The Amadeus Designs anniversary party officially opened with a speech from David. Hindi niya naman iyon pinahaba upang mag-enjoy na ang mga tao sa party. Mga thirty minutes na ring nakatayo lang mag-isa si Aries na walang ginagawa kundi ang sumulyap sulyap kayna Apple at Marco ngunit ni minsan, mula kanina nang dumating si Marco ay hindi pa siya nito tinapunan ng tingin. Nakita niya si David na naglalakad kasama ang mga negosyanteng kaibigan. Nang tumapat ang mga ito malapit kayna Marco ay halos patakbo niya itong nilapitan. "Hi, honey!" bati niya kay David. Nanlaki ang mga mata ni David sa narinig. "Honey?" hindi makapaniwalang wika nito. "Yes, honey," tugon ni Aries. Halos ilabas niya lahat ng kanyang ngipin sa pagpipilit na ngumiti. Kitang kita rin niya sa sulok ng kanyang mga

