Halos dalawang minuto na matapos bigkasin ni Marco ang mga salitang 'will you marry me', at nakaluhod pa rin ito, ngunit ngunit wala pa ring lumalabas na salita sa bibig ni Aries. Hindi niya alam ang isasagot. Nasa ganoon silang posisyon nang tumunog ang cellphone ni Marco. "Pwede bang sagutin mo muna ang tawag? Baka importante iyan," sa wakas ay wika ni Aries. "Wala nang mas mahalaga pa sa iyo sa mga oras na ito," tugon naman ni Marco. "No. Please, pick your phone up first. My answer can wait," mariing turan ng dalaga. Walang nagawa si Marco kundi tumayo at sagutin ang tawag. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, numero iyon galing sa kaniyang trabaho. He excused himself. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig ang balita sa kabilang linya. Napatingin siya ng ma

