K20- Back in His Arms

1648 Words

"Aries!" Nagmamadaling pinahid ni Aries ang kanyang mga luha bago pa iyon makita ni Mae. Sinundan siya nito. "Tsk, nandito ka lang pala, baks," wika ni Mae. Napakamot ito sa ulo. "Akala ko sa mansyon pa kita hahanapin. Ano na? Sayang ang awra mo. Tara na sa pool!" Wala nang nagawa si Aries nang hatakin ni Mae ang kanyang kamay. Halos hindi niya namalayan na nakalublob na siya sa pool. Lumulutang ang kanyang utak. Siniko siya ni Mae. "Ang ganda rin ng girlfriend ni warehouse man, ano?" Tiningnan niya ang dalawa. Wala siyang ibang maramdaman kundi inis at inggit. At awa sa sarili. "Nagagandahan ka sa babaeng iyan?" mataray na wika ni Aries. "Eh, maganda naman talaga. Pero don't worry, baks, nasa iyo ang loyalty ko." Humilig ito sa balikat ng kaibigan. Umikot naman ang mata ni Aries.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD