Pagkalabas ng apartment ay huminto saglit sa paglalakad si Aries. Lumingon siya at mapait siyang napangiti. Hindi siya sinundan ni Marco. Inaasahan siyang hahabulin siya nito para pigilang tuluyang makaalis. Napalunok siya. Pakiramdam niya may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan. Tumingala siya upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. Wala siyang karapatang umiyak. Hindi siya pwedeng maging marupok at mahina. Kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon. Hindi makakabuti para sa kanya si Marco. Wala siyang mapapala kay Marco. Wala siyang mahihita sa pag-ibig niya rito. "What's with you, baks? Ilang araw ka nang wala sa huwesyo at aburido. What's the problem?" nag-aalalang usisa ni Mae sa matalik na kaibigan. "Wala. Stressed lang ako sa trabaho," tugon niya. "Si Boss

