Natahimik ang lahat nang magsalita ako. Karamihan sa kanila ay gulat na gulat na makita ako. Ang iba naman, tulad ng mga bagong investor ay nagtataka. At siya naman, he looked at me intently. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip. Ano kaya ang nararamdaman niya ngayong nakatayo ako sa harap niya, buhay na buhay? Kasi ako, nangangatog ang aking tuhod sa simpleng tingin na ibinibigay niya sa akin. Mabilis ang t***k ng aking puso at pilit ko iyong pinapakalma. Mukhang alam na nga talaga niya na buhay ako dahil hindi siya nasurpresa. Ngunit natitiyak ko na hindi niya alam ang tungkol kay Katherine. Mahigpit ang seguridad namin kahit noong nasa Canada pa lang kami at halos dumoble iyon nang bumalik kami dito sa Pilipinas. "Managing our company is not new to me. Halos dalawan

