Bumalik kami sa normal ni Jake mula ng gabing iyon. May iilang limitasyon nga lang kaming napagdesisyunan. Nakahiga ako sa aking higaan habang siya ay nakaupo sa tabi ko. "A smack is tolerable. I'll try harder to control myself so I need you to cooperate with me." Nahihiya akong tumango sa kanya. "We should not be in the same bed. Or sofa, o kahit ano na pwedeng mahigaan katulad ng nangyari sa sala. And if you think that I'm crossing the line, then feel free to stop me, okay? Pero hangga't maaari ay hindi ko iyon hahayaang mangyari. Do you understand?" "Yes..." Malalim ang kanyang naging buntong-hininga. "I can't break your father's trust on me, okay? So behave yourself. Minsan napapasobra ka na ng paglalambing sa akin, iba na ang nararamdaman ko." Ngumuso ako. "Okay." Nagpaalam ako

