Stacey's POV Pagkalabas namin sa may Garden ay umupo lang kami sa may coffee table na naroon. "Stacey, salamat." bulong ni Damien kaya naman napatingin ako sa kan'ya. "Salamat saan?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya. "Salamat sa pagiging crayons mo." nakangiting sagot nito. "Anong ibig mng sabihin?" tanong ko ulit sa kanya. "Salamat sa paglagay ng kulay sa buhay ko." seryosong sabi nito habang nakatingin sa akin. "Teka nga," inamoy ko pa ito. "Anong ginagawa mo?" tanong nito. "Hindi ka naman uminom ng wine." sabi ko sa kanya. "H'wag mo ngang ibahin yung topic natin." sabi nito sa akin. "Hindi ko lang kasi alam kung anong isasagot ko sa sinabi mo." nakangusong sagot ko sa kanya. "Edi isagot mo na..." paguumpisa nito, "Salamat din dahil binigyan mo rin ng kumay ang buhay ko.

