Stacey's POV
Pagkahatid sa akin ni Damien sa bahay dumiretso agad ako sa kusina balak ko magluto para sa miryenda namin today itetext ko sana sila mommy at sissy na umuwi agad dahil magluluto ako kaso biglang nag text si Damien and hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kaya hinayaan ko na lang at nag text na ako kila mommy
Habang nagluluto ako ng Carbonara biglang dating nila mommy at kasama niya si tita jennie "Wow! Ang bango naman ng niluluto mo." biglang sabi ni mommy at lumapit sila ni tita jennie para makita kung ano ang niluluto ko.
"Hello, Kumusta po yung lakad niyo?" sabay beso sa kanila. "Ito okay naman, masaya kasi nagkita ulit kami nabanggit nga pala ng tita jennie mo na sa kanya ka nag apply." sagot naman ni Mommy.
"Mag antay na lang po kaya kayo sa may sala tatawagin ko na lang po kayo kapag luto na." mungkahi ko sa kanila ngunit nagpumilit ang mga ito na samahan na lang ako sa kusina kaya wala akong nagawa.
Sakto pagkatapos ko magluto dumating si sissy at maya-maya kasunod na si daddy.
"Ikaw ang nagluto?" Nakangiting tanong ni daddy kaya tinanguan ko ito. Ipinaghain ko na sila sa may garden para doon kami sabay-sabay kumain.
Nang maka-upo na ang lahat at ready na din yung pagkain inunahan ko na agad ng disclaimer. "Reminder lang po first time ko na nagluto kaya please kapag hindi po masarap... be honest," Nagtawanan naman silang lahat.
"Bakit nga ba naisipan mo na magluto? Napauwi tuloy ako ng wala sa oras." Natatawang tanong ni sissy daniel kaya napatingin sila sa akin.
"Wala lang, Gusto ko lang magluto to celebrate kasi start na ng trabaho ko tommorow." paliwanag ko sa kanila. "Tumawag nga sa akin si mommy mo kanina dahil nakwento ni tita jennie mo kay mommy mo and pamangkin pala ni tita jennie mo si damien." kwento ni daddy kaya naman si sissy ay nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin kaya tinanguan ko ito.
Kumain lang kami and kwentuhan maagang nagpaalam si tita jennie at si sissy naman ay umakyat na sa guest room dahil medyo masama ang pakiramdam. Napakasaya ng araw na ito nagkaroon ako ng work and first time ko malutuan yung parents ko first time lang din na nakasaama ko sila ng ganto.
Napaisip tuloy ako bigla na tingin ko totoo yung sinasabi nila sa akin na babawi sila. Naglakad ako papunta sa balcony ng kwarto ko dahil mag sunset na habang nagmumuni muni ako biglang tumunog yung cellphone ko si Damien tumatawag kaya sinagot ko ito.
"Yes? Napatawag ka?" tanong ko dito. "Hindi ka kasi nag reply sa text ko, Okay ka lang ba? nandyan na ba yung parents mo?" sunod sunod na tanong nito.
"Yes nandito na sila sorry kung hin---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang nagsalita ito. "s**t i'm sorry for asking and sa pagtawag." parang frustrated na pagkakasabi nito sabay baba ng tawag napatingin na lang ako sa cellphone ko sabay iling, 'Weird'.
"Anak, puwede ba tayong mag usap?" Nagulat ako ng biglang nag salita si Daddy. "Tungkol saan po? Upo po muna kayo." Hinatak ko yung upuan sa may balcony at saka siya inalalayan pa-upo. "Hindi pa naman matanda si Daddy para alalayan mo." Tumatawang sabi nito kaya napatawa din ako.
"Ang dami naming na miss ng mommy mo hindi man lang namin nakita kung paano ka lumaki," kwento nito ako namn ay nakikinig lang. "Ang dami naming pagkukulang sayo. Kakaisip namin ng future mo nakalimutan na naman yung present." malungkot na pagkakasabi nito sabay hawak sa kamay ko "Kaya sana anak hayaan mo kaming bumawi sayo." Tiningnan ako nito sa mata.
"Daddy aaminin ko lagi akong nagtatanong kung bakit iniwan niyo ko kay tita kaya din siguro naging pasaway sa kanya kasi gusto ko ng atensyoon niyo ni mommy, pero ngayon na nandito kayo sobrang masaya na ako oo may konting lungkot at tampo pero mas nangingibabaw yung saya." Nagulat ito ng bigla ko siyang yakapin.
"Gusto nga daw pala ng tita mo na makausap ka baka daw dumalaw siya dito sa weekend, siya nga pala sigurado ka ba na gusto mo mag trabaho kila tita jennie mo?" parang nag-aalala na tanong nito. "Oo naman Daddy excited na nga ako eh." Masayang sabi ko dito. "Sige na nga maiwan muna kita pupuntahan ko lang ang mommy mo sa kusina." Pagpapaalam nito sabay labas ng aking kwarto.
Maya-maya nung paglabas ni Daddy si Sissy naman ang pumasok sa kwarto. "Sissy may gusto sana akong sabihin sayo eh." paguumppisa nito. "Ano 'yon ayos ka lang ba?" tanong ko dito. "Kailangan ko na kasing umuwi dadating si auntie then yung pinsan ko nandoon na sa bahay. Okay lang ba?" nagaalalang tanong nito.
"Oo naman ano ka ba salamat ah kasi sinamahan mo ako dito kahit saglit lang ito na nga siguro yung chance na sinasabi mo para mabawi namin ng parents ko yung mga oras na nasayang." Napangiti naman ito sa sinabi ko. "Huwag kang mag-alala mahaba pa ang bakasyon mahaba pa ang oras niyo para makapagbonding." Niyakap ako nito at inaya ko na siya sa baba para makapag paalam siya sa Parents ko.
Naabutan namin sa kusina sila Mommy and Daddy na nagaayos ng pagkain for dinner napangiti ako first time ko lang sila nakita sa gantong scenario. "Tatawagin pa lang sana namin kayo hindi pa nakahain eh gutom na ba kayo?" Napahinto si Mommy sa ginagawa niya dahil sa pagdating namin.
"Hindi po tita magpapaalam lang po sana ako na uuwi na sa amin dahil dun mag stay si auntie for the mean time." pagpapaliwanag ni sissy sa kanila. "Ganon ba edi bago ka umuwi saluhan mo muna kami sa dinner." Nakangiting alok ni daddy dito kaya na upo na kami habang inaayos ni mommy yung mga pagkain.
Kaunting kwentuhan lang kasabay ng pagkain at ng matapos ay nagpaalam na si sissy kila mommy. "Tita, tito welcome pa din naman po ako dito sa inyo 'di ba?" Natawa naman kami sa tanong nito. "Oo naman anytime welcome ka dito." sagot ni mommy.
"Ihahatid ko lang po siya sa gate." paalam ko sa kanila tinanguan naman nila ako at nagpaalam na kay sissy pagkalabas namin sa may gate bago siya sumakay sa sasakyan niya ay may sinabi ito sa akin. "Dadaan ako sa work mo bukas text mo yung address." Napangiti ako sabay yakap sa kanya.
"Thank you for always supporting me sissy." tugon ko dito. "Ano ba nandito lang ako lagi. Mauuna na ako baka inaantay na ako nila auntie." Niyakap ako nito at sinenyasan na pumasok na ako sa loob para makaalis na siya.
Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko si Mommy at Daddy na nasa sala inaantay ako "Anak magpahinga ka na maaga ka pa bukas." biglang sabi ni Mommy sa akin. "Okay po aakyat na din po ako pero gusto ko lang po humingi ng sorry dahil nag-attitude ako nung paguwu niyo ni Daddy." tugon ko sa kanila.
"Naiintindihan ka naman namin malaki ang pagkukulang namin sayo." sagot ni Daddy sabay yakap sa akin. "Oo nga kaya sisiguraduhin namin ng Daddy mo na babawi kami sayo." dugtong ni Mommy. Niyakap ko silang dalawa.
"Grabe dati iniisip ko lang kung mararanasan ko pa ba na mabubuo ulit tayo tapos ngayon ito na nangyayari na." kwento ko sa kanila. "Well ngayon hindi na kami aalis ni Mommy mo pwera na lang kung may bussiness meeting abroad pero isasama ka na namin." Hinalikan ako ni Daddy sa noo.
"Oo nga pala sabi ni tita jennie mo every saturday and sunday ang off mo sa coffee shop niya." pagiiba ng usapan ni Mommy. "Ayos sa sabado aalis tayo mamili tayo ng gamit mo para sa school." dugtong ni Daddy. Nagkwentuhan lang kami sandali tapos umakyat na ako sa kwarto dahil maaga pa ako bukas.
Nasa banyo ako ngayon kakatapos lang maligo para makatulog na habang nakatingin ako sa salamin na realize ko na first time ko lang magtatrabaho kahit nga sa bahay nila tita hindi ako kumikilos. Nakakakaba.
Pagkalabas ko ng banyo tinitigan ko yung picture na naka display sa side table ko bata pa ako nito ito yung first family picture napangiti na lang ako at dumiretso na sa higaan bago ako pumikit hindi ko nakalimutang mag pasalamat sa kan'ya.
'Thank you Lord, Para sa pamilya ko sa kaibigan at sa bagong kaibigan na si Damien.'
Damien's POV
Nagmamaneho ako ngayon papuntang coffee shop ni tita kagabi napagisipan ko na gusto ko din mag trabaho sa coffee shop kaya nagpaalam ako sa parents ko nung una tutol sila kasi hindi naman daw kailangan pero dahil mapilit ako pinayagan din ako.
Pagkadating ko dito wala pa yung mga stuff niya si tita pa lang yung nandito dahil sobrang aga pa. "Damien, Anong ginagawa mo dito?" nabibiglang tanong nito. "Ang aga aga pa." dugtong nito. "Tita gusto ko sana mag trabaho dito puwede naman 'di ba?" tanong ko dito napatingin naman to sa akin na parang wala siyang choice kaya natawa ako.
"Ano bang nakain mo at gusto mo mag trabaho dito?" tanong ulit nito habang inaabot sa akin yung bagong uniform na kinuwa niya sa office niya. "Wala naman bakasyon kasi and walang mapaglibangan." sagot ko dito pero parang hindi siya naniwala.
"Kilala kita Damien, kapag bakasyon mas gugustuhin mo na ikutin ang buong Pilipinas kesa mag trabaho." pagsisimula nito. "Siguro may something interesting dito sa coffee shop ko or should i say someone interesting." dugtong pa nito at tinaasan pa ako ng kilay hindi ko naman tinatanggi na alam ko ang tinutukoy ni tita. Nginitian ko ito sabay paalam na pupunta sa CR sa office niya para mag palit ng uniform.
Stacey's POV
Hinatid ako nila Mommy dito sa coffee shop ni tita jennie pagkapasok namin nandoon si tita jennie and ibang mga nagtatrabaho doon. "Stacey, iha ito na yung uniform mo inayos ko na mag palit ka na lang sa CR kaso may tao pa doon." pagpapaliwanag ni tita jennie pagkatapos mag paalam nila Mommy.
Umupo muna ako sa may table yes sa table mismo. "Hay nako! ikaw talagang bata ka hindi ka pa din nagbabago." sabi ni tita sabay kurot sa pisngi ko. Nagulat naman ako ng biglang lumabas si Damien galing sa office ni tita jennie at naka uniform pa napatingin ako kay tita jennie dahil may binulong ito. "Nagulat din ako bakit nandito yan Stacey." parang natatawa pa ang pagkakasabi nito.
"Stacey magbihis ka na doon ng uniform mo." utos ni tita jennie kaya nagmamadali naman akong pumasok sa office niya at dumiretso sa CR. Natulala ako sa salamin imbis na magbihis inisip ko yung nakita ko kanina yung paglabas ni Damien ang gwapo niya bagay sa kan'ya yung uniform kinabahan ako bigla.
"Stacey focus sa work okay given na na gwapo si Damien, ano naman ngayon?" tanong ko sa sarili ko sabay iling at nagbihis na pagkatapos ko mag bihis lumabas na ako at naabutan ko doon na may kausap si tita jennie at Damien na lalaki parang ka-edad lang namin ni Damien.
"Stacey this is Laurent siya yung scholar ko and dito din siya nagtatrabaho ituturo niya sa inyo ni Damien ang gagawin niyo." pagpapaliwanag ni tita jennie. "Bro, I'm Damien." pagpapakilala nito sabay abot sa kamay ni Laurent. "I'm Stacey nice to meet you." sabay abot din ng kamay ko dito pero bigla itong nagsalita. "Tita jennie hindi niyo naman sinabi na ganto pala kaganda yung anak ng bestfriend niyo." sabi nito sabay halik sa kamay ko na ikinagulat ko.
"Laurent, Binabalaan kita h'wag si Stacey." Pagbabanta ni tita jennie kaya natawa naman kami ni Laurent bigla akong napatingin kay Damien ng bigla itong umalis at dumiretso sa office ni tita jennie.
"Laurent, can i talk to you? Stacey pumunta ka muna doon sa mga kasama mo explore ka para mamaya familiar ka na sa kanila." Tinanguan ko naman ito sabay punta doon sa mga kasamahan ko.
Hindi pa din mawala sa isip ko yung nakita ko kanina pagkalabas ni Damien sa office ni tita jennie para siyang nag ssparkle at idagdag mo pa yung pag walkout niya kani-kanina lang. Pumikit ako ng matagal sabay inhale exhale pagdilat ng mata ko si Damien ang bumungad sa akin.