Damien's POV Nasa sasakyan kami ng biglang magsalita si Daniel, "Bakit kaya hindi na lang tayo mag sleep over tonight." Napatingin naman kami sa kanya. "Oo nga since maaga naman tayo bukas." sagot naman ni Cherry bigla naman ako napa-isip naman ako sa sinabi nila. "Saan naman tayo?" tanong ko sa kanila. "Tawagan muna natin si Stacey kaya if puwede siya." sabi ni Daniel. Nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho papuntang bahay nila Cherry, "Huy guys okay daw si Stacey sa sleep over!" tuwang-tuwa na sabi ni Daniel. "Saan tayo?" tanong ni Laurent. "Sa hotel na lang na malapit sa airport." sagot naman ni Cherry sa kanya. "Ganito na lang, pupunta tayo sa bahay niyo Cherry para ihatid ka tapos kumuha ka na ng gamit mo then kila Daniel naman tayo." paliwanag ko sa kanila. "Oo nga ganon na

