Damien's POV Napangiti ako ng makita ang text ni Stacey. 'Wala 'yon sana nagustuhan mo, Good night.' sinend ko na kay Stacey yung message kaya naman aakyat na dapat ako kaso biglang sumulpot si Daddy. "Tumawag si tita jennie mo gusto daw kami na makilala nung parents ni Stacey." seryosong sabi nito sa akin ako naman ay gulat na gulat dahil sa narinig ko. "Ikaw ah, naglilihim ka na kay Daddy." dagdag pa nito. "Daddy si Stacey kaibigan ko lang po siya anak siya ng bestfriend ni tita jennie." pagpapaliwanag ko naman dito. "Alam ko kilala ko ang parents ni stacey actually may pinaguusapan nga kaming bussiness ng Daddy niya." sagot naman nito sa akin kaya tinanguan ko na lang ito. "Anyway bukas pagkatapos mo sa coffe shop ni tita jennie mo umuwi ka kaagad at may pupuntahan tayo." sabi ni

