? I can't believe it. Mukhang wala sa diksyunaryo niya ang gano'n." "Iyon na nga pare, kaya parang nabigla ako," wika naman ni Marco pagkatapos ng isang buntong hininga. "Masyado ka kasing naging mabait sa kanya. Binigyan niya iyon ng malisya. Being too friendly is not a good idea, pare." "Well, nangyari na ang nangyari," ani Marco. "Ang bilis nga lang. Parang noong isang araw lang ay okay na okay kami, tapos biglang hindi na kami nag-uusap ngayon. Ang weird sa pakiramdam." He chuckled. "Mas maigi na iyan kaysa kulitin ka pa niya." Umalsa ang mga balikat ni Marco. "By the way, who's the lucky girl?" usisa pa ni Jake. "Ang tagal na nating magkasama sa work, ngayon ko lang nalaman na may girlfriend ka na pala. Kung hindi sa ginawa ni Dionne, malamang hanggang ngayon aakalain kong single ka pa rin at ready to mingle. May irereto pa naman sana ako sa iyo. Aayain pa sana kita ng double date next week. Mukhang hindi na matutuloy. Ay, hindi. Hindi na nga talaga matutuloy." Umiling si Marco. "Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo kung sino, pare. Ayaw niya." Kumunot ang noo ni Jake. "Ayaw niya? Bakit? Ang sabi mo ilang taon na rin kayong magkarelasyon, bakit kailangan ninyong itago nang matagal? Baka naman..." Binigyan nito ang kaibigan ng isang makahulugang tingin. "No pare, my girlfriend is not like that," wika ni Marco. Alam na niya ang iniisip at sa sasabihin ng kaibigan. "She doesn't tell me why she wants to keep our relationship private and secret, but I trust her. We already have plans. Sapat na iyon sa akin para pagkatiwalaan siya." Nagkibit balikat si Jake. "If you say so," anito. Dumaan pa ang mga araw at hindi na nga pinansin pa ni Dionne si Marco. It was a bit disturbing for Marco, ngunit inisip niyang mas makabubuti iyon para sa kanilang dalawa. "HEY, baks!" bati ni Mae kay Aries. Uwian na noon. "Sabay na tayo?" anito. Tumango si Aries. Inayos niya ang mga gamit sa kanyang lamesa, at saka dinampot ang shoulder bag. Sabay nilang nilisan ni Mae ang building. "Tahimik ka these past few days. May problema ba?" wika ni Mae. Umiling si Aries. "Wala lang ako sa mood." "Sus! If I know, nai-stress ka na naman kay Boss David. Don't worry, balita ko, umalis. Magbabakasyon yata sa ibang bansa. Ewan ko kung saan. Makakapagbakasyon ka rin sa kanya." "I don't care about him," wika ni Aries. "If you don't care about him, what's wrong then?" nag-aalalang tanong ni Mae. "Wala. Ayaw kong pag-usapan. Ang gusto ko, makauwi na nang makapagpahinga na ako." Bumuntong hininga si Mae. "Habang tumatagal, lalo kang nagiging secretive." Umikot ang mata ni Aries. "Hindi por que kaibigan kita ay sasabihin ko na ang lahat sa iyo. I want to keep some things to myself," aniya. "Okay. Chill!" natatawang wika ni Mae. "Pero kapag may desisyon ka na tungkol sa offer ni Sir David, sabihin mo sa akin, ha? I deserve to know dahil buong career time ko rito sa Amadeus Designs ay nakasubaybay ako sa mala-teleserye ninyong kwento." "Sa pagiging notorious mong chismosa, malamang ikaw ang mauunang makaalam na hindi ko na kakailanganing sabihin pa sa iyo." Umismid ito. "Ouch naman!" ani Mae. Pagkalabas ng gate ay napansin ni Mae ang kotse ng kanyang nobyo. "Nandiyan na pala ang jowa ko. Gusto mong magpahatid? Idadaan ka namin sa inyo." "No, thanks. Okay lang ako," tugon ni Aries. "Sige na, puntahan mo na ang Lover boy mo. Ayaw kong makadisturbo sa inyo." "Hay naku, Aries. Bahala ka nga!" ani Mae at saka tumawid na sa kabilang kalsada. Sinalubong ito ng boyfriend nito. Napabuntong hininga naman si Aries. Ang totoo kasi ay si Marco ang bumabagabag sa kanyang kalooban. Mula nang huling araw na magkasama sila, hindi na ito tumigil sa pagtakbo sa kanyang isip. Sobra na siyang napapamahal sa kasintahan. Hindi niya iyon nagugustuhan dahil nagkakaroon siya ng kahinaan. Nagpatuloy siya sa paglalakad.Napahinto siya nang tumunog ang kanyang cellphone. "Babe, our you out from work?" Aries freed a sigh. Speaking of Marco, ito ang tumatawag ngayon. "Yes," tugon niya. "Huwag ka nang mag-taxi. Susunduin kita. Mabilis lang ako. I'll be there in ten minutes," wika ni Marco. "Bakit, nasaan ka?" nagtatakang tanong ni Aries. "I'm on my way." Iyon lamang ang tugon ni Marco at ibinaba na nito ang tawag. Wala nang mapagpipilian si Aries kundi ang hintayin ito. Ten minutes na ay wala pa rin si Marco kaya nagpasya siyang tawagan ito. Hindi ito sumasagot. Kinabahan ang dalaga. Baka kung ano na ang nangyari kay Marco. Nanginginig na inulit niya ang pag-dial sa numero ng nobyo, ngunit sa panglimang pagkakataon ay hindi ito sumagot. Nanlalamig na ang buo niyang katawan. Tahimik siyang napausal ng dasal. Mayamaya ay nag-ring ang kanyang cellphone. Si Marco ang tumatawag. Sobra ang kanyang kaba. Baka ibang tao ang marinig niya sa kabilang linya. Ayaw niyang marinig ng mga salitang may nangyari ngang hindi maganda kay Marco. Ngunit sinagot niya iyon. Nakahinga siya nang maluwag ng boses ni Marco ang kanyang marinig. "I was so worried. Bakit hindi mo sinagot ang mga tawag ko?" naiiyak nang wika ng dalaga. "Tingin ka sa tawid ng kalsada," wika ni Marco. Sumunod naman si Aries. He saw Marco standing beside a car. He was all smiles. "Nasaan ang motor mo?" nagtatakang tanong ng dalaga. "Wala na," maikling tugon ni Marco. "What do you mean 'wala na'? Umismid ang dalaga. "I already have my own car, babe," bunyag ni Marco. "Simula ngayon, hindi ka na sa motor sasakay, kundi sa kotse na." "Sa iyo iyan?" puno na ng enerhiyang wika ni Aries. "Yup! Tara," ani Marco. "Binyagan na natin." Ngumiti si Aries. Nakaramdam siya ng sobrang excitement. Nagmamadali siyang umakyat ng footbridge at tumawid. Sinalubong siya ni Marco. Napakagat labi siya nang makita ng malapitan ang kotse. Hindi na muna siya nagtanong at kaagad nang sumakay roon. Nakangiti namang sumunod si Marco. Lalong nagliwanag ang mukha ni Aries nang makita ang isang malaking boquet ng bulaklak sa tabi ng driver's seat. Alam niyang para sa kanya iyon. Kaagad niya iyong kinuha at inamoy amoy. "Thank you," wika niya Marco na hindi pa nakakapasok sa kotse. "Dali na, babe," nasasabik niya pang wika. "I-start mo na." "Ito naman, masyadong excited. Heto na," nakangiti pa ring wika ni Marco. Natutuwa siya sa reaksyon ng nobya. Napaka-cute nito. Para itong batang binigyan ng bagong laruan. Pumasok na siya sa kotse, pinaandar ito at nagmaneho. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ni Aries. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa ulap. Finally, hindi na mukhang kawawa si Marco. Iyon ang tingin niya noon sa nobyo— kawawa. "Nasaan na ang motor mo?" "Ibinenta ko, para may pandagdag ako sa pang-down payment dito," tugon ni Marco. Kaagad puminta ang pagkadismaya sa mukha ni Aries. "Installment pala ito," aniya. "Of course! Alam mo namang hindi ko pa kayang bumili nang cash. Ok na rin ang installment para hindi mabigat sa bulsa. Kumuha ako ng kotse para sa iyo. Para kapag sinusundo kita, nakangiti ka na at hindi mo na ako pagsusungitan." Pinilit ngumiti ni Aries. Sa bagay, wika niya sa kanyang isip, at least may kotse na si Marco kahit hulugan lang. Hindi na siya mahihiyang may makakita sa kanyang kasama ito kung sakali. Madali lang namang sabihing hindi hulugan ang isang kotse. Inalis niya muna ang kung anong mga isipin. Ii-enjoy niya muna ang kanyang unang sakay sa kotse ng kanyang nobyo. Binigyan siya ni Marco ng halos isang oras na road trip. It was one of the best nights of his life. Ipinarada ni Marco ang kotse sa may tulay. Lumabas sila upang ma-enjoy ang view ng mga bituin at maliwanag na buwan. Habang abala si Aries sa pagmamasid sa magandang tanawin ay kinuha ni Marco ang kamay nito. Nabaling naman kaagad ang atensyon ng dalaga sa nobyo. Marco looked straight into Aries' eyes at hinagkan ang kamay nito. "Isa isa nang natutupad ang mga pangarap ko," wika niya. "Masaya ako dahil nandiyan ka pa rin. Thank you for staying." Hindi tumugon si Aries. She was trying to find something in his eyes. She doesn't know what it was. Naramdaman niya ang pagbilis ng takbo ng kanyang puso. "Let's don't wait for my dreams to come true when we can make it happen together," saad ni Marco. Napalunok si Aries. "What do you mean?" nauutal niyang wika. Bigla siyang nanlamig. Mukhang nahuhulaan na niya kung ano ang gagawin ng nobyo. Ngumiti si Marco. Binitawan niya ang kamay ng nobya at may kinuha sa kanyang bulsa, isang maliit na box. "Marco..." usal ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman o kung ano ang gagawin. He kneeled in front of her and took her hands once again. "Aries Del Mundo, will you marry me?" Ilang sandali siyang nakatitig sa mga mata ni Aries. Pinipigilan niya ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Nakikita ni Aries sa mga mata ni Marco na umaasa itong makakamit mito ang kanyang matamis na oo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD