Siniko ni Mae si Aries pagkalapit nito sa kanya. "Akala ko nakalimutan na ninyong wedding reception ko ito. Nag-moment pa talaga kayo, ha!" tukso nito sa kaibigan. Namula naman ang nga pisngi ni Aries. "Nakita kong nag-shake hands kayo. Ano raw ang pangalan niya?" usisa pa ni Mae. "Derrick Russo raw," tugon ni Aries. "Well, mukha siyang hindi Pinoy. Ang apelyido rin ay hindi tunog Pinoy. Sana nilubos lubos mo na. Sana in-interview mo na. Kung taga saan, saan siya nagwo-work, sino ang mga magulang niya—" "Siraulo ka talaga, Mae!" wika ni Aries. "Hindi nga natin alam kung bakit um-attend siya ng kasal mo, pati sa reception. Ang mas mahalagang tanong kaysa sa mga nabanggit mo ay kung sino ang sinamahan niya rito." "Well, I don't care if he came in uninvited. At least siya ang nagsuot ng

