Nang makalabas sa airport ay sinalubong kami ng iilang tao na hindi pamilyar sa akin. Kinausap sila ni Jake saka inabot ang kanyang gamit. Bahagya siyang tumingin sa akin, pababa sa maletang hawak ko. Nakuha ko naman ang kanyang signal kung kaya't inabot ko rin sa kausap niya ang gamit ko.
Medyo nahihiya pa ko sa kanya dahil hindi ko masyadong napigilan ang sarili kanina sa pagtatanong sa kanya habang nasa byahe pa kami.
Namangha ako sa sinabi niya. Kahit papaano ay nakakatuwang maisip na hindi porket mayaman siya ay nakatakda siya bilang susunod na tagapamahala ng kanilang kumpanya. Binigyan siya ng pagkakataon ng kanyang mga magulang na piliin kung ano ang makapagpapasaya sa kanya. At iyon ang pagtuturo.
"Bakit mo naman naisipan ang pagiging teacher? I mean, sa itsura mo kasi, ang suplado mo. Mukha ka pang strikto. Paano mo makukuha ang loob ng mga estudyante mo?"
"Kung hindi ako magiging strikto, paano nila ako rerespetuhin? I should create a thin line as a boundary between me and my students. Pwede nila akong makausap na parang normal lang, not to the extent that they will invade my privacy."
"Bakit? Paanong privacy? May girlfriend ka ba?" Ngumuso siya.
"Anong connect ng girlfriend dito?" Hindi niya itinanggi. Mukhang may girlfriend nga siya.
"Edi meron nga? Anong sabi niya? Bakit ka pumayag dito kung meron? Ano nalang sasabihin ng girlfriend mo niyan!" Iritable kong sabi. Sana kasi sinabi niyang meron, edi sana, walang kasalang magaganap! Nakakainis.
Humalakhak siya na kinagulat ko.
"Wala akong girlfriend..." Ngumuso ako.
"Weh? Sa gwapo mong iyan? Wala? Nililigawan ba? Baka meron, sabihin mo na yung totoo." Tumikhim siya saka tumuwid sa pagkakaupo.
"Nagagwapuhan ka ba sakin? Akala ko ba mas pogi sa akin yung boyfriend mo?" Seryoso na ang mukha niya ngayon.
"May itsura ka naman, mga slight. Ano nga? May nililigawan ka?" Masungit siyang tumitig sa aking mata.
"So may boyfriend ka nga?" Bakit iniiwas niya yung tanong!
"Wala! Hindi ko pa boyfriend si Carlo, okay?"
"Hindi ka na pwedeng magboyfriend." Masungit niya paring sabi. Nabago nanaman ang mood. Aba, daig pa ko nito sa pagiging moody ha.
"Why not? Akala ko ba, walang mababago sa buhay ko. I will still be free to do anything I want?" Matalim na ngayon ang kanyang tingin.
"Yes. But that does not include you entertaining boys while you're married to me!" Singhal niya sa akin. Galit na galit naman!
"Bakit ba ako ang iniinterrogate mo? Ako ang nagtatanong dito ah. Makapagsabi ka ng bawal diyan, eh ikaw nga todo iwas ka sa tanong ko. Mukha kang nagsisinungaling!" Kinalma niya ang kaniyang sarili bago tuluyang sumagot sa akin.
"I don't have a girlfriend and I don't court someone."
"Edi mabuti! Tutal pinagbabawalan mo ako, edi dapat, bawal ka rin mambabae habang kasal ka sakin! Ayaw ko rin namang mabahiran ang pangalan ko ‘no." Malalim siyang huminga.
"I will only be committed to you..."
Nakarating na kami sa isang bahay matapos ang halos isang oras na byahe. Maganda ang exterior designs ng bahay at nasisiguro kong mas maganda ang itsura nito sa loob.
"Kaninong bahay ito?" Namamangha parin ako sa itsura ng bahay nang mapansin na tumayo siya sa tabi ko.
"Vacation house namin ito dito sa US. Para kapag may inasikaso dito ay may matutuluyan at hindi na kailangang mag-book sa hotel." Tumango ako. Inaya niya na akong pumasok.
Pagkapasok ay hindi ko mapigilan ang mas mamangha. Bahay-bakasyunan lang ito pero grabe parang ginastusan parin ng malaki. Kaya pala sa kanila humingi ng tulong ang mga magulang ko, mayaman nga talaga sila.
Nakarinig ako ng pagtunog ng cellphone. Nakita ko si Jake na sinagot ang tawag. Sandali siyang umalis para makausap kung sino man iyon. Maya-maya pa ay bumalik siya at iniabot ang kanyang cellphone.
"Gusto kang makausap nila Tita Josephine." Pagkaabot ay umalis siya sandali.
"Mom..."
"Anak, kamusta ka diyan? Naghahanda na rin kami dito para umalis. Baka bukas pa ng umaga ang dating namin diyan." Sumilip ako sa oras at nakitang alas-nuebe na ng gabi. Napakatagal talaga ng oras ng byahe.
"Ayos lang po, Mom. Medyo pagod at may jetlag po. Ingat po kayo sa biyahe." Ilang sandali pa akong kinausap ni Mommy bago niya tuluyang binaba ang tawag.
Hinanap ko si Jake para magtanong kung saan ba ang kwarto ko. Gusto ko ng magpahinga. Ngayon ko naramdaman ang pagod sa matagal na pag-upo kanina sa byahe.
Nagtanong ako sa iilang kasambahay doon. Napansin kong mga Pilipino pa rin ang kinuha nilang tagabantay at tagapangalaga ng bahay na ito.
"Nasa labas po ata, Ma'am. Kausap ang mga bantay sa gate." Bumulong ako ng pasasalamat saka lumabas. Naabutan ko siyang papasok na rin ng bahay. Inabot ko sa kanya ang phone.
"Are you sleepy? Gusto mo ng magpahinga?" Nahalata siguro niya sa aking mukha ang antok. Bahagya akong tumango. Umakyat kami sa ikalawang palapag at pinasunod niya ako sa isang kwarto at binuksan iyon. Nakita kong nakapasok na doon ang aking maleta.
"You'll be staying here. My room is just infront of yours. Kung may kailangan ka, kumatok ka lang o tumawag ka sa mga kasambahay."
"Alright." Pumunta ako sa aking maleta para kumuha ng damit para makapaglinis na ng aking katawan.
"Okay. Goodnight..." Lumingon ako sa kanya. At tipid na ngumiti.
"Goodnight."
Payapa ang naging tulog ko sa gabing iyon. Dala na rin ng sobrang pagod kung kaya't halos 10 am na ako nagising. Nag-ayos muna ako ng akong sarili bago bumaba.
Nakita ko ang mga aligagang kasambahay na nagpapasok ng maleta. Nakarinig din ako ng iilang tawanan sa labas. Sumilip ako at nakita ko agad ang aking mga magulang na nakikipagkwentuhan sa mga magulang ni Jake. Ang mga kapatid ko ay namamanghang nakatingin sa kabahayan. Si Jake naman ay nasa kotse, tumutulong sa mga kasambahay na kinukuha ang mga gamit.
Lumabas ako para salubungin ang aking mga magulang.
"Jane!" Lumingon ang karamihan sa akin. Tipid akong ngumiti sa magulang ni Jake at bumeso. Yumakap naman ako kila Mom at Dad.
"Jane, iha, how was your flight?" Tanong sa akin ng Mommy ni Jake. Ngumiti ako sa kanya.
"Ayos lang po, Tita. Medyo nakakapagod, pero naitulog ko naman na po. Kayo po, kakarating niyo lang po ba? Nagpahinga na kayo?" Tanong ko sa kanila at bumaling na rin sa aking mga magulang. Magiliw na humalakhak ang mga magulang namin.
"Stop calling me Tita from now on. Call me Mom. Ikakasal ka na sa anak ko mamaya eh." Medyo nahiya ako sa kanila. Hindi ko pa sila nakakasama ng matagal kung kaya't hindi pa ako gaanong kumportable sa kanila.
"As for now, ikakasal kayo ni Jake sa huwes. But I promise you that we will provide for a church wedding. Alam ko naman ang pangarap ng mga babae ay ang pinaghandaang kasal." Mabilis akong lumingon kila Mom at Dad. Mukhang walang ideya ang mga Lopez na may plano kaming magfile ng divorce pagtapos maayos ang aming kumpanya. Wala silang ideya na gagamitin lang namin ang pera at pangalan nila.
Natapos ang pagtulong ni Jake sa pag-aayos ng mga gamit saka tumabi sa kanyang magulang. Inaya niya ang mga itong pumasok sa loob upang kumain.
"The wedding is scheduled in 3 pm. We invited the judge to just go here para dito nalang ganapin ang inyong kasal. I also invited few friends as witness. So may oras pa para makapagpahinga tayo, Josephine." Magiliw na sabi ng Mommy ni Jake.
"Nakapaghanda na rin ng catering para sa maliit na salo-salo natin mamaya pagkatapos ng kasal nila Jane at Jake." Si Dad ang nagsabi. Kaming dalawa na Jake na ikakasal ay tahimik lamang.
Unti-unti kong naramdaman kung ano talaga ang nangyayari. Pakiramdam ko ay na-control nila ang buhay namin ni Jake. Parang wala kaming karapatan para magdesisyon sa aming sarili. Lahat ay naplano ng pulido. Wala manlang nagtanong tungkol sa opinyon namin kung gusto ba namin ang ginagawa nila.
Matapos kumain ay dumiretso ako ng kwarto. Binuksan ko ang aking cellphone na pinatay ko mula pa noong sumakay ako ng eroplano. My mind was too clouded to check on my phone.
Pagkabukas ay bumungad ang mararaming text galing sa aking dalawang kaibigan. Bubuksan ko na sana ang mga text ng biglang tumawag si Carlo.
"Hello?" Narinig ko ang malalim na paghinga ni Carlo.
"Nasaan ka!? Bakit wala kayo sa bahay niyo? Jane, don't tell me, pumayag ka?" Garalgal na sabi ni Carlo. Natahamik ako saglit.
"Sinabihan mo pa si Claris na magsinungaling sa akin! Totoo ba? Ikakasal ka nga? Pumayag ka!" Naramdaman ko ang galit sa boses ni Carlo.
"Sorry..." Narinig ko ang mangilan-ilang mura mula sa kabilang linya.
"Bakit, Jane? Sabi ko naman diba, gagawa ako ng paraan!"
"Carlo, nakasalalay dito ang magiging buhay ng pamilya ko. Kung hindi namin maisasalba ang kumpanya, maghihirap kami." Marahas siyang bumuga ng hangin.
"Kung ganoon pala, hindi na kailangan ng kasal! Bakit kailangan pang pakasalanan mo ang kung sino bago kayo tulungan ng pamilyang tutulong sa inyo?"
Naisip ko rin ito dati. Kung anong kinalaman ng pagpapakasal sa pagtulong sa kumpanya. Malinaw itong pinaliwanag sa akin ni Dad noong gabing nagpunta ang Lopez sa aming bahay.
"Dad! I don't understand. Anong kinalaman ng pagpapakasal. Kung willing man tumulong ang pamilyang iyon, wala na dapat kapalit na ganito!"
"It will be much easier to handle if our company and the Lopez's will merge. Kung magpapakasal kayo, gaganda ang reputasyon ng ating kumpanya dahil dala-dala mo ang apelyidong Lopez. Hindi na magdududa ang mga investors kung kakayanin ba natin dahil alam nilang ang mga Lopez ay katuwang na ng kumpanya."
Doon ako naliwanagan. Nang marinig ko ang paliwanag na iyon ay unti-unti kong tinanggap na kailangan ko ngang gawin ito dahil malaki ang magiging bilang para makatulong sa kumpanya.
"Carlo, it doesn't matter okay..." Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw.
"It does matter to me! Mahal kita, Jane! At alam kong gusto mo ko kaya bakit ka pumayag na ipakasal nalang sa iba basta-basta?" Pinakiramdaman ko ang puso ko. Normal lang ito kahit pa narinig kong sinabi ni Carlo na mahal niya ako. Wala akong naramdamang kakaiba. Bakit?
"Carlo, I'm sorry..."
"Jane, diba may lakad tayo ngayon? Jane naman. Please..." Nakarinig ako ng katok sa aking kwarto. Mabilis akong nagpaalam kay Carlo at binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Jake. Ang galit nitong mata ay dumirekta sa akin.
"Pinapatawag ka sa baba." Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ako agad. Nagtaka naman ako sa inasal niya. Mukhang okay naman ang gising niya kanina ah. O baka mali lang ako. Hindi pa naman kami nakakapag-usap ngayong araw.
Hindi pamilyar na babae ang tumingin sa akin at tipid na ngumiti nang nakita akong pababa ng hagdan. Unang tingin ay alam kong Pilipino din ito.
"Hello, I'm Charlotte. I will be your make-up artist for today. Pwede kang mamili dito sa brochure ng damit na gusto mong suotin para mamaya." Inabot niya sa akin ang brochure. Naupo ako at naghanap ng magandang damit.
Naupo rin sa gilid ko si Jake at tumingin sa isa pang brochure. Sinilip ko ito, mga damit naman iyon na panglalaki. Ibinaling ko muli ang aking tingin sa brochure na hawak ko. Napukaw ang atensyon ko sa isang backless na spaghetti strap na puting dress. Ipinakita ko iyon sa babae.
"No. Mamili ka pa." Napalingon ako kay Jake nang sinabi niya iyon. Hindi ko naman tinatanong opinyon niya. Inirapan ko siya at humarap sa aking make-up artist.
"Ito gusto ko..." Akmang iaabot at ipapakita ko na sa babae ang napili ko pero pinigilan ako ni Jake.
"I said no. Mamili ka ng mas maayos na damit." Nakasimangot akong tumingin sa kanya. Padabog kong binigay ang brochure sa kanya.
"Edi ikaw mamili ng akin! Akin na iyan, ako mamimili ng sayo, napakaarte." Tahimik siyang namili sa brochure para tumingin ng susuotin ko.
Binaling ko ang aking tingin sa brochure ng panlalaki. Hindi naman ako makapili dahil halos pare-pareho lang naman. Parang disenyo lang ng tie at kulay ng coat ang nag-iiba. Nang sa wakas ay makapili ay ipinakita ko iyon sa kanya. Tumango siya sa aking napili at nagfocus ulit sa pagtingin na aking susuotin.
"Wala bang mas conservative dress kaysa dito?" Pinakita niya sa babae ang simple pero elegante na dress. Ito ay may manggas pero medyo mababa ang cut sa dibdib. Maganda naman na. Ano pa bang conservative dress ang hanap niya?
"Okay na iyan! Anong gusto mo, maglongsleeve ako?"
"That’s better. May longsleeve ba?" Hindi na ako nakapagpigil at nahampas ko ang kanyang braso.
"Okay na nga iyan!" Hinablot ko sa kanya ang brochure at inabot sa babae. Mabilis na tumango ang babae saka nagpaalam na aalis muna para maihanda ang aming susuotin.
Unti-unting nagiging abala ang lahat. Sa hardin ay maraming mga tauhan na nag-aayos kasama na ang mga nasa catering. Ang mga kapatid ko ay inaayusan na. Maging ang aming mga magulang ay nag-aayos na rin. Maya-maya ay dumating na ang babae bitbit ang susuotin namin ni Jake. Inabot niya kay Jake ang kanyang damit at inaya niya na akong pumunta sa aking kwarto para maayusan ako.
Pagtapos makapagbihis at makapag-ayos ay tumingin ako sa full-length mirror sa harap ko. Namangha ako sa aking sarili. May igaganda pa pala ako. Akala ko sagad na yung pang-araw araw kong ganda.
Nagmukha akong mature sa aking make-up at lalo na sa aking suot. Ang katamtamang laki ng aking dibdib ay sumusuwang sa low-cut dress na ito. Kumukurba din ang aking katawan dahil medyo fit ito sa pang-ibabaw na bahagi at flowing naman ang tela nito sa baba na hanggang tuhod ang haba.
Natigil ako sa pagtingin sa salamin nang may kumatok sa pinto. Binuksan ito ng aking make-up artist na si Charlotte at hinayaang makapasok si Jake. Hinanap ako ng kanyang mata at matagal na napatitig sa akin. Bahagyang umuwang ang kanyang labi at tila nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Tumikhim ako.
"Ayos lang ba?" Nanatili siyang nakatayo sa pintuan. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang itsura. He looked dashing in his coat. His hair is neatly combed to the side at mula dito sa aking kinakatayuan ay amoy na amoy ko ang kanyang pabango.
"Oo. Maganda..." Sa wakas ay nakahanap siya ng salita. Nanatili ang kakaiba niyang tingin sa akin bago ako inaya na bumaba na. Nandiyan na raw ang judge, maging ang ilang malalpit na bisitang naimbitahan.
Iminuwestra niya ang kanyang braso sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Nabigla ako nang lumapit siya sa akin para kunin ang aking kamay at ipinaikot ito sa aking braso. Pagkatapos ay saka kami bumaba. Sa dulong parte ng hagdan ay nag-aabang ang aming mga magulang.
Narinig ko ang kanilang mga singhap. I also saw their admiration while looking at me and Jake.
"I knew it! You two looked so good together." Napapalakpak si Tita. Tinapik ni Tito si Dad at nagkamayan sila. Niyakap ako ni Mommy ng makalapit kami sa kanila. Sunod na yumakap sa akin si Dad at hinalikan ako sa noo. Yumakap din sa akin si Tita at tinapik ako sa balikat ni Tito.
Pakiramdam ko namamaalam ako sa ginagawa nila. Ikakasal lang naman ako.
Inaya nila kaming lumabas na dahil naghihintay na raw ang judge. Nagsimula ang naging seremonyas ng kasal. Tahimik lang kami ni Jake habang dinadaos ang kasal at sa huli, ay pinapirma kami sa isang papel. Ang aming marriage contract.
Narinig ko ang palakpakan matapos naming pirmahan ang contract. Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy.
"Thank you so much for doing this." Niyakap ko siya pabalik.
Nag-umpisa ang maliit na salo-salo. Magkatabi kami ni Jake at tahimik kaming kumakain. Paminsan-minsan ay kinakausap kami ng mga bisita at tipid lamang akong sumasagot. Si Jake na ang nakikipagcommunicate para sa akin. Hindi ko naman kasi sila kilala kaya nahihirapan ako makisabay.
Naging mabilis ang araw na iyon at nakaramdam nanaman ako ng matinding pagod kung kaya't maaga akong natulog sa aking kwarto.
Kinabukasan ay nakarinig ako ng katok sa aking pinto. Si Mommy iyon, sinabihan niya akong ayusin na ang aking gamit dahil babalik na daw kami ng Pilipinas. Sinilip ko ang oras sa aking cellphone. Alas-otso palang ng umaga. Sumang-ayon lang ako saka mabilis na nag-ayos ng sarili.
Bitbit ang aking maleta ay bumaba na ako sa sala. Napansin kong naghahanda na ng pagkain sa kusina at nandoon na rin ang pamilya ko at magulang ni Jake.
Nakarinig ako ng tikhim sa aking likod. Napagilid ako nang makita si Jake sa aking likod. Fresh na fresh at bagong ligo rin habang dala-dala ang kanyang mga gamit. Itinabi niya ang kanyang maleta sa aking mga gamit saka ako inaya para kumain.
Sumunod ako sa kanya at umupo sa tabi ng akong mga magulang.
"Ay anak? Bakit sa akin ka tatabi? Doon ka sa asawa mo." Sumimangot ako. Tatayo na sana ako nang naunang nakatayo si Jake. Maingat siyang naglakad at naupo sa tabi ko at nagsimula ng kumain. Pansin ko lang, palagi siyang seryoso tuwing umaga, ano?
Natapos kumain ang lahat at naghanda na kaming umalis. Kinuha na ni Jake ang mga gamit namin. Nahinuha kong hindi nanaman ako sasabay sa aking mga magulang papunta sa airport, pero nasisiguro kong iisa lang ang flight na sasakyan namin kaya hindi na ako nagreklamo.
Akma akong sasakay sa backseat nang sitahin ako ni Jake.
"Hindi mo na ako driver ngayon. Dito ka sa tabi ko maupo." Umirap ako saka naupo sa passenger's seat.
Pagkarating sa airport ay hindi na ako nagtaka na kami ang magkatabi sa flight. Itinulog ko na lamang ang byahe. Minsan ay nagigising para umihi o kumain pero sumatotal ay natulog lamang ako.
Tumama sa aking balat ang sariwang hangin sa labas. Malapit ng mag-10 pm nang makalapag ang eroplanong sinasakyan namin. Tulak-tulak ni Jake ang aming gamit at sinuyod ang tingin sa mga sasakyang nakaparada.
Natanaw ko ang aming sasakyan na nakaparada sa gilid ng terminal. Sa gilid ay nandoon si Kuya Salvy na nakangiti sa amin. Pupunta na sana ako sa kanya nang pigilan ako ni Mom.
"Jane, hindi ka sa bahay uuwi simula ngayon. Sa bahay ninyo ni Jake ka uuwi. Naiayos na ni Rica ang mga gamit mo doon habang nasa US tayo.”