Stacey's POV Pagkapasok ko ng kuwarto ay ramdam na ramdam ko ang biglang p*******t ng puson ko. 'Mukhang alam ko na kung bakit ang lakas ng toyo ko ngayong araw.' bulong ko sa isip ko. Pumunta agad ako ng banyo para tignan kung tama ba ang hinala ko at hindi nga ako nagkamali dumating na ang kinaiinisan ko kada buwan. Naligo agad ako upang mawala yung inis ko at habang naliligo nag crave ako bigla ng mangga na maanghang ganito talaga ako kapag may period kung ano ano ang gusto ko kainin daig ko pa yung buntis. Paglabas ko ng banyo ay kinuha ko yung cellphone ko para tawagan si Daddy. "Hello, anak?" sagot nito. "Daddy, Where are you?" tanong ko dito. "Nasa office may meeting kasi kami, bakit?" tanong nito. "Never mind ingat ka sa paguwi Daddy." sagot ko na lang sa kaniya. "Are you su

