
Dahil sa labis na kapusukan at padalos dalos na desisyon ay naggawang ipagkaloob ni Janelyn ang sarili sa kanyang kasintahan na si Jayden. Pareho silang nasa kolehiyo ng magkakilala at magkamabutihan.Graduating student na si Jayden samantalang si Janelyn ay nasa ikalawang taon pa lang sa kolehiyo.Dahil labis na pagmamahal niya kay Jayden ay walang pagdadalawang isip niyang tinanggap ang alok nitong kasal. Dahil ayon pa kay Jayden sa kanya ay hindi na nito kayang mawala siya sa buhay nito kung kaya't magpapatali na siya kay Janelyn. Lingid sa kaalaman ng mga magulang nila ay nagpakasal sila sa huwes dahil pareho naman sila sa wastong edad ay naging legal ang naganap na kasalan.Buong magdamag nilang pinagsaluhan ang init ng pag-iisa ng kanilang nag-aalab na mga katawan.Ngunit matapos ang isang gabing walang sawang pagniniig ay ipinadala si Jayden ng mga magulang nito sa Barcelona,Spain upang pangatawanan ang mga naiwang negosyo ng mga magulang.Nangako si Jayden na babalikan niya si Janelyn ngunit lumipas na lang ang ilang linggo ay wala na siyang balita sa kanyang asawang si Jayden.Lumipas ang dalawang buwan ay napag-alaman niyang nagdadalawang-tao siya. Dahil sa takot na malaman ng kanyang mga magulang ang sinapit niya dahil sa kanyang karuwagan ay ikinubli niya ang kanyang sitwasyon. Nagbaka sakali siyang magkaroon ng balita tungkol kay Jayden sa mga magulang ngunit pati ang mga ito ay nagmigrate na rin sa Espanya.Napilitan siyang huminto ng pag-aaral at magpakalayo-layo at napadpad siya sa Isla Del Azul kung saan niya isinilang ang kanyang anak na si Nicole.Mapalad siya at tinulungan siya ng may ari ng isla at binigyan siya ng trabaho bilang resort crew.Sa paglipas ng panahon ay unti-unti niya ng nakalimutan ang ama ng kanyang anak. Malaki ang hinanakit niya dito dahil nakalimutan at tinikis siya nito.Paano kung magkukrus muli ang landas nila ni Jayden sa isla at hindi na siya nito nakilala?Maalala pa kaya siya ng pusong nakalimot ni Jayden lalo na ng makita nito si Nicole na madaling nakagaan ng loob nito? Paano kaya niya maibabalik ang pag-ibig sa kanya ni Jayden kung may iba na itong minamahal?
