"Setyembre 2 gaganapin ang EDDIS Level natin at dito 'yon mismo sa 'tin. Sa Gorostiza NHS," panimula ni Ma'am Morales sa harap.
Tumango kami bilang tugon sa impormasyong nakuha. Dumadaan muna kami sa EDDIS Level bago ang Division hindi gaya ng sa ibang lugar na diretso agad DSPC.
Iisa lang ang highschool dito sa bayan ng Gorostiza pero sa buong EDDIS IV ng lalawigan ay marami kaya kailangan pa ng elimination bago ang DSPC.
"Next week, first examination niyo na. Kailangan natin patapusin 'yon bago magsimula ng training," Ma'am Morales added.
Araw ng Miyerkules. It's gonna be a hell week next week. Kailangan ko ng mataas na grado ngayon sa pang-una lalo na't naka-DepEd Memo na 'yon paglabas namin. Magco-comply pa rin naman kami kapag excuse. Hindi ko nga lang alam kung gaano ako katagal sa labas ng room.
"August 3 ang training. Ipapamigay namin ang excuse letter niyo mamaya para makapagpapirma na kayo sa mga subject teacher at adviser niyo," ani Sir Corral.
Kani-kaniya kaming bilog ng mga upuan para mag-usap na ang tungkol sa school paper. Si Ma'am Devi ang SPA sa Editorial page. Sa Lathalain naman ay si Ma'am Morales. Si Sir Corral sa Sci-Tech tapos si Ma'am Dianne sa Sports page. At si Ma'am Ophel sa News page.
"Lexi, alam kong meron na," Ma'am Devi said and playfully smiled.
Bata pa kung titingnan si Ma'am Devi, ang alam ko wala pa ata siyang asawa. I just nod before I took out my notebook.
Ma'am approved and assigned the topics I listed yesterday one by one. Tinuro rin ni Ma'am Devi yung parts na ginagamit namin dito. Pati yung paraan ng pagsulat namin sa mga bago palang.
"Ma'am, how about the collaborative? Lumipat na po si Kreigh sa English," I suddenly asked.
"Wala na tayong problema roon Lexi. Nakahanap na 'ko agad ng kapalit," she said while looking at the paper.
I nodded in assurance. Sayang din at lumipat si Kreigh, magaling siyang magsulat. Pero sigurado akong magaling din ang kapalit, hindi naman siya makapapasok dito kung hindi.
Mapili at mahigpit ang mga SPA sa mga writers nila dito sa Kalasag. Nagtataka lang ako kung bakit wala siya rito ngayon.
"Ma'am cr lang po," paalam ni Kaz bago tumayo at lumabas.
Mabilis din agad natapos ang meeting namin kasama ang mga SPA. Hanggang hapon kami rito, excuse buong araw. Baka may ipapagawa pa sa'min.
"Lunch break muna! Bumalik kayo rito, mga ala-una!" sigaw ni Ma'am Dianne na kumuha sa atensyon naming lahat.
Napatingin ako sa babaeng lumapit agad kay Taliyah nang nagsitayuan lahat. Sa likod niya ay papalapit na si Jethro. Lumingon siya roon at hinila na agad ang kaibigan.
"Tara na mag-lunch!" sigaw niya sa 'min nang makalapit.
Oh, I thought he's chasing that girl, especially it's a Junior.
Nakita kong napatingin si Vren nang lumapit din sa 'min si Heira para mag-aya rin. Sumabay din sa amin sina Yuno at Vance.
Malapit na kami sa pinto nang biglang pumasok si Kaz na may kasama. Yung magandang nanalo sa Sports kahapon.
I forgot her name.
"Ang speed mo naman Kaz," ani Heira at tumawa. "I thought?"
"Gaga, nagkasabay lang kami," ani Kaz tsaka hinampas si Heira. "Transferee siya kaya wala pa masyadong kilala. Sasabay siya sa atin mag-lunch."
"What's your name again? Sorry I forgot," I asked her.
She smiled like an angel.
"Xeya nalang," she said.
"Hi Xeya, I'm Heira," Heira introduced herself.
"Yeah, I already know your names."
Naglakad na kami palabas ng AVR at nagtungo sa Cafeteria. May iilang tanong sila kay Xeya habang naglalakad kami.
"Xeya, Senior ka rin diba? Bakit? Sayang naman," ani Jethro at pumitik pa sa ere.
"Anong bakit?" Xeya looked at him with brows furrowed. "Kasi iyon ang tamang grade sa edad ko?" she sarcastically asked.
"Hayaan mo 'yan Xeya. He's just searching for his next target for this day."
Pagpasok namin sa cafeteria ay naka-agaw kami ng atensyon sa ingay ng tawa ni Aldrin. Naghanap kami agad ng table kung saan kasya kaming lahat. Nagpasabay sa 'kin si Kaz ng bili para maiwan at magbantay siya sa table at gamit namin doon.
Napadaan ako sa table na malapit sa 'min. Nakita kong nakatayo si Vren kasama si Pricus at Segan na may sinasabi. Maybe her choice of food to eat. He listen closely while staring at me intently. I instantly looked away and continued walking.
"Bakit dalawa 'yan?" Vren suddenly asked when I got my order and Kaz's.
Hindi ko napansin na siya na pala ang kasunod ko sa pila.
"What do you care?" my forehead creased.
"I'm asking- wait, it's for him?" he asked in a serious tone while looking on the corner.
Napatingin ako roon at nakita si Yuno.
"What?" iritado kong tanong.
"I believe that a man should serve-"
I can't believe this stupid.
"I'm deaf," I said casually and walked away.
Pumunta ako kay Yuno na walang dalang pagkain at naghihintay.
"Bakit ka naghihintay dito? Where's your lunch?"
He smiled at me. "Nasa table na. Bumalik ako kasi dalawa yung dala mo. Akin na yung isa, ako na magdadala."
I handed him Kaz's food.
"Thanks."
Before walking away, I saw Vren staring on us while slightly shaking his head.
Don't make me laugh, Mozarta.
Pagbalik naming lahat sa table ay nag-umpisa na kaming kumain. Napalingon kami sa mga paparating na kumakaway at sumisigaw. Nakuha rin nila ang atensyon ng iba. Sinong hindi, kilala sila rito.
"What's up? Sabay kami!" Thalia exclaimed with a food on her hand.
Sa likod niya ay sina Tanya at Von.
"Dalian niyo!" Kaz said. "Si Yuno nga pala at Xeya. Pareho silang transferee gaya ni Vance at bagong Journalist ng Kalasag."
"Xeya, it's nice to see you again!" Thalia said.
Tumayo sila pareho para bumati sa mga bagong dating. I saw Xeya's eyes shocked when she looked at Von but she immediately composed herself.
Umupo sa tabi ko si Tanya at sa tabi niya ay si Von kaya magkaharapan sila ni Xeya. Ang bakante naman sa tabi ni Kaz na katabi ko lang ang inupuan ni Thalia.
They begun to talk to each other loudly.
Napatingin ako kay Yuno na tahimik lang. I'm sure he's out of place, well, Xeya's related to Von and Thalia so.
Pagtapos ay hindi muna kami umalis agad. Hindi pa naman time kaya tumambay muna kami. Nagpababa ng kinain at kwentuhan saglit.
"May chika ako," Thalia said and I'm sure it's about boys.
"Sabihin mo bakla tungkol sa mga lalaki 'yan?" Aldrin said and chuckled.
"Of course," natatawang sabi ni Thalia. "Kilala niyo si Adrian? They said na bakla raw 'yon."
"Ha? Pero 'yon ang pinalit sa akin ni Joyce nung nakaraan lang?" Jethro said perplexedly. "Legit ba 'yang source mo?"
Thalia rolled her eyes. "Of course, duh. Reliable si Paul, and guess what?"
"Ano?" bored kong tanong.
"Sinong Paul?" tanong ni Von.
"He have a boyfriend right now. Here in GNHS," she answered, ignoring Von's question.
"Ay? Akala ko may chance na me," Aldrin said and pouted.
"Weh? Gwapo 'yon si Adrian ah? Gwapo rin hanap?" Kaz asked in disbelief.
"Parang si Vance," Heira said and laughed.
I looked at Vance who's laughing too. I smirked, quitely realizing it.
After that, Jethro shared some gossips too. Sila ang promotor ng mga chismis na nalaman namin sa araw na 'to. Minsan nagtataka ako kung bakit hindi naging Journalist 'to si Thalia, bagay sa kaniya.
Habang palabas kami ng cafeteria ay napatingin ako sa table nila Vren. Nakasandal siya sa table at seryosong nakatingin sa kawalan. Maybe he's thinking something deep.
I instantly looked away when his brooding eyes bore into me.
Nang makarating kami sa AVR ay wala pa sila Ma'am. Sila Maryse lang at ibang bago ang nasa loob. Bumalik na rin sa klase sila Thalia.
"Bakla, dala mo yung Uno cards?" tanong ni Aldrin kay Heira.
"Yes, bago lang ang dala ko. Let's play? Wala pa naman sila Ma'am," Heira said while searching the cards in her bag.
Bumilog kami sa likod banda ng mga upuan. Malaki naman tong AVR kaya walang problema. Kaming magkakasama kaninang lunch ang mga kasali.
"Mga bakla! Sali kayo Uno?" sigaw ni Aldrin sa iba.
Sumali sila Maryse at Aoki. Umiling lang yung mga bago, baka mga nahihiya pa. Well, ngayon palang naman kami nagkasama lahat. Kinuha ko kay Heira na katabi ko yung card at sinimulang balasahin.
"You're good at shuffling cards Lexi," Yuno said, I shrugged.
"Sugarol 'yan eh!" sigaw ni Jethro at tumawa.
I glared at Jethro. "I'm very good with these, Jethro. Wanna have lesion by cards with my hands?"
"Try it Lexi! It's new kaya matalim pa!" Heira said excitedly.
"Oy gago tek--"
Napatingin ako sa distansya kay Jethro, aabutin siguro. Habang nagbabalasa ay pasimple kong pinitik na mabilis at may puwersa yung isang card diretso sa kaniya. Narinig namin ang malutong na tunog no'n habang lumilipad. Naging alerto siya kaya nasalag niya 'yon ng kamay.
Because of the force he exerted and the card's speed, his hand clashed it painfully. We saw a drop of blood on his thumb.
"Woah, how did you do that?" manghang tanong ni Yuno.
I narrowed my eyes at him when I noticed something. I winced and shook my head, impossible.
Gulat silang lahat na nakatingin maliban kay Kaz, Aldrin, at Heira na tumatawa. Hindi naman ito yung unang beses na nakita nilang ginawa ko 'yon kaya tumatawa nalang sila. Kinuha ko yung alcohol ko sa bag atsaka hinagis kay Jethro.
"Seryoso ka ba Lexi? Masakit 'yan," tanong ni Jethro na nakaawang ang bibig. "Grabe, kaibigan mo ba talaga ako?"
"Ikaw bahala," kalmado kong sagot.
Nagpatuloy lang ako pagbabalasa at hinayaan na sila. Nagtataka akong napaangat ng tingin. Lahat sila ay nakaabang sa gagawin ko maliban sa tatlo.
When I started throwing Uno cards one by one, they are parrying. They're avoiding it like a dirty s**t. I look at them wondering.
"Ayaw niyo ba maglaro?" I asked with my brows furrowed.
"Baka kasi kami naman isunod mo bruha ka," Vance said.
I laughed before doing it again. Patuloy sinasalag yung cards, pinupulot nalang kapag nasa sahig na. Hanggang sa matapos ako ay ganoon sila. Napatingin ako sa cards ko and s**t, ang papangit ng mga nakuha ko.
"Lexi ikaw una," Kaz said.
Napatingin ko sa card sa gitna at sa cards ko. Wala man lang akong malapag, unang-una. Napipilitan akong kumuha.
"Ang bilis ng karma natin my friend," Jethro mocked me while laughing.
I rolled my eyes. I looked at the card I got. I smiled when I saw it, +2, not bad. I need to win this, they said there's a dare for the one who'll gonna lose.
Tuloy-tuloy ang laro namin. Napapasigaw pa minsan ang mga bakla kaya napapatingin sa 'min ang ilan sa mga ibang tao sa AVR. May mga ilan din na nanonood na.
"Uno!" masayang sigaw ni Heira.
Napatingin ako kay Heira na iisa nalang card. Nilibot ko ang tingin ko sa iba pa at anak ng. Sa 'kin yung pinakamarami. Tuloy ang ikutan. Naalis na si Heira kasi tapos na siya, siya palang.
"Uno!" sigaw ni Jethro na tumatawa.
Napatingin ako sa card sa gitna. Wala akong pwedeng mailapag maliban sa +2. Tiningnan ko ang card nila at halos lahat ay dalawa o tatlo nalang, maliban kay Jethro. Wala akong choice kaya mayabang kong nilapag yung +2 ko.
Dahil tapos na si Heira, si Aldrin ang sunod sa 'kin. Tumingin siya sa akin at ngumisi bago naglapag ng +2 din. Napatingin ako kay Vance na naglapag din ng +2.
"What the f**k? Don't tell me?"
Sunod na naglapag ay si Kaz, isa pang +2. Sumunod si Jethro na nakangisi at nilapag ang huling card niya na gano'n din. Tumuloy 'yon hanggang kay Yuno na katabi niya. Tumingin ako kay Maryse na sunod na, umaasang wala na siyang mailalapag.
Ngumisi siya bago ihagis ang +4 niya. Napaawang ang bibig ko ng bahagya. What the f**k? Napatingin ako kay Aoki na huli na at nakatingin sa cards niya.
"Oh my," she said before throwing her card that is +4 too.
Lahat sila ay napatingin sa 'kin at naga-abang. Nasapo ko ang noo ko bago nagsalita.
"Ilan?" I asked, hopeless.
Halakhak agad ni Jethro ang narinig ko. Nakita ko silang binibilang lahat mula sa nilapag ko. Backfire, tss.
"18 my friend! Wala na talo na 'yan!" Jethro shouted while giving a bunch of cards to me.
"Ano kaya pa? Talo ka na!" Kaz said while laughing.
"Fine," I said defeatedly. "What's the dare?"
"Huwag yung may kikiligin. Dapat mapapahiya." Kaz suggested.
I slightly punched her.
"Ganito bakla," Aldrin said. "Kung sino ang unang pumasok sa pinto, tatanungin mo kung pera o kahon tapos kahit ano yung isagot i-congratulate mo ng malakas. Dapat energetic."
"Ha? Paano kung sila Ma'am Devi?" I asked, hoping that they will change it.
"'E 'di you will do it pa rin," Heira said while laughing.
Nakita kong inabot ni Jethro ang alcohol sa 'kin habang tumatawa.
"Iyan ang gawin mo'ng mic."
"Ay bet! Bawal tumanggi!" sigaw ni Aldrin.
I exhaled heavily before nodding. Nag-apir pa sila bago ako tumayo at mag-abang sa pinto ng AVR. If they are not just my friends, tss.
I'm silently praying that it's not gonna be one of our SPAs.
Napatingin ako sa doorknob na gumalaw at sa pinto na unti-unting bumukas. Halos mapamura ako nang mapagtanto kung sino 'yon. Nagtataka siyang nakatingin sa 'kin.
"Excuse me," Vren said in a monotone.
Without further ado. "Pera o kahon?"
Agad na nagsalubong kilay niya na napatitig sa 'kin. Sa likod niya ay si Segan na nakataas ang kilay sa 'kin. Bumalik ang tingin ko kay Vren nang magsalita siya. Bahagya akong nakatingala kasi mas matangkad siya sa 'kin.
"What?" he asked perplexedly.
"Pumili ka nalang," Iritado kong sabi. "Pera o kahon?"
He step closer to me and chuckled. "Ikaw."
I gulped. This stupid fucker.
I faked a cough before talking again, I need to get away on him. I don't know, I felt something strange, maybe because he's too near.
"Congratulations!" malakas na sabi ko para makumpirma nila, agad naman sila nagtawanan.
When Vren looked at them, I grabbed the chance to walk away.
"Anong gusto niya? Anong pinili?" Aoki immediately asked.
"Ikaw," wala sa sariling sabi ko.
Agad akong natauhan pero huli na.
"Oh my, really? Ako raw ang pinili kahit wala sa choices, oh my," she said while giggling.
I can sense that she's having a hard crush on Vren. Sino ba naman ang hindi?
Bumalik na kami sa pwesto nang makitang pumasok si Ma'am Devi, kasunod ang iba pang mga SPA. Natahimik kami habang naghihintay na magsalita sila.
"Journalists, gagawa kayo ngayon na kunwari ay nasa training. Pangulong-tudling, Kolum, Lathalain, at Sci-Tech writers, gumawa kayo ng isang article. Kayong bahala sa topic niyo," ani Ma'am Devi sa harap.
Tumango kaming mga writer na nasa category ng mga binanggit niya. I started thinking of what topic should I write?
"Cartooning, isa ngayong araw. Sports, Copyreading, at News, may ibibigay kami sa inyo," ani Ma'am Dianne habang nakataas ang papel na hawak niya.
Agad naman tumayo ang iba sa kanila para kumuha. Including Vance, as a Copyreader.
"Photojourns, may mga camera ba kayong dala?" Ma'am Morales asked, Photojournalists of Kalasag nodded. "Good. Bibigyan ko kayo ng topic."
Lumabas si Ma'am Morales kasama ang mga Photojournalists. Perks of being a Photojourn, makakagala ka habang training.
"Broadcasters, halika kayo rito," tawag ni Sir Corral.
"Ilang buwan kayong hindi nakapagsulat at nakapagguhit. Tingnan natin ang galing niyo ngayon, mga mamamahayag," ani Ma'am Ophel bago sumunod kay Sir Corral sa mga Broadcaster.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko para mag-search. Anong topic ang gagawin ko? All of them will surely write the latest issue, so I'm not. I smirked while typing, teenage pregnancy. Kilala ito sa henerasyon natin pero hindi masiyadong mainit sa balita ngayon.
I started writing when I finished seeking facts. Smoothly writing the article about teenage pregnancy. I can barely remember that this topic I wrote once, so it's not that hard.
"Anong topic mo?" biglang tanong ni Kaz habang nagsusulat na rin.
"Teenage pregnancy," I said while facing my paper.
"What the? Why I didn't predict that?" she laughed. "Of course you're going unique."
I just laugh before writing again. Nasa harap naman si Ma'am Devi kaya hindi niya kami maririnig. Halos lahat kami ay busy sa ginagawang article, cartoon.
I glanced at the way where Heira's group is, she's thinking deep.
My gaze tranfixed to Vren who's seriously writing. He's holding his pen so tight that made his veins to be evident on his arms. Damn that veiny hand, though. I instantly looked away, I'm losing my concentration.
Almost an hour passed. Ma'am Devi limited our time, 1 hour and 30 minutes for the article. Nagre-rewrite na 'ko nang isang boses ang kumuha sa atensyon ko. Napatingin kami agad doon, inakalang may nagbukas ng TV at balita na.
"Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang," ani ng isang lalaking Broadcaster sa boses ni Mr. Mike Enriquez.
Lahat kami namangha sa panggagaya niya.
"Ang angas," bulong ni Kaz sa tabi ko.
"Nice," pumalakpak si Sir Corral at Ma'am Ophel.
Bumalik na kami sa pagsusulat nang matapos sila. Ang galing, siguradong pasok na 'yon. Nagpatuloy na 'ko sa pagre-rewrite. Ilang sandali lamang ay lumapit na sa 'min si Ma'am Devi, saktong tapos na kaming lahat.
"Iche-check ko na ang gawa niyo," ani Ma'am Devi at umupo sa upuan niya kanina.
Isa-isang binasa ni Ma'am Devi iyon sabay marka kung anong mali. Mamaya niya siguro ipapaliwanag. Tinapos niya ang lahat na ikritik bago bumaling ulit sa'min.
"Lahat kayo ay walang kupas ah? Kahit ang mga bago, magaling," natutuwang sabi ni Ma'am. "May napansin lang ako, ang facts niyo Mandy and Brie parang kulang."
Kinuha ni Ma'am Devi bigla yung article ko at ipinakita sa kanila.
"Look at Lexi's facts. Percentage, Department, at Republic Act. Gusto ko ng gano'n. Matibay na patunay. Kailangan maraming numbers, malaman."
"Opo," sabay na sagot nila Mandy at Brie.
"Halimbawa ay wala kayong naisip o makuha, imbento nalang, lalo na sa percentage," aniya at nag-isip. "For example, Ayon sa SWS Survey, 78% sa mga and so on. O kaya ahensya ng pamahalaan na related sa issue then survey."
Pati kami ay tumango sa sinabi ni Ma'am. Ilang beses ko na rin narinig ang advice niyang 'yon. Nagawa ko na rin na manghula ng facts during contest, lalo na kung hindi ko alam ang topic at walang fact sheet.
"Anyway, all of you did great. Huwag lang kakalimutan na hanggang dulo ay dapat panindigan ang opinyon, hanggang dulo ay matapang. Magkita nalang tayo ulit sa training, manood lagi ng balita," bilin niya pa sa 'min.
"Opo, Ma'am," we said in unison.
Hindi naman umalis agad si Ma'am Devi. Pinalapit ni Ma'am si Brie para kausapin. Siguro tungkol sa hindi siya makalalaban kasi kumpleto na pero magsusulat pa rin naman sa school paper.
Habang nagpapaliwanag ay biglang pumasok si Ma'am Morales kasama sila Zairo sa likod niya. Mukhang tapos na rin sila.
"Ann! Napakinggan mo na 'tong boses ni Earl?" tawag agad sa kaniya ni Ma'am Ophel.
"Hindi pa po Ma'am. Bakit?" tanong ni Ma'am Morales habang naglalakad papunta sa harap.
"Ay siguradong pasok sa banga!" sigaw ni Ma'am Dianne, tumatango naman si Sir Corral.
"Sige nga, parinig nga," Ma'am Morales playfully said.
Ginawa niya ulit ngayon ang nagpamangha sa 'min kanina. Kita ko rin ang mangha sa mukha ni Ma'am Morales hanggang sa matapos 'yon.
"Magaling ah," she said while nodding. "May iba ka pa bang kayang gayahin? Bukod kay Mike Enriquez? Kahit cartoons? Celebrity?"
Tumango ang lalaki bago nagsalita ulit. "Ako 'to si Natoy na mahal na mahal ka."
Nagtawanan kami sa ginaya niya. Nagsalita pa siya ulit at ginaya naman ang boses ng ibang cartoon characters.
"Ang galing ha," ani Ma'am Morales at pumapalakpak.
Nagpakita pa siya sa 'min ng isa pang kaya niyang gayahin. Boses naman ng isang artista ang isinunod niya. Lahat kami namangha ulit sa ginawa niya.
Sure win
What a talent. A talent that can be so useful. Voice imitation, amazing but still... needs limitation.
#