Lumapit si Claris kay Carlo at yumakap. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit din sa kaniya dahil sa nangyari noon. At isa pa, nakita ko sa malayo ang sasakyan ni Jake. Alam kong pinapanuod niya kami ngayon. "Teka, magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Kevin. "Obvious ba? Bestfriend namin siya ni Jane noong highschool." Si Claris ang sumagot. Nailang ako sa naging titig ni Carlo sa akin. Hindi ko alam kung maayos na ba siya o kung hindi pa siya nakakamove-on sa akin. Sana ay okay na siya. Humiwalay si Claris kay Carlo. Lumapit si Carlo sa akin at yumakap ngunit mabilis lang iyon. "We can talk some other time. Sa ngayon ay kailangan ko ng iuwi itong pinsan ko. Let's hangout soon." Pagkatapos noon ay umalis na sila. Ilang minuto lang ay lumapit na ang sasakyan ni Jake sa amin. N

