Kabanata 4

3002 Words
"Goodevening." Pormal na bati ng lalaking sinasabi nilang pakakasalan ko. Hindi ako makagalaw. Dalawang beses ng nagtagpo ang landas namin. Ang lalaking papakasalan ko ay ang muntik ng makasagasa sa akin. "Are you okay?" Maikling tanong niya sa akin. Ang malalim niyang boses ay nanuot sa aking tenga. Mas nakikita ko ngayon ng malapitan ang kanyang gwapong mukha kaysa noong una kaming nagkita at noong nasa Starbucks. His thick brows complemented his beautiful brown eyes. His lashes are quite long for a man at ang kanyang labi ay natural na mapula. Masyadong seryoso ang mukha nito at parang binibili lamang ang kanyang ngiti. Unang tingin, at alam ko na agad na siya ay may pagkasuplado. Tumango lamang ako saka pumunta sa hapag-kainan. Tahimik akong naupo. Nakita kong sumunod din ang lalaki at umupo sa harap ko. Lumingon sa akin ang mga magulang niya at ngumiti. "Jane, iha, you already look mature and beautiful at this young age. Hindi iisiping minor ka kung sakaling ikakasal nga kayo ni Jake." Bumungisngis ang ina ni Jake sa akin saka ako hinawakan sa kamay. Tipid akong ngumiti para sa compliment na binigay niya. "Have you decided?" Pormal na tanong ng ama ni Jake. Dahan-dahan akong tumango saka lumingon sa aking magulang. Huminga ako ng malalim para sabihin ang aking desisyon. "Pumapayag na po akong magpakasal sa anak niyo." Napapalakpak si Mommy saka yumakap sa Mommy ni Jake samantalang ang kanyang ama ay mukhang satisfied naman sa aking naging desisyon. Tumingin ako sa aking harap. Napansin kong nakatingin din siya sa akin. Seryoso at hindi mabasa ang tumatakbo sa kanyang isip. Masyadong mabigat ang intensidad ng kanyang tingin kung kaya't mabilis kong iniwas ang aking mata at nagsimula ng kumain. Nagpatuloy ang pag-uusap ng aming pamilya, habang kaming dalawa ay tahimik lamang na nakikinig. I wonder if how did he reacted on this? Pumayag ba siya agad? Okay lang kaya sa kanya ito? O tulad ko ay pinilit at kinonsensya lamang siya ng kanyang mga magulang? Sa itsura niya, para siyang sunod-sunuran lang sa magulang. Yung tipong hindi kayang ipaglaban kung ano ang gusto niya. Kung ano ang inutos sa kaniya, ‘yun ang gagawin niya even if it means losing his freedom. Wala ba siyang girlfriend? I mean, not that I wanted to know, pero wala bang hahadlang sa kasalan namin? Wala ba kaming masasaktan na ibang tao? Baka naman may nililigawan pala siya, at dahil sa ikakasal na siya ay napurnada pa. Lumabas ako sa aming hardin upang mag-isip. In two days, I'm no longer free. Kahit pa sabihin nila na hindi mababago ang buhay ko dahil papanatilihing lihim ang lahat, pakiramdam ko parin ay ikukulong nila ako sa sitwasyon na hindi ko gusto. Nakarinig ako ng kaluskos sa aking gilid at natanaw ko ang lalaking papakasalan ko. He looked down on me. Mas matangkad siya sa akin ng ilang pulgada. Ilang taon kaya ang tanda niya sa akin? Halata namang hindi kami magkaedad. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Pareho kaming nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Hindi ko na napigilan na magsalita dahil masyado na akong naiilang. "Bakit ka pumayag?" Bungad kong tanong sa kanya. Tutal naman ay kaming dalawa lang ang nandito ay tatadtarin ko na siya ng mga tanong. Nagkibit-balikat lang siya bago sumagot. "I'm just following what my parents wanted me to do." Kumunot ang noo ko. ‘Yun na ‘yon? Bakit? Ano ba ang pinag-uusapan namin dito? Hindi ba't kasal iyon? Bakit parang sa sinabi niya ay napakasimpleng bagay lang ang mangyayari. Parang magbabakasyon lang kami sa US ah!? "Ano ‘yun? Sunod-sunuran ka lang? Wala ka bang sariling desisyon? Buhay mo ang pinapakialaman dito. Pati na rin ang buhay ko! Bakit parang wala kang pakialam?" Dumilim ang kanyang mukha saka tumingin sa akin. "As far as I remember, pamilya niyo ang nangangailangan sa amin. Kailangan mo ko. Why are you asking me that?" "Hindi namin kita kailangan! Marami pang ibang paraan para maisalba ang kumpanya kaysa dito." Sandali kong napigil ang akong paghinga nang mapanuya siyang ngumiti sa akin. Sa ngiting iyon ay naramdaman ko ang mababang tingin niya sa akin. "Then why did you agree on this? Kung may ibang paraan pala, dapat hindi ka pumayag. Bata ka pa nga, you make impulsive decisions without even thinking of the consequences." Unti-unti akong napupuyos sa galit. Nabubwisit na nga ako sa nangyayari, may panlalait pa kong maririnig sa kanya! "Because I've got no choice! Pinilit lang nila ako! Ano sa tingin mo, gusto ko mangyari ito? Ang ikasal ng ganito kaaga? Ang dami ko pang pangarap sa buhay. Gusto kong makatapos sa pag-aaral. Gusto kong magtravel sa kahit saang lugar. At gusto kong maexperience na magkaroon ng boyfriend!" Umigting ang kanyang panga sa aking sinabi. "Are you not aware that we are not forcing you to do your job as my wife? I know that you are still very young, so young for me. Ang gusto lang naman nilang mangyari ay tumira tayo sa iisang bahay and carry my name with you. And that's it. Nothing more..." Bigla siyang tumalikod at iniwan ako. Mabilis ang aking paghinga. I can't believe him! Kinausap ako nila Mom at Dad nang makaalis na ang mga Lopez sa bahay. Nakatingin lang ako sa aking kamay habang nakaupo sa kanilang office at naghihintay sa kung ano mang sasabihin nila. "You don't need to go to school tomorrow. I want you to prepare your things dahil bukas ng gabi ay aalis tayo papuntang US. Then, Saturday morning will be your civil wedding." Matamlay akong tumango. I'm so exhausted at ang tanging gusto ko nalang ngayon ay ang matulog. Atleast when I'm asleep, I'm at peace. "Maraming salamat, Jane. Salamat at pumayag ka. Sisiguraduhin naming maibalik ang lakas ng kumpanya as soon as possible. And by that time, if you wanted out of marriage, I will gladly help you." Naghahanda na akong matulog nang makareceive ako ng makita ko ang iilang mensahe galing kay Claris at Carlo. Jane, I'm sorry. Nakausap ko sila Mommy and Daddy at hindi daw nila kayang itaya ang kumpanya namin para tumulong. I'm sorry. Jane. No matter what, huwag kang papayag sa gusto nila. Gagawa ako ng paraan. My parents did not agree on helping you're family but I will find a way. Trust me, please. Napapikit ako. Kasabay noon ay ang panghihinayang na nararamdaman, gusto ko si Carlo. Pero dahil ikakasal na ako, para kaming pinagkaitan ng pagkakataon. Oo gusto ko si Carlo. Pero mahal ko ang pamilya ko. Sila ang uunahin ko. Nagtipa ako ng aking sagot kay Claris. Hindi ako makakapasok bukas. Huwag mo itong babanggitin kahit kanino. Kahit kay Carlo. Nakatakda akong ikasal sa Sabado. Lilipad kami ng US. Ibinaba ko ang aking cellphone saka nagpasyang matulog. Kinaumagahan ay nagising ako sa tunog ng katok. Dahan-dahan akong bumangon para pagbuksan sjya. Bumungad sa akin ang aligagang si Ate Rica. Dumiretso siya papasok sa aking kwarto para maghanap ng kung anong gamit. "Jane! Nako bakit hindi ka pa gumigising? Mag-impake ka na at mauuna ka daw sa US. Nandiyan na iyong mapapangasawa mo. Kanina ka pa hinihintay bumaba." Gulat akong napalingon sa kanya. "Ano?! Ang usapan namin kagabi nila Dad ay gabi pa kami aalis. At lalong wala silang sinabi na ang kasabay ko ay ang lalaking iyon!" Ang aga-aga at ito ang bubungad sa akin? "Alam mo, Jane. Wala akong alam. Laking gulat ko nga kagabi na ikakasal ka na pala! Ang bata-bata mo pa, aba! Akalain mong mauuna ka pa sa akin." Pabiro niyang sabi at hindi ako natutuwa doon. Walang nakakatuwa sa nararanasan ko ngayon. Kung gusto niya, ay siya nalang ang magpakasal sa lalaking iyon! Nang nakitang hindi pa ako kumikilos ay hinila na ako ni Ate Rica papunta sa aking banyo. "Maligo ka na! Nakakahiya naman sa asawa mo. Pinaghihintay mo pa. Ang gwapo pa naman." Nakangising sabi ni Ate Rica. Napairap ako ng wala sa oras saka nagdadabog na pumasok ng banyo. Hinayaan ko ang sarili kong maligo ng matagal kahit pa alam kong may naghihintay sa akin. Nang pakiramdam ko ay kalmado na ko ay lumabas na ko at nagbihis saka nag-ayos ng aking damit. Pagkababa ko ay nakita ko si Jake na nakaupo sa aming sala. Umangat ang kanyang tingin sa akin. Lumapit siya sa akin para kunin ang aking gamit at walang sabi-sabing lumabas ng bahay. Sinundan ko siya ng tingin saka pinagsawalang-bahala na lamang siya. Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko doon si Dad at si Ate Rica na masinsinang nag-uusap. Agad naman silang tumigil nang makita ako. "Dad. Akala ko ba mamayang gabi pa aalis? Saka, sa pagkakaalam ko, kayo ang kasama kong aalis. Bakit nandito ang lalaking iyon?" Ang aga-aga talaga ay naiirita ako. Mukhang kailangan ko ng masanay na mainis araw-araw mula ngayon. "Nagprisinta sila na sasagutin na nila ang book ticket ng pamilya natin. Ang pamilya rin ni Jake ang nagdesisyon na kayo ang sabay na aalis. Para na rin magkaroon kayo ng kaunting oras na makilala ang isa't-isa." Umalis si Ate Rica para maiwan kami ni Dad. Pumasok naman si Mommy na mukhang kakagising lang din. "Oh? Jane, saan ka pupunta?" Nilingon ko si Mommy na walang alam sa nangyayari. So si Dad lang pala ang nakakaalam. "Aalis na po ako Mom. Si Dad na po bahala magpaliwanag." Tinalikuran ko sila saka lumabas na. Nakita ko si Jake katabi ang isang hindi pamilyar na sasakyan. Nakasandal siya sa pintuan habang nilalaro ang susi. Siya ba ang magmamaneho? "Bakit ikaw ang magmamaneho? May license ka na ba? Baka mamaya mapahamak pa tayo." Iritable kong sabi. Sarkastiko siyang ngumiti sa akin. "I'm old enough to have my own car and license. Wag kang mag-alala, hindi kita ipapahamak." Mabilis niya akong pinagbuksan sa passenger seat. Sumimangot ako. "Bakit diyan ako uupo? Sa likod ako uupo." Kumunot ang kanyang noo. "Hindi mo ako driver." "Edi magpapahatid ako sa driver namin!" Saglit siyang tumingala saka huminga ng malalim. Ramdam kong nagpipigil siya ng inis. Sinarado niya ang pinto sa passenger side at binuksan ang nasa likod. Lihim akong ngumiti. Mabilis talaga kausap. Kaya ang daling napapayag na magpakasal sa akin eh. Tahimik siyang nag-drive samantalang ako, paminsan-minsan ay nagmamasid sa paligid o hindi kaya nag-cellphone. Maya-maya ay umalingawngaw ang tunog nito. Nakita kong tumatawag sa akin si Claris. "Hello..." Hindi na ako nakapagpatuloy na magsalita dahil narinig ko siyang napamura. "Seryoso ba!? Ngayon ko lang nabasa ang text mo. Nandito ako sa CR ngayon ng school. Hinahanap ka sa akin ni Carlo! Oh my God! Hindi ako makapaniwalang ikakasal ka!" Napaupo ako ng matuwid nang matanaw ang matalim na tingin ni Jake mula sa rear-view mirror. "Sana hindi mo sinisigaw diyan na ikakasal ako, ‘no? Baka may makarinig naman sayo. Saka isa pa, huwag mong sabihin kay Carlo na ikakasal ako. Sabihin mo lang na hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon kaya hindi ako makakapasok." Sandali kong nilayo ang phone saka pagalit na nagsalita kay Jake. "Pwede bang tumingin ka sa daan! Hindi ko alam na tsismoso ka pala." Inirapan ko siya saka binalik ang cellphone sa aking tenga. Umigting ang kanyang panga saka muling tumingin sa daan. "Sinong kasama mo? Yung mapapangasawa mo? Anong itsura? Nakakaloka ka! Mas gwapo ba kay Carlo?" Napatingin ako sa rear-view at napansin kong panay tingin padin si Jake sa gawi ko. Inirapan ko siya ulit. "Hindi. Siyempre mas gwapo si Carlo!" Sinadya kong lakasan ang sinabi kong iyon. Halos tumilapon ako papunta sa salamin nang bigla niyang apakan ang preno. Mabilis kong inayos ang akong sarili. "Ano ba iyon! Akala ko ba hindi tayo mapapahamak sa pagmamaneho mo? Eh halos lumabas na ko ng sasakyan sa pagpreno mo eh!" Sobrang sama na ng tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang matagalan. Ilang oras palang kami nagkakasama, bwisit na bwisit na ako sa kanya. Paano pa kaya kung umabot ng ilang buwan at taon? Hindi niya pinansin ang sinabi ko, pinagpatuloy niya ang pagmamaneho at simula noon, ay hindi niya na ako muling tinignan. Mabuti! Tinignan ko ang aking cellphone at nakitang on-going pa ang tawag ni Claris. "Jane? Jane! Anong nangyayari?" Huminga ako ng malalim at kumalma. "Wala, yung driver ko kasi, nagprisentang magdrive, hindi naman pala maingat." Nakita kong humigpit ang kapit ni Jake sa manibela. Wala akong pakialam. "Huh? Si Kuya Salvy? Eh maingat naman iyon magdrive ah? Teka aalis ka na ba? As in now na?" Akmang sasagot na ko ng makarinig ako ng nagriring na bell. Sumilip ako sa aking relo at pasado alas-otso na. Simula na ng unang subject. Mabilis siyang nagpaalam at ibinibaba ang tawag. Umayos ako sa pagkakaupo saka pumangalumbaba. Napakatagal naman ng byahe. Nababagot na ko. Buti sana kung masayang kakwentuhan ang kasama ko eh. Kaso hindi, isang supladong pinaglihi ata sa sama ng loob ang kasama ko. Kung sana ay nagpahatid nalang ako kay Kuya Salvy eh! Laking pasasalamat ko nang sa wakas ay natanaw ko na ang NAIA. Paghinto ng sasakyan ay agad na lumabas si Jake. Nakita kong may lumapit sa kanyang lalaki. Inabot niya dito ang susi marahil ng sasakyan na ito. Dumiretso sila sa likod upang kunin ang aming gamit. Dali-dali akong bumaba at kukunin na sana ang aking gamit pero inunahan ako ni Jake. "Ako na." Kinuha niya ang gamit ko at saka nauna ng naglakad. Naramdaman ko ang pagkairita sa boses niya. Aba? Anong karapatan niyang mainis sa akin? Ang kapal! Mabilis ko siyang sinundan at agad kong hinatak ang aking maleta at sinamaan siya ng tingin. Marahas siyang lumingon sa akin. "What the hell is your problem?" "Kaya kong dalhin ang gamit ko! Wag mo akong papakialaman." Sa muli ay inirapan ko siya saka mabilis na nagmartsa papasok sa building. Bahala siya sa buhay niya! I am facing the windows as I watched the clouds losing its form due to this airplane as it passes by. Nasa tabi ko si Jake na nakapikit at nakasuot ng earphones. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Kapag nakapikit naman pala, mukha siyang mabait. Akala mo hindi makakagawa ng masama. Pero kahit na tulog, seryoso parin ang mukha niya. Sayang ang kagwapuhan. Hindi palangiti. Nagulat ako nang bigla siyang dumilat. Nagtama ang aming mata. Mabilis kong iniwas ang aking tingin pero nasisiguro kong nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Nakakahiya! Binaling ko muli ang aking tingin sa bintana at nag-isip. Hindi ko ineexpect na dadating ako sa punto na naiisip kong, sana pala hindi nalang umuwi sila Mom and Dad. Para wala ako sa sitwasyong ito. Hindi ko talaga matanggap na ikakasal na ko. Hindi ko alam kung kailan ko matatanggap iyon. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Sa sobrang stress at puyat nitong mga nakaraang araw kaya mabilis lang din akong nakatulog. Umayos ako ng upo nang marealize na nakasandal pala ako sa braso ni Jake. Paano ako napunta doon? Nakakahiya naman! Baka isipin niyang feel na feel ko ang pagsandal sa kaniya dahil naging masarap ang tulog ko. Naramdaman kong gumalaw siya at uminom ng tubig. Bahagya akong sumilip sa kanya at mukhang napansin niya iyon. Inalok niya sa akin ang pinag-inuman niya. Nandidiri akong umiling sa kanya. "Wala bang bagong tubig? Yung hindi pa bukas? Yung hindi mo pa nalawayan? Salahula ka ha." Naiiling siya habang kumukuha ng bagong tubig. Napansin ko ang pagpipigil niya ng ngiti. Baliw ata ito eh, kanina lang badtrip sa akin tapos ngayon halos tumawa na. Pagtapos uminom ay naramdaman ko naman ang pagkalam ng aking tyan. Kinalabit ko si Jake at agad naman itong lumingon. "May pagkain ka rin ba diyan? Nagugutom na ko eh." Ngumuso siya. "Wala akong dala but I can ask for the attendant to give you food. What do you want?" Inabot niya sa akin ang pagpipilian. Mabilis na nagningning ang aking mata. Tinuro ko ang mga gusto ko at agad naman niya itong sinabi sa kakarating lang na attendant. Napansin ko ang kakaibang tingin ng babae sa kanya na hindi ko nalang pinansin. May itsura naman talaga si Jake kaya normal lang iyon. I did not wait for too long. Hinanda agad ang pagkain. Sinunggaban ko agad iyon. Ngayon ko lang naalala na hindi nga pala ako nakapag-almusal. Nasa kalagitnaan na ako ng aking kinakain nang mapansin na hindi pala kumakain si Jake. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi pa naman nawawala sa pagkatao ko ang kabaitan kaya inalok ko siya ng pagkain. "Kain? Itong part na ito, hindi pa nalawayan." Ngumuso siya saka kumuha sa ulam na kasalukuyan kong kinakain. Napangiwi ako. Kay gwapong lalaki, salahula naman. Matapos kumain ay tahimik nanaman. Hindi ako nakaramdam ng antok dahil sa kabusugan at dahil kakatapos ko lang din naman matulog. Hindi ko alam kung nakailang stop over na ba kami at kung gaano katagal pa ang aming byahe. Nang tuluyang mabagot ay napagpasyahan kong kausapin nalang si Jake. "Anong oras tayo makakarating?" Sumulyap siya sa akin saglit bago ibinaling ang ulo sa relo. "We'll be there in an hour. You can sleep if you get bored." Umiling ako at humarap sa kanya. "Hindi na ko inaantok. May mga itatanong na lang ako sayo." Kuryoso siyang tumingin sa akin at tumango. "Ilang taon ka na?" "Balak mo kong interviewhin hanggang sa makalapag tayo sa US?” Nangingiti niyang tanong. "Why not? We're strangers right? Para naman kahit papano may ideya ako kung anong klaseng lalaki ang papakasalan ko." And besides, I am bored and this will help to kill our time. "Alright. I'm 21 years old." I counted our age gap mentally. Almost 6 years! Para ko na siyang kuya. "For real? Ang tanda mo na pala. What do you do?" "Graduating student. I am preparing for my internship next week. Then, after graduation, maghahanap ako ng trabaho." Mabilis akong nagtaka sa sinabi niya. "What course did you take? Bakit mo pa kailangang maghanap ng trabaho? You have a company. Bakit hindi mo imanage iyon?" "I have a brother. He's on it. Besides, I'm not into business. I want to teach." Napasinghap ako sa sinabi niya. Teacher siya? Wala sa itsura! "Buti ka pa, defined kung ano ang gusto mong gawin sa buhay. Imagine, malapit na akong makatapos ng high schol. This is my last year. Pero hindi ko parin alam kung anong kukunin kong kurso. I am thinking that I might choose Business Management to help or to take-over our company." "You still have time. Choose your passion. Choose something that you love to do so it won't feel like an obligation to earn for a living. You should keep in mind that in whatever path you will choose, you must cherish and enjoy every single moment of it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD