C H A P T E R 0 1

2404 Words
Damien's POV Naglalakad lang ako sa may village nila tita since nandito kami para sa birthday ng cousin ko habang naglalakad napatingin ako sa isang bahay kasi may isang babae dun na parang pinapalayas iyak ng iyak yung babae habang pinupukol sa kanya lahat ng mga gamit at damit niya. "Pwede ba matanda ka na 'di ba? tapos na ang responsibilidad ko sa'yo, masyado ka ng pabigat!" Sigaw ng babae sa kanya. Mas lalong lumakas ang iyak ng babae, sa tingin ko parang kamag-anak siguro niya ang nagpapalayas sa kanya. "Tita parang awa mo na po kahit ngayong gabi lang bukas na bukas aalis na ako, Pangako hayaan niyo lang ako makahanap ng bahay na malilipatan" Pagmamakaawa nito. Tita niya yun? bakit siya pinapaalis? Nagulat ako kasi bigla na lang siyang tinulak ng tita niya. Tutulungan ko sana kaso may biglang dumating na sasakyan bumaba ang lalaki at tinulungan siya. Pinulot lahat ng gamit niya at inilagay sa sasakyan, Boyfriend niya siguro. Bigla namang napatingin yung babae sa'kin bago siya sumakay sa kotse. Nagulat ako kaya napaiwas ako ng tingin, magang maga yung mata niya. Sana okay lang siya. Stacey's POV Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Iniisip ko pa din lahat ng sinabi sa'kin ni tita. Masyado na 'kong naging pabigat kaya sinukuan niya na ako, bata palang ako siya na yung nag aalaga sa'kin. Sa kan'ya ako iniwan ng parents ko, speaking of my parents. Mag-iisang taon na siguro nang huli ko silang makausap. Hindi naman sila nag kulang. Pinapadalhan nila ako monthly pero hindi naman ito about lang sa pera. Kailangan ko ng presence ng magulang, kailangan ko ng alaga ng isang ina at ama. Buti pa nga si tita. Nakuwa niya akong alagaan at bantayan. Hindi naman laging pera lang ang mahalaga, mas mahalaga ang pagmamahal at alaga ng magulang. Aanhin mo ang pera kung hindi ka masaya. Natawa na lang ako sa naisip ko. "Are you okay?" tanong ni Daniel hindi ko na napansin na umiiyak na naman pala ako. Napapunas ako bigla ng luha sabay tango sa kan'ya. "Sissums, ano ka ba! Kayang-kaya mo mabuhay mag-isa may monthly allowance ka from your parents. Duh!" maarteng sabi nito sa akin. "Simula ngayon hindi ko na gagalawin yung pera na binibigay nila. Hindi naman pera yung kailangan ko ang kailangan ko pagmamahal na galing sa kanila ni hindi nga nila magawang kamustahin ako." Napahinga ako ng malalim. "Kapag may sakit ako hinahanap ko lagi yung pag-aalaga ni mommy pero ano? Busy sila sa states! Kaya isang taon na nila kong hindi nakakamusta? Ano 'to puro pera na lang." Pinipilit kong tumawa pero bumabagsak pa din yung mga luha ko. Naalala ko yung araw na iniwan nila ko kay tita. "Gaga, Mahirap nag-aaral ka. Anong ipang-aaral mo? Kung hindi mo gagamitin yung perang binibigay nila." Napaisip naman ako sa tanong ni Daniel. "Maghahanap ako ng trabaho." Tinignan ako nito ng masama. "If i know kaya ka nga napalayas dahil tamad ka sa gawaing bahay! Hindi ka marunong mag walis. Anong trabaho ang papasukan mo?" tanong nito sa'kin. Well, Totoo naman hindi talaga ko kumikilos sa bahay ayoko talaga ng mga gawaing bahay lalo na ang paghuhugas ng pinggan! Speaking of pinalayas biglang pumasok sa isip ko yung lalaki kanina nakakahiya nakita niya kung paano ko napalayas. "Sa bahay ka muna tumira wala pa naman yung pinsan ko na kasama ko sa bahay." Biglang sabi nito sa akin. "Omg! Thankyou so much sissums, Iloveyou so much!" Napayakap ako dito. Nandidiri naman 'tong pinaalis ako kaya tinawanan ko lang siya. "Ano ka ba?! Kadiri ah at tsaka tigilan mo ako sa yakap-yakap mo na yan kung ayaw mong wala pa tayo sa bahay palayasin na kita." sabi nito sabay paandar sa sasakyan. "Harsh mo vaklang toh!" Natatawang sabi ko dito. Sinamaan lang niya ko ng tingin. "Alam mo naman palang bakla ako! Payakap yakap ka pa d'yan. Nakakadiri ka gurl!" Umarte pa to na parang nasusuka. Tinawanan ko na lang siya. Buti na lang may bestfriend ako na laging nandyan lagi. Sa totoo lang sa buong buhay ko siya lang ang naging pamilya ko alam niya lahat ng ka-dramahan ko sa buhay. Pagkadating namin sa bahay niya inayos lang namin yung mga gamit ko. Tapos pumunta na kami sa restaurant para kumain dahil walang food sa house niya. "Sissums final na ba? Hindi mo na talaga gagamitin yung money na binibigay ng parents mo?" tanong nito sa'kin after namin mag-order. "Yes pero siyempre yung for this month gagamitin ko muna para makapag hanap ako ng work." Naintindihan naman niya ako agad. Kumain na lang kami habang lutang pa din ako. Maya-maya nag paalam siya na mag cr muna kaya naiwan ako mag-isa. Biglang nag-ring yung phone ko. Nakita ko na si mommy yung tumatawag. Saglit ko pang tinitigan yung screen bago ko sinagot to make sure na siya yun. "Hello, anak!" bungad nito pagkasagot na pagkasagot ko. "Yes? What do you need?" Sagot ko dito. Narinig ko pa na napabuntong hininga siya, I'm so sorry mommy. "Wala ka na daw kila tita mo. Where are you?" Nasa pamilya ko sa bestfriend ko. Gustong gusto ko isagot sa kan'ya yan. Naiiyak na naman ako. "Yes. Napagod na din siyang alagaan ako, parang kayo ni daddy. Anyways may kailangan ka pa?" sagot ko dito. Narinig ko na nag-salita si daddy. "Princess, uuwi kami ng mommy mo wait for us okay?" Isang taon na kong nag hihintay sa inyo lagi niyo kong binibigo. Binabaan ko na sila. Nadinig ko na nag iloveyou pa sila ni mommy bago ko ibaba. Mahal ko din kayo pero pagod na akong umasa na maayos pa and pamilya natin. Princess? Naalala ko na princess ang tawag sakin ni daddy. Ako daw yung prinsesa at kaisa-isang anak niya. Isa na nga lang ako hindi pa nila ko maalagaan. "Umiiyak ka na naman." May biglang nagsalita sa may likudan ko. Napalingon naman ako dito. Inilapag niya yung panyo niya sa table. Tinitigan ko ito ng maayos siya yung lalaki dun sa village nila tita nakita ko siya nung pinalayas ako. "Hindi ko kailangan yan. Thank you!" sabi ko sa kan'ya sabay abot nung panyo pero hindi niya ako pinakinggan. Inilagay niya sa kamay ko yung panyo nahihiya man tinanggap ko na lang. "Thank you." Ngumiti naman 'to. "You're welcome. Huwag ka ng umiyak. Nandiyan na yung boyfriend mo." sabi nito sabay tingin kay sissums Daniel na kakalabas pa lang ng CR. Magsasalita pa lang ako para sana sabihin dito na hindi ko yun boyfriend kaso bigla na lang 'tong nawala. "Ehem! Sino yun?" Mapanuksong tanong ni Daniel pagkabalik niya sa table namin. Ngumiti ito ng nakakaloko. "Hindi ko alam bigla na lang lumapit. Iniabot yung panyo niya umiyak kasi ako tumawag si mommy." pagpapaliwanag ko dito habang nakatingin sa hawak kong panyo. "I see, are you ok?" Nag-aalalang tanong nito. Tinanguan ko lang siya. "Ano pa nga ba? Sanayan na lang sis" Pinilit ko na tumawa pero kahit pekeng tawa hindi ko na magawa. "Ano ang sabi sayo?" Interesadong tanong nito sa'kin "Uuwi daw sila." Tipid na sagot ko dito. Nahinto kami sa kwentuhan dahil dumating na yung iba pang pagkain. "Bakla ka ng taon." Nahinto ako sa pagkain ng biglang bumulong si Daniel. "Ha?" Nag-tatakang tanong ko dito. Nginuso naman niya yung sa likudan ko tapos tumaas yung kilay niya. Napatingin ako sa likod ko nagulat ako ng makita ko yung lalaki na nag-abot ng panyo kanina. Bigla ko namang kinuwa yung panyo at iniabot ko dito kaso binalik sa'kin. "Kuhanin mo na 'yan" Seryosong sabi nito sabay tingin kay sissums. "Next time h'wag mong papaiyakin yung girlfriend mo." sabi nito sabay walkout si sissums naman gulat na gulat. "Girlfriend?! Bulag ba yun!?" Naiinis na sabi ni Daniel. Tawa ako ng tawa kasi inis na nakatingin siya sa nilakadan nung lalaki. Natawa na lang rin siya bandang huli. "Hi babe!" Pang-aasar ko dito sabay hawak sa kamay niya. Iritang tumingin naman ito sa'kin. "Tigil-tigilan mo nakakadiri ka hoy! Impernes ah gwapo si Mr. Panyo!" sabi nito na parang kinikilig kilig pa. "Mr. Panyo? Ang korni naman non." sabi ko dito. Pinahiram lang ako ng panyo ginawa ng nickname ni bakla. Tinapos lang namin yung pagkain tapos umuwi na kami sa bahay. "Sissums, Paano pag umuwi parents mo? Mag stay ka ba sa bahay niyo?" tanong ni Daniel sa akin. "Sis kung gusto ko na tumira dun edi sana nandun ako ngayon wala dito." Inirapan naman ako nito. "Ugh! attitude." Bulong nito sabay irap "Nadinig kita. Vaklang to!" Inirapan ko din ito sabay tingin ulit sa laptop ko. I need to find a job. Stress na stress akong naghahanap sa internet ng work. "Sis? Hoy sissy." Pangungulit sa'kin ni Daniel. "Ano? I'm busy." Hindi ko pa din inaalis yung paningin ko sa laptop. "Kailan tayo mamimili ng school supplies? Pasukan na next month." tanong nito habang naglalagay ng face mask. "Hindi ko alam matagal pa naman yun." sagot ko naman dito. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko ata mapapanindigan na hindi gamitin yung pera na pinapadala ng parents ko. Nakakapagod ang mga nangyare ngayong araw kaya naisipan ko na mag pahinga na ng maaga at matulog na pero kahit anong pikit ang gawin ko hindi ako maka-tulog. Nakahiga lang ako sa kwarto. Iniisip ko lahat ng nangyari ng biglang pumasok sa isip ko yung panyo. Agad ko 'tong hinanap sa bag ko. Naalala ko tuloy nung nakita ko siya kanina malapit sa bahay ni tita nagulat pa nga ata siya nung mapa-tingin ako sa kanya. Mas nagulat ako nung makita ko siya sa restaurant at pinahiram niya ako ng panyo niya. Damien's POV Hindi ko talaga maintindihan. Kinuha niya yung Girlfriend niya nung pinalayas ng ito ng tita niya tapos makikita ko na umiiyak lang. Hindi ko din alam kung bakit ako napadpad sa restaurant na yun kahapon. Nagulat na lang rin ako ng makita ko itong umiiyak kaya nilapitan ko at pinahiram ko ng panyo. "s**t! Ayoko talaga kasing nakakakita ng babae na umiiyak." nasabi ko na lang sa sarili ko. Kagabi hindi ako nakatulog ng maayos kasi naaalala ko yung mata niya. Kapag nakita mo kasi yung mga mata niya para kang hinahatak na titigan 'yon. Napaka-amo ng mukha niya. Naisipan ko na mag jogging na lang kesa mag-isip ng kung ano-ano. Naligo lang ako tapos nagbihis ng pang takbo at pumunta na ako sa park sa may labas ng village. Ang daming tao sa park since bakasyon pa at wala pang pasok ang mga bata. Nalilibang talaga ako kapag nakakakita ko ng bata na naglalaro sa park pero may biglang naka agaw ng atensyon ko. Tinitigan ko pa itong mabuti pero hindi ako nagkamali s'ya yung babae kahapon na nakita ko sa village nita tita at sa restaurant na umiiyak. Nakaupo lang siya sa may tabi ng milktea shop dito kasi sa park madaming food stand. Nakita ko nakaupo siya dun mag-isa nakaharap sa laptop niya. Ang aga-aga milktea agad yung hawak niya. Nasaan yung boyfriend niya? Hindi siya inaalagaan ng mabuti. Lumapit ako sa may milktea stand. Nag-order ako pagkatapos tumabi ako dun sa table na inuupuan niya kaya napalingon siya dito. "Uhm... hello?" Nahihiyang bati nito kaya nilapitan ko. "Hi, Kamusta ikaw lang mag isa? Nasaan yung boyfriend mo?" tanong ko dito. Sinarado naman niya yung laptop niya bago siya humarap sa'kin. "Ah, ano..Busy kasi siya today." sagot nito na parang natatawa pero pinipigilan niya. "Sorry hindi ko nadala yung panyo mo hindi ko naman inaasahan na magkikita tayo." sabi pa nito. "Okay lang anong ginagawa mo dyan?" tanong ko dito sabay tingin sa laptop niya. "Naghahanap kasi ako ng work." sabi nito. Wala sa sariling napatingin ako dito mukhang mayaman naman siya. Bakit kailangan niya ng work? Naalala ko bigla na pinalayas nga pala siya ng tita niya. "May alam ako yung tita ko may coffee shop siya baka gusto mo? Naghahanap siya ng mga tao" Alok ko dito hindi ko din alam bakit nag offer ako. Napatingin ako dito biglang lumiwanag ang mukha niya. "Talaga totoo ba yan?!" Natutuwang tanong nito. "Oo nga wait tatawagan ko lang." Paalam ko dito sabay layo kasi tatawagan ko si tita. Ang alam ko hindi sila hiring. Sinabi ko lang na hiring kasi gusto ka siyang tulungan. "Hello tita?" Sinagot niya buti na lang. "Yes Damien, What can i do for you?" sagot nito sa kabilang linya. "Tita hiring kaba sa coffee shop mo?" tanong ko sa kanya. Natahimik naman ito bigla. "Hindi naman Damien bakit?" Napailing ako at nag-isip ng dahilan. "Ah.. tita may friend kasi ako naghahanap siya ng work baka lang pwede siya d'yan? Please tita para sa pinaka gwapo mong pamangkin please please ple--" Nahinto yung pang uuto ko dito ng mag salita ito. "Oo na sige na papuntahin mo dito bukas okay umaga para nandito ako." sabi nito napangiti naman ako. "Yes tita noted thankyou so much take care." Binaba ko na yung call tapos naka ngiti na lumapit sa kanya. "Tommorow morning sasamahan kita kila tita." sabi ko dito napatayo naman to sa excitement. "Omg! Thankyou so much!" Biglang yakap nito sakin hindi naman ako nakagalaw. Napabitiw din naman siya bigla. "Ugh! Im sorry na excite lang." Nahihiyang sabi nito sabay yuko. "It's okay by the way I'm Damien." Sabay abot ng kamay ko dito. "I'm Stacey, Nice to meet you Damien." Sabay ngiti nito ng matamis damn! Ang ganda ng ngiti niya. "Ah dito na lang tayo magkita bukas? " tanong nito kinuwa ko naman yung phone ko sabay abot dito. "Lagay mo yung number mo para ma-contact kita." Kinuha naman nito sabay type ng number niya. "I really need to go Damien, Thankyou so much sa help mo sobrang thankyou talaga." Tuwang-tuwa na sabi nito. "You're welcome Stacey." sagot ko dito. Napaisip naman to bigla. "Ibabalik ko tommorow yung panyo mo." sabi nito tapos nagpaalam na. Napansin ko na nagmamadali siya baka mag kikita na sila ng boyfriend niya. Maya-maya pa huminto siya sabay sigaw sa'kin. "Damien, Text me okay?" Sabay kaway palayo napailing na lang ako kasi lahat ng tao sa park napatingin sa kan'ya. Sabi ko kanina mag-jojogging lang ako. Bakit ba lagi kong nakikita yung babae na yun? Maya-maya umuwi na din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD