C H A P T E R 0 2

2502 Words
Stacey's POV Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay hinanap ko agad si Daniel. "Guess what?!" tanong ko dito. Napataas naman yung kilay niya at inirapan ako. "What? Hindi ako manghuhula." tanong nito sa maarteng tono. "May pupuntahan ako na coffee shop tommorow sa tita ni damien!" Nangunot bigla yung noo niya. Oh no hindi nga pala niya kilala si damien. "Yung guy na nag pahiram ng panyo kahapon." sabi ko naman agad dito kahit hindi pa 'to nagtatanong inunahan ko na. "Aha! Si Mr. Panyo, paano nangyari 'yon nagkita kayo?" Nang-aasar na tanong nito. Sasagutin ko sana 'to kaso biglang tumunog yung cellphone ko. Pagkatingin ko unregistered number. "Hello? Stacey, it's Damien." sagot nung nasa kabilang linya. "Ay! Ikaw pala, kamusta bakit napatawag ka?" Ang gwapo ng boses! wait whut? "Itatanong ko lang sana kung gusto mong sunduin na lang kita para sabay na tayo kila tita bukas?" tanong nito. Nabigla naman ako sa pag offer niya. "Ah, sige ite-text ko na lang sa'yo malapit lang naman yung village namin sa may park." sagot ko naman dito tapos nagpaalam lang and binaba na yung call. "Ibang klase sissums!" Pasigaw na sabi nito habang naghihiwa ng sibuyas. "Why? anong trip mo?" Nagtatakang tanong ko naman dito. "Wala, grabe naman kasi sa dami ng park dun pa kayo nag kita? at bakit ka naman niya tutulungan mag hanap ng trabaho take note ni recommend ka pa sa tita niya." Napaisip naman ako bigla. "Ano ka ba mabait lang talaga yung tao." sagot ko naman dito tapos nagpatuloy na sa pagluluto. After namin kumain umakyat na ako sa kwarto. Hinanda ko na lahat ng gagamitin bukas. Like mga papers na kailangan kong dalhin maya-maya lang nag ring yung cellphone ko pagtingin ko si mommy pala. Ano na naman kayang meron? "Hello, Where are you nandito kami sa airport pwede mo ba kaming sunduin? Kuhanin mo sa bahay yung kotse." sabi nito pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag niya. What?! airport. "Mommy hindi ako nag da-drive! Ano bang ginagawa niyo bakit umuwi kayo?" Naiiritang tanong ko dito. "Sunduin mo na muna kami we can talk later." Kalmadong sagot naman nito sa kabilang linya. "Okay fine wait for me." Ibababa ko na sana yung call bigla naman siyang nagsalita. "Take care anak, I love you!" anak? take care? I love you? just wow like totoo ba yan? Binaba ko na yung tawag and pinuntahan ko si sissums sa room niya. "Sissssssy! Samahan mo ko," Nagpapa-cute na sabi ko dito. "Saan na naman?" tanong naman nito. "Sa airport, Susunduin natin sila mommy ayokong umuwi sa bahay para lang kuhanin yung sasakyan." Nagulat naman 'tong napatingin sa akin. "Sila mommy mo, seriously?" Gulat na gulat talaga siya tumango naman ako. "Yes kaya tara na." nag-ayos lang 'to then umalis na kami ng bahay. Papunta na kami sa airport ng biglang nagtanong si sissy. "Dun sa bahay niyo ka na ba mag stay?" tanong nito habang nag da-drive. "Hindi dun pa din ako sayo, Ihahatid lang natin sila sa bahay." sagot ko dito bigla namang sumama yung tingin niya sakin. "Sissums, hindi kaya ito na yung right time for you na maging ayos kayo ng parents mo?" Napaisip naman ako bigla. "Hindi ko alam, hindi ko talaga alam kung magiging okay pa ba kami." Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit sila umuwi nasanay na naman ako na wala sila. Pagkadating namin sa airport hinanap ko agad sila mommy. "Princess! Anak!" Napatingin ako sa likod nang biglang sumigaw si daddy. Lumapit naman sila sa amin sabay yakap. "Ang laki muna ang ganda ganda mo." Sabi ni daddy habang nakahawak sa mukha ko. Well malaki na talaga ko hindi niyo naman kasi ako nakitang lumaki. Gustong gusto ko sabihin 'yon sa kanila pero ngumiti na lang ako. "Hi titaaaaa! hi titoooo!" Pasigaw na sabi ni Sissums Daniel kila mommy and daddy sabay bumeso sa mga to natawa naman sila mommy. "Let's go ihahatid na po namin kayo sa bahay." biglang sabat ko sa eksena nila. "Ihahatid, hindi ka dun mag stay? Pwede naman kayo mag stay dun ng bestfriend mo." Nakangiting sabi ni daddy. Naramdaman ko naman na siniko ako ni sissums. "Yes tito dun kami mag stay ihahatid lang namin kayo then uuwi kami para kumuwa ng gamit." Nagulat naman ako sa sinabi ni sissums. Tinaasan ko 'to ng kilay pero binigyan niya ko ng 'Sumakay ka na lang look' kaya wala na kong nagawa. Lumabas na kami ng airport tapos nilagay na sasakyan yung mga luggage nila. Buong byahe napakatahimik ayokong mag salita hindi ko alam kung anong mangyayari. Hindi ako sanay na nandito sila mommy. Maya-maya biglang tumunog yung cellphone ko. Napatingin tuloy sila sa akin. "Hello, Stacey?" oh! it's Damien. "Yes? Bakit ka napatawag?" tanong ko. "Ano kasi hindi mo pa na-tetext yung address mo para bukas." Nahihiyang sabi nito. "Ay! I'm sorry omg nakalimutan ko ang dami kasing nangyari pero sige i-tetext ko na sa'yo." sagot ko naman dito. "Sige 8am tommorow susunduin kita okay? Magpaalam ka na din sa boyfriend mo." Natatawa ko pero pinipigilan ko. So iniisip niya talaga na boyfriend ko si sissums? "Sure, i'll text you the address I’ll see you tommorow." Paalam ko dito. "Yes, i'll see you tommorow." Binaba ko na yung call. Pagkalagay ko nang cellphone sa bag ko biglang nag salita si mommy. "Anak sino yun?" Napa-isip ako kung sasabihin ko ba na nag hahanap ako ng trabaho. "Si Damien po kaibigan ko." sagot ko dito. Nakita ko namang nanliit yung mata ni daddy. "A friend huh?" Biglang tanong nito napatango na lang ako pagkadating sa bahay binaba lang namin sila mommy and yung luggage nila. "Go ahead kunin niyo na yung mga gamit niyo. Ipagluluto ko kayo ng dinner." Napatango na lang ako kay mommy. Hindi ko talaga alam bakit nagkaka-ganyan sila, guilty ba sila dahil iniwan nila 'ko? hays. Habang nag da-drive si sissums pauwi sa bahay niya ang sama ng tingin ko dito. "Hoy h'wag mo akong tignan ng ganyan. Ginawa ko lang yun para makapag bonding ka with your parents and isa pa nag sasawa na ako sa view ng bahay ko." Pagpapaliwanag nito hindi ko na lang ito pinansin. "Alam mo ba sissy iniisip ni Damien na boyfriend kita?" Pag-iiba ko sa usapan. "Talaga?" Natatawang tanong nito parang may naiisip na kalokohan. "Oo, Susunduin niya kasi ako bukas sabi mag paalam daw ako sa boyfriend ko." Natatawang tinignan naman ako nito. "May something ba kayo? Bakit kailangan ka pang sunduin." biglang tanong nito. "Wala h'wag ka nga mag-isip ng kung ano-ano." Tinaasan lang ako nito ng kilay. "Kilala kita sissums,"hindi ko na naman na siya natanong kung anong ibig sabihin niya dahil nakadating na kami sa bahay. Napapaisip pa din ako kung bakit nga kaya pinagkamalan ni Damien na boyfriend ko si sissums. Kasi naman lalaki pa din kasi manamit si sissums pero mas babae pa sakin 'yan. Natawa na lang ako sa naisip ko. Inayos lang namin yung mga gamit na dadalhin namin konti lang yung pinack ko dahil wala naman akong plano mag tagal dun. "Ready ka na?" biglang sulpot ni sissy sa likudan ko. "Gurl, chance mo na ‘to makipag bonding with your parents bihira lang to mangyari 'di ba?" seryosong tanong nito tinanguan ko na lang ito. "Kaya nga sasama ako sa'yo susuportahan kita" Niyakap niya ako bigla. "Salamat sissums alam kong hindi mo ako iiwan." sabi ko dito tapos lumabas na kami ng bahay at nag drive pabalik sa bahay ng parents ko. Pagkadating namin sa bahay ng parents ko naka ready na yung mga food. Inaya na nila kami sa dining table, Pagkakita ko sa mga pagkain halos favorite ko lahat ng nandoon. Nagsimula na kaming kumain. "Anak, bukas ng umaga gusto ko sanang mag bonding tayong apat para makasama ka namin." biglang sabi ni mommy kaya nagulat ako. "Hindi po ako pwede aalis po ako." Napatingin naman sa akin sila mommy at daddy si sissums naman tinanguan lang ako. "Anak saan ka pupunta?" seryosong tanong ni daddy. ANAK wow. Naibulong ko sa utak ko. "May pupuntahan po akong coffee shop bukas." Nagulat naman sila sa sinagot ko. "Coffee shop, bakit?" tanong ni daddy. "Mag aapply for work po" Naibaba ni daddy yung baso na hawak niya dahil sa gulat doon sa sinabi ko. "Work for what? Hindi mo kailangang mag trabaho may allowance ka naman every month." Parang nagagalit na sabi ni mommy sa akin. "Nakapag desisyon na po ako hindi ko po gagamitin yung allowance na ibinibigay niyo." Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. "Anak? kaya nga kami nag ta-trabaho para gumanda yung buhay mo." seryosong sabi ni daddy. "Kaya nakalimutan niyong may anak kayo?" Nabigla naman sila sa sinabi ko. "Anak, kaya nga kami nandito kasi babawi kami ng mommy mo." sagot naman ni daddy. "Sana po noon pa sanay na din kasi akong walang magulang excuse me po pupunta na ako sa room maaga pa ako bukas." Tumayo na ako sabay diretso sa room. Buti pa si sissums wala na siyang family pero masaya siya eh ako may family pero hindi ako masaya. Hindi ko namalayan naka tulog na pala ako kakaisip. Nagising ako or should i say ginising ako ni mommy. "Anak daliaan mo nandyan na yung kaibigan mo inaantay ka tapos si Daniel umalis na pupunta daw sa auntie niya." sabi ni mommy habang inaayos yung damit ko. Nagulat ako kasi inayos na niya yung mga gagamitin ko. "Anong oras na po ba?" tanong ko naman dito. "8:15 na." Tinignan naman ni mommy yung cellphone niya para siguraduhin yung oras. "8:15 eh 8 am usapan namin ni Damien." Nagmamadali akong tumakbo sa CR. Nadinig ko naman si mommy na tumawa bago lumabas ng room. Shocks! Nakakahiya kay Damien. Nagmamadali tuloy akong maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ko nag suot lang ako ng plain white na croptop and jeans tapos white sneakers. Nagmamadali akong bumaba nagulat ako ng maabutan ko sila sa dining table kumakain ng breakfast. Damien's POV Nagmamadaling bumaba si Stacey. Nagulat ata siya ng makitang nag be-breakfast ako with her parents. Ang dami na naming napagkwentuhan ng parents niya including yung nasaksihan ko na pagpapalayas. "Anak mag breakfast ka na muna." Inaya si Stacey ng mommy niya mag breakfast. "Ah hindi na po late na din po kasi kami ni Damien." Parang nag-aalala na sabi nito sabay tingin sa'kin. "No it's fine. Okay lang mag breakfast ka muna tapos aalis na tayo." Pag a-assure ko naman dito kaya wala na siyang nagawa umupo na siya then kumain. Pagkatapos kumain nagpaalam na kami sa parents niya. Sumakay na kami sa sasakyan papuntang coffee shop. Habang nag d-drive naisip kong tanungin si Stacey. "Bakit mo pa kailangan ng work?" Napatingin naman siya sakin. "Hindi kami okay ng parents ko ayokong umasa sa kanila." Oh that's why. Sabi ko sa utak ko. "Sorry to hear that." Ngumiti naman ito. "It's fine." Hindi na ako naka sagot dahil kapag nakangiti ito parang minamagnet na naman ako ng mga mata niya. Pagkadating namin sa coffee shop nandun na si tita. "Hi Damien, Siya ba yung sinasabi mo na mag-aapply?" tanong ni tita sabay tingin kay Stacey. Tumango naman ako sabay beso si Stacey naman parang nagugulat na hindi ko maintindihan. "Ang laki muna mas lalo kang gumanda iha." sabi ni tita sabay yakap kay Stacey. "Tita nice to see you again po." Sabay yakap din ni stacey "Pupunta nga dapat ako sa inyo ngayon dadalawin ko si mommy mo kaso inaantay ko si damien dahil may ipapasok daw siya na friend niya." Wait magkakilala sila ni tita? "Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanila. "Bestfriend siya ni mommy." sagot naman ni stacey. "Pwede ka na mag start bukas Stacey." sabi naman ni tita kaya napayakap ulit sa kanya si Stacey. "Thank you so much tita!" Tuwang-tuwa na sabi ni Stacey. Napangiti na lang ako. "Oh siya sige na may aayusin pa ako para matapos agad at mabisita ko si mommy mo." Nagpaalam lang si tita sa'min and pumasok na sa office niya. Napatingin ako kay stacey ang saya-saya niya. "Tita mo pala si tita jennie." biglang sabi nito. "Yes magkakilala pala kayo." Ngumiti lang siya. "Damien, Thank you ah." Napatingin ako sa mga mata niya. Nakangiti nga siya pero malungkot pa din yung mga mata niya, Hinatak ko siya palabas ng coffee shop. "Huy! Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong nito. "Sa favorite park ko may masarap na ice cream dun dali." Napangiti naman siya. Pinagbukas ko siya ng pinto ng kotse para makasakay siya. Pagdating namin sa park hinatak ko agad siya kay manong ice cream. "Hi manong dalawa nga nung lagi kong binibili." Ngumiti naman si manong at nag-prepare ng order namin. "Sir ngayon na lang ulit kita nakita ah?" tanong ni manong. "Busy lang kuya." sagot ko naman dito bigla naman itong napatingin kay stacey. "Girlfriend niyo sir?" tanong nito sabay abot ng ice cream kay Stacey. "Hindi po kaibigan niya po ako." sagot naman sa kan'ya ni Stacey sabay kain ng ice cream. Nagbayad lang ako then umupo kami sa may swing. Nakita ko si stacey nakatingin sa isang family na naglalaro "Alam mo ba hindi ko naranasan mag laro sa park kasama yung parents ko lagi silang nasa abroad." seryosong sabi nito. "Hey, Cheer up we can play if you want to." Pag cheerup ko dito. Tumayo ako sabay punta sa likod niya at tinulak ko yung swing para maduyan siya natawa naman 'to. "Ganyan dapat masaya ka lang lagi." sabi ko dito pero nginitian lang niya ako. Naglaro lang kami sa swing, siso and iba pa para kaming mga bata na nag-eenjoy sa park. "One month na lang pasukan na no?" tanong nito habang papunta kami sa sasakyan. "Oo nga back to school na naman." sagot ko naman dito. "Damien, Thank you sinama mo ko dito ngayon lang ata ako sumaya ulit pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata." Nakangiting sabi nito. "Wala 'yon tara na ihahatid na kita sa inyo." sabi ko naman dito sabay ngiti tumango lang siya sabay ngiti kaya nag drive na ako papunta sa kanila. "Damien gustuhin man kitang ayain sa loob kaso wala ata sila mommy ayoko naman magpapasok ng lalaki ng wala sila ni daddy." Humanga ako sa sinabi niya. "Okay lang ano ka ba baka nagkita sila ni tita?" Tumango naman to. "Baka nga, Salamat ulit sa pag hatid." Pagpapasalamat ulit nito. "Ano ka ba kanina ka pa nagpapasalamat okay lang yun sige na pumasok ka na. " Ngumiti ito tapos nag paalam na pagkapasok niya sa bahay nila umuwi na ako. Habang nag-dadrive pauwi inisip ko yung sa park kanina ibang klaseng babae kakaiba siya natuwa din ako masaya siyang kasama. Sana may next time pa. Huminto ako sa gilid and nag text kay Stacey. 'Thank you for today Stacey ngiti lang lagi' sent. Nagpatuloy na ko sa pagmamaneho pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD