Umusbong ang kaba sa aking dibdib sa bulong niyang iyon. Ginabayan niya ako paakyat ng stage. "I'm so happy to say that my daughter in law, Jane, is alive. Nawala siya for four years and finally, she already came back." Puno ng emosyon na nagsasalita ang Mommy ni Jake. Humarap ito sa akin at yumakap. Nagpalakpakan ang ilang tao na nandoon. Matapos ang kanilang speech ay bumalik kami sa aming lamesa. Kinausap ako ng Mommy ni Jake. "I'm sorry sa nagawa ng anak ko sayo. I don't know the whole details ngunit naging usap-usapan ang huling beses na nakita ka sa building namin. Umiiyak ka raw noon at nagmamadaling lumabas. May mga sabi-sabi na nahuli mo raw si Jake at ang isang empleyado sa office niya. I have already talked to Jake about this and I want you to know that I'm very disappointed

