"Nandito na tayo." Masayang sabi ni Mang Lito. Nagising naman na ang mga nakatulog na sila Cherry at Laurent at nagbabaan na sila sa sasakyan. "Sissy gisingin mo na si Damien." utos sa akin ni Sissy. "Bakit ako?!" reklamo ko dito. "Baka kasi nananapak 'yan kapag ginigising." tugon nito sabay ngiti ng nangaasar. "Kapag nakita non na ikaw ang gumising sa kan'ya ay imbis na ma-inis ay matutuwa iyon." dugtog pa nito. "Ayoko ikaw na ang gumising" pagmamatigas ko. "Dalian mo na huwag na mag inarte." utos nito sabay baba na ng sasakyan. Wala akong nagawa kaya lumipat ako malapit sa upuan ni Damien. "Damien nandito na tayo." bulong ko dito. Nagulat ako ng biglang dumilat ito. "Tayo?" Nakatulala lang ako dito dahil bukod sa napakaguwapo niya nung pagdilat sinabayan pa ng boses niya ngayon. "A

