Stacey's POV Nagising ako sa tawag ni Sissy dahil sasama nga siya sa amin at siya ang magmamaneho ay sinabihan ako nito na magkita na lang kami sa coffee shop nila tita jennie. Naligo lang ako at nagayos ng mga dadalhin ko para sa biyahe namin for sure magiging masaya 'to dahil madami kami. Palabas na sana ako ng kuwarto kaso biglang may kumatok nakita ko si Mommy na nasa may pintuan ko. "Nandiyan na si Damien susunduin ka daw niya." Nakangiting sabi nito sabay yakap sa akin. Bumaba na kami at naabutan ko nga si Damien na nasa Sala. "Bago kayo umalis kukunin ko muna yung hinanda ko na mga pagkain para sa inyo." sabi ni Mommy sabay pasok sa kusina. "Good morning." Nakangiting bati ni Damien. "Sabi ko naman sayo h'wag mo na ako sunduin eh." pagsusungit ko dito. "Kung hindi kita sinundo

