Kinaumagahan ay naging abala ang mga kasambahay para sa pagdating ng pamilya namin ni Jake. May iilan na naglilinis sa loob ng bahay at sa hardin. Meron ding isa na naglilinis ng pool at ang isa sa aming guard ay nagseset-up ng silong. Nirequest ko iyon kagabi kay Jake nang paalalahanan niya ako habang kumakain kami. Tahimik kaming kumakain ng hapunan. Nahihiya ako sa kanya at sa mga katulong dahil sa eskandalong ginawa ni Carlo. Sumulyap ako kay Jake ngunit seryoso lang ito sa kanyang pagkain. "How was your defense?" Panimula ko sa kanya ng hindi nakayanan ang pagiging awkward ng paligid. "Fine..." Ngumuso ako. Pakiramdam ko kay galit siya sa akin. "Galit ka?" "Nope." Sinabi niya iyon ng hindi tumitingin sa akin. "Galit ka eh." Deklara ko. Napansin kong tinitigan niya ako. "Huwag k

