Damien's POV Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko sila Daniel at Laurent na naguusap. "Nagisa ka ba?" natatawang tanong ni Daniel. "Hindi nga akalain mo 'yon." pagtawa ko dito. "Bro pasensya ka na hindi ko naman alam na Daddy ni Stacey 'yon." sabi ni Laurent. "Ayos lang 'yon atleast nakapag paalam na ako." Nagumpisa na kaming magplano kung paano ang gagawin. "Ang sabi sa akin ni tita jennie ay yung rest house na tutuluyan natin sa Cebu ay mayroong fake beach sa likod at maliit na pool." sabi ni Daniel. "Anong fake beach"? nalilitong tanong sa kaniya ni Laurent. "Fake, artificial, man made!" maarteng sagot ni Daniel. "Ano ba ang gusto ni Stacey at ang mga ayaw niya?" tanong ko kay Daniel dahil siya ang bestfriend nito. "Simple lang naman si Stacey ayaw niya nga ng bongga eh."

