Stacey's POV Nagsimula na kaming maligo sa pool, "Sissssssy!" nagulat ako sa biglang sigaw sa akin ni Daniel. "Ano? ang ingay-ingay mo." pagsusungit ko sa kanya. "Ay, attitude ka gurl?" natatawang tanong nito. Tumayo ako at umahon sa pool, "Sissy sundan mo ako." bulong ko sa kanya. Dumiretso ako roon sa may bench at naupo. "Anong ganap mo?" nagtatakang tanong nito. "Parang ayoko na sumama sa Cebu." diretsong sabi ko rito. "Ano?!" napataas ang boses na tanong niya sa akin. "Bakit naman?" dagdag pa niya. "Hindi ko rin alam eh, hindi ko alam kung tinatamad lang ba ako or what." pagpapaliwanag ko, natawa naman siya sa sinabi ko. "Tinatamad ka lang gurl," sagot nito. "Sumama ka na bukas na kaya 'yon." pangungumbinsi nito sa akin. Napatingin ako sa may gate ng may biglang nag doorbell

