Jake guided me while walking up to the stage. Pumaikot ang kanyang braso sa aking bewang habang ang mga media na pinayagan makapasok ay hindi na magkandaugaga sa pagkuha ng litrato. Nakakasilaw ang mga liwanag ngunit unti-unti ng nakakapag-adjust ang aking mga mata. Nagsitayuan naman ang mga bisita at nagpalakpakan. Napangiti ako sa mga naging reaksyon ng karamihan ngunit hindi mawawala ang mga hindi sang-ayon. May ilan na pumapalakpak ngunit seryoso akong kinikilatis. May ilan din na tinatapunan ako ng mapang-akusang tingin at tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Napahinga ako ng malalim. I really don't mind their judgements on me. As long as we have the Lopez on our side, hinding hindi nila kami magagawan ng masama. Doing any harm in my family means they are opposing the Lopez's. Mat

