Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ako masyadong pinatulog ng ibinalita sa akin ni Claris kagabi. Huling balita namin ay maayos naman na raw ang lagay ni Carlo. Hindi naman daw malala ang mga sugat na natamo niya sa aksidente. Hindi ko makalimutan nang isalaysay sa akin ni Claris ang nangyari. Tinawagan daw siya ng magulang ni Carlo dahil bigla raw itong umalis gamit ang sasakyan ng kanyang nakatatandang kapatid. At ang malala pa raw ay nakainom ito! Nakokonsensya ako. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kaya nagkakaganyan si Carlo. Nahihiya rin ako sa mga magulang niya kaya hindi ko alam kung kaya ko ba siyang bisitahin sa ospital. Matamlay akong umupo sa tabi ni Jake. Nagtataka siyang tumingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagsimula ng kumain. "Are you okay?" Walang-gana

