Stacey's POV
"Good morning, Kumusta?" Natatarantang tanong ko dito. Napatawa naman ito sabay tanong ng "Anong ginagawa mo?" sabay tawa nito. "Wala kinakabahan lang ako since first day." pagpapaliwanag ko tumango naman ito. "Ibigay mo lang yung best mo magiging okay ang lahat." Nakangiting sabi nito kaya napangiti na din ako.
"Ehem! Madami ng gagawin baka puwede mamaya na kayo magkwentuhan diyan." biglang sumulpot si Laurent sa likudan ko kaya napatingin kami dito tinanguan lang ito ni Damien at pumunta na ito sa may mga lamesa para mag-ayos.
Pagkabukas ng coffeeshop ang ginagawa ko lang ay mag serve at kumuwa ng mga order habang si Damien ay nagtitimpla ng coffee nagulat naman ako dahil marunong ito.
"Hi, Good Morning can i take your order please?" tanong ko doon sa customer na kakapasok lang hindi ko makita ang mukha nito dahil naka hoodie at naka shades pa ito. "Can i order you?" Malakas ang pagkakasabi nito at lalaking lalaki ang boses kaya napatingin ang lahat ng nandoon. Lumapit sa amin sila Damien.
Tinanggal naman nito ang shades niya nagulat ako dahil si Sissy ang nakita ko hindi ako nakapagsalita sa gulat. "Excuse me po may problema po ba?" diretsong tanong ni Laurent. "Ah wala kilala ko siya, ako na ang bahala." sagot ko naman dito sabay tingin ng masama kay sissy. Bumalik naman na sila sa kan'ya kan'ya nilang ginagawa.
"Bakla ka ng taon!" pagalit na bulong ko dito. "Anong trip mo?!" Kinurot ko ito
sa balikat bigla naman itong tumayo at hinubad ang hoodie niya bumungan ang soot nito na hot pink with floral design na top kaya napatawa ako ng malakas. "Para naman malaman ng Damien na 'yan na hindi ako lalaki." Natatawang sagot naman nito.
"So, anong order mo?" natatawang tanong ko dito. "Ano ba yung best seller dito si papa Damien ba?" natawa na naman kaming dalawa. Iniwanan ko na siya para i-place yung order niya.
"Damien, Isang strawberry frappucino and isang White chocolate chip cookies." pag-agaw ko ng atensyon nito. "Sure ihahanda ko lang then tatawagin kita." sagot naman nito pero parang ang saya-saya nito kanina lang eh parang pinagsakluban siya ng langit at lupa ngayon parang nanalo sa loto.
Nabusy ako inabot na ng gabi at nandito pa din si sissy actually sa office siya ni tita jennie tumambay napaka kapal ng mukha but kidding aside sobrang nakakapagod pala ito.
Lumabas na si tita jennie galing sa office niya dahil magsasarado na kami. "Guys nakakatuwa ang daming customer ngayong araw sana magtutuloy tuloy ito nakakagulat talaga." Pumapalakpak pa si tita jennie kaya natawa kaming lahat.
"S'yempre naman po nandito ako eh." nagyayabang naman na sabi ni sissy. "Akala ko nga kung sinong lalaki pumasok kanina." sarcastic na sabi sa kan'ya ni Laurent. "Excuse me!" masungit naman na sagot sa kan'ya ni sissy. Umusod naman bigla si Laurent papunta kay Damien kaya nagtatakang napatingin kami dito. "Dumaan ka na at h'wag ka na din babalik dito." seryosong sabi naman ni Laurent at halata na napipikon na si Sissy kaya hinatak ko ito papalapit sa akin.
"Stacey, Tumawag ang Mommy mo kanina hindi ka daw nila masusundo." biglang bumaling sa akin si tita jennie tinanguan ko naman ito at sabay sabi ng "Ganon po ba? Thank you po tita sa pagsabi." Nginitian ako nito at pinalabas na kami para maisarado na ang coffee shop nagpaalam na ito sa amin pagkalabas pati na din yung nga kasamahan namin.
"Alam mo sissy, kung hindi lang scholar ni tita jennie yung Laurent na 'yon naigisa ko na siya!" Galit na sigaw nito sa akin nagulat naman ako dahil nandoon pa si Damien. "Ikaw? bakit nandyan ka pa gusto mo ba na ikaw ang igisa ko?" tanong ni sissy dito sabay taas ng kilay. Siniko ko naman ito kaya napatingin siya sa akin.
"Damien pag pasensyahan mo na itong bestfriend ko mainit ang ulo dahil kay Laurent eh." sabi ko kay Damien. Tumango ito sabay "Aayain ko lang naman sana kayo mag dinner pangbawi lang dahil pinagkamalan ko na," paguumpisa nito. "Lalaki yung Sissy mo." dugtong nito at inartehan pa yung word na sissy. Natawa naman ako dito.
"Tara na! Siguraduhin mo na matutuwa ako sa ipapakain mo sa amin!" sabi ni sissy sabay tingin ng masama kay Damien. "Oo ba, Wait lang kukuhanin ko yung sasakyan antayin niyo ako dito." paalam nito.
"Alam mo sissy may gusto sayo 'yan" parang kinikilig pa ito pagkaharap sa akin. Inirapan ko lang ito napaka malisyosa ng utak. Huminto yung sasakyan sa harap namin at sumakay na si sissy sa likudan nung papasok na din ako biglang nagsalita si Damien. .
"Hindi ba nakakahiya sa akin?" diretsong tanong nito sa akin. "Bakit?" Napabuntong hininga namin si Damien. Binulungan ako ni sissy na doon daw ako sa harap pero hindi ko pinansin. "Stacey, dito ka sa harap magmumukha akong driver niyo kapag d'yan ka din sa likod uupo." seryosong utos sa akin ni Damien at ngayon ko lang na realize na nakakahiya nga!
Nagmamadali akong umupo at napatingin ako dito ng hindi pa umaandar parang walang pasensya naman itong tumingin sa akin at unti-unti siyang lumalapit ako naman ay napasandal sa pinto ng kotse "Kalma ilalagay ko lang yung seat belt mo." nagpipigil ito ng tawa. "Assuming kasi." bulong naman ni sissy.
"Next time h'wag mo kakalimutan yung seat belt importante 'yon." pagpapaalala sa akin ni Damien. Tumango lang ako. "So may next time pa?" kinikilig na tanong ni Sissy tinawanan lang siya ni Damien at nagmaneho na ito ako naman nakatingin lang sa labas. 'Nakakahiya!' sabi ko sa utak ko.
"Saan niyo ba gustong kumain?" biglang tanong ni Damien. "Kahit saan okay lang naman." tugon naman sa kan'ya ni sissy. Napatingin ito sa akin ngunit nasa labas pa din ng sasakyan ang aking atensyon dahil biglang umulan.
"Ihinto mo." Nagulat ito sa sinabi ko. "Damien ihinto mo." pag-ulit ko Inihinto niya ang sasakyan at dali dali akong bumaba at tumawid ng kalsada nagulat naman sila sa ginawa ko pero wala akong pakialam.
Nung nasa sasakyan kanina may nakita akong dalawang bata na nakasilong sa puno ngunit nababasa pa din sila ng ulan kaya nagmamadali akong bumaba at pinuntahan sila.
Hinubad ko yung jacket na soot ko para ipang taklob sa kanilang dalawa sobrang naawa ako sa kanila. "Ito share na lang kayo okay?" Inayos ko yung jacket para kasya sa kanilang dalawa. Biglang dumating si Damien at sissy na naka payong "Hoy bakla ka ayos ka lang ba!?" nagaalalang tanong ni Sissy. Hinubad naman ni damien yung Jacket niya at nilagay din doon sa isang bata ngayon tig-isa na sila.
"Kumain na ba kayo?" tanong ni damien sa dalawa at sabay ito na umiling. "Dito muna kayo samahan niyo yung dalawa bibilhan ko sila ng pagkain." paalam ni Damien sabay tawid papunta sa convenient store.
Napatingin naman ako sa pwesto nila may kariton at base sa kwento nila ay doon sila natutulog pagkadating ni Damien ay ibinigay niya yung pagkain sa dalawa at may extra groceries pa.
Noong pabalik na kami sa sasakyan ay tumigil na ang ulan yun nga lang ay basa na ako. "Stacey may hoodie ako sa sasakyan pwede mo suotin 'yon sa labas na lang muna kami ni Daniel habang nagbibihis ka." Alok ni Damien kaya pumayag ako kesa naman maging basang sisiw ako.
Inabot sa'kin ni Damien yung yellow hoodie niya buti na lang hindi masyado nabasa yung short na soot ko. Pumasok na ako sa sasakyan at doon nagbihis. "Hoodie ba ito?! Naging dress sa akin ah!" sabi ko sa sarili ko ng makita na hanggang itaas ng tuhod ko yung hoodie niya. Pumasok na din sila sa sasakyan at umalis na kami doon papunta sa kakainan namin.
Pagkadating sa restaurant ay umorder lang kami then habang inaantay yung mga pagkain ay konting kwentuhan. "Bakit nga ba napagkamalan mo ako ng boyfriend ni stacey?" iritang tanong ni sissy kay damien. "Hindi ko din alam." natatawang sagot naman nito.
"Saan ka nga pala nagaaral?" tanong ulit ni sissy kay damien. "BFC." tugon naman nito na ikinagulat ko. "Sa BFC din?!" gulat na tanong ko dito. "Ang liit liit talaga ng mundo." dagdag pa ni sissy. Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami.
"Ihahatid ko na kayo." alok ni damien. "Ako muna ang una niyong ihatid at hinahanap na ako ng tita ko." nagmamadaling sagot naman ninsissy habang pasakay sa sasakyan.
Pagtapat namin sa bahay nila ay bumaba na ito. "Thank you sa dinner at sa paghatid ingatan mo si Stacey ah pag may nangyari d'yan humanda ka sa akin." pagbabanta nito kay Damien bago pumasok sa kanila.
"So, let's go ? hatid na kita sa inyo." Tinanguan ko lang ito. "Damien puwede ba tayong dumaan sa flower shop if may bukas pa?" nagtataka itong napatingin sa akin. "Bibilhan ko lang si Mommy." Napangiti naman ito.
"Ayun! Mommy ng kaibigan ko yung may ari niyan buti na lang bukas pa." Excited na sabi nito sa akin at bumaba na siya bababa na sana ako kaso bigla nitong binuksan ang pinto at inalalayan ako.
Pagkapasok namin sa loob ay napangit ako dahil ang bango bango dito nakakarelax talaga ang flowers binilhan ko si Mommy ng bouquet of white roses at kumuwa din ako ng isang teddy bear para kay Daddy. Nagulat naman ako ng makita na may hawak din si Damien na bouquet at bumulong ito na para sa mommy niya daw at yung isang bouquet naman ay puro chocolate para naman daw sa little sister niya kaya napangiti ako.
Pagbalik namin sa sasakyan at nilagay lang niya sa back seat yuny mga pinamili namin at pagkaupo ko ay naramdaman ko yung pagod sobrang haba ng araw na ito.
Damien's POV
Napangiti ako ng makita na natutulog si Stacey. Natutuwa ako doon sa ginawa niya sa mga bata kanina pero mas natuwa ata ako kasi damit ko yung soot niya para siyang girlfriend ko. Bigla akong napailing. "Ano ba Damien." bulong ko sa sarili ko.
Kanina nung nasa loob kami ng flower shop ay may nakita akong sunflower kaso isa na lang ang natira kaya isa na lang ang nabili ko balak ko ibigay sa kan'ya ito mamaya.
Sobrang nakakapagod itong araw na ito pero parang hindi ko manlang naramdaman yung pagod ang gulo. Natawa na lang ako sa naisip ko. Maya maya ay nandito na kami sa tapat ng bahay nila Stacey kaya ginising ko na siya. "Stacey, nandito na tayo." bulong ko dito. "Uhm! 5 minutes!" sagot naman nito kaya natawa ako at pinitik ito sa noo bigla naman itong napadilat.
"Aray!" Sigaw nito habang nakasimangot tinawanan ko lang ito kaya mas lalong kumunot yung noo niya. "Nandito na tayo pumasok ka na baka hinahanap ka na nila." Bumaba ako ng sasakyan para pagbuksan siya ng pintuan at inabot ko din sa kanya yung bouquet at teddy bear na binili niya.
"Thank you sa dinner ah pati sa pagsama at paghatid sa akin." Inaantok na sabi nito sa akin at papasok na sana siya sa gate ng bigla kong hinawakan ang braso niya kaya napaharap siya sa akin.
Binuksan ko yung pinto sa back seat at kinuwa yung isang sunflower at inabot ito sa kan'ya gulat na gulat naman ito. "Sige na pumasok ka na." Utos ko dito sabay gulo sa buhok niya hindi siguro alam yung sasabihin kaya ngumiti na lang ito at nagmamadaling pumasok sa kanila ako naman ay bumalik na sa sasakyan at nagmaneho pauwi.
Stacey's POV
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay at pagbukas ko ng pintuan ay napasandal ako dito nagulat naman ako ng makitang nakatingin sa akin si mommy at daddy kaya nilapitan ko sila para iaabot yung binili ko.
Inabot ko kay Mommy yung flowers at kay Daddy naman yung teddy bear. "Para saan ito anak?" Nakangiting tanong ni Mommy. "Wala po ito po kasi yung unang beses na nabigyan ko kayo ng regalo?" tanong ko naman sa kanila. Tumayo si Daddy at Mommy niyakap nila ako.
"Sobrang saya ko po talaga na nandito na kayo." Nakangiting sabi ko sa kanila. "Teka, kumain ka na ba? Inaantay ka namin para sabay sabay tayo." Pagaaya ni mommy. "Kumain na po kami ni sissy kasama si Damien pero sige po kakain po ulit ako." Napangiti naman sila at sabay sabay kaming pumunta sa kusina.
"Anak kasama niyo si Damien?" tanong ni daddy. "Opo pangbawi daw niya kay sissy dahil napagkamalan niya na boyfriend ko si sissy." Natatawang sagot ko naman at inilapag ko sa tabi ko yung sunflower na bigay ni Damien. Napatingin naman doon si Daddy ngunit hindi na siya nakapagsalita dahil nilapag na ni Mommy yung pagkain.
"Pray po muna tayo." sabi ko sa kanila sabay naman silang tumango. "Lord, Thank you for all the blessing salamat dahil kumpleto kami ngayon sa hapag kainan and salamat dahil nakatulong ako sa mga bata kanina kahit sa maliit lang na paraan at salamat din po dahil hindi niyo po kami pinapabayaan and sana din po h'wag ng mag-isip si daddy ng kung ano ano tungkol kay Damien, Amen." Pagdilat ko naman ay nagpipigil si mommy ng tawa habang si Daddy ay parang nagtatampo.
Kumain lang kami at sinamahan ko si mommy maghugas ng pinagkainan. "Pasalamat ka nagdasal ka kay lord bukas na lang ako magtatanong." biglang sabi ni daddy sabay kiss sa amin ni mommy dahil mauuna na daw siya sa taas. "Hon, Tawagan mo si Jennie kailangan ko makausap ng parents ni Damien." pahabol pa nito. Nagulat naman ako at si mommy tumatawa lang.
"Nako hayaan mo na ang daddy mo alam mo naman ang mga tatay praning." Natatawang sabi ni mommy nung paakyat na kami sa hagdan. "Mommy kaibigan ko lang si Damien." Pagpapaliwanag ko naman dito kaya tumango ito. Hinatid ko lang siya sa kwarto nila ni daddy. "Goodnight po sa inyo i love you both." sabi ko sa kanila sabay yakap. "I love you anak." sabi ni Daddy. "Matulog ka na ah mahal ka namin." dugtong naman ni mommy.
Pagkapasok ko sa kwarto ay kinuwa ko yung cellphone ko at kinunan ko ng litrato yung sunflower na inilapag ko sa kama ko at pinost iyon sa sss. Nagtext din ako kay Damien dahil hindi ako nakapag pasalamat sa kan'ya kanina.
'Thank you sa sunflower, Good night.'
Pumasok na ako sa banyo at habang naliligo ako hindi mawala sa isip ko yung sunflower isa kasi sa sign ko 'yon na kapag may lalaking nagbigay sa akin ng sunflower na isang piraso lang at hindi bouquet of sunflowers ay baka siya na si the one.
Pagkatapos maligo ay humiga na ako sa kama dahil sa sobrang pagod siguro ay nakatulog na ako pero bago pumikit ang mga mata ko alam ko na may nag text at alam ko din na si Damien 'yon pero hindi ko na ito tinignan pa.