Mabilis siyang tumawag sa aking cellphone pagka-send ko ng aking chat sa kaniya. Bigla tuloy lumundag ang puso ko dahil sa kaba at sa hindi naipaliwanag na saya. Kaya naman pinilit kong huminga nang malalim at napainom ng tubig nang wala sa oras. Pagkasagot ko ng tawag ay bumungad ang kaniyang mukha na seryoso. Makikita rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalala na mas lalong nagpalundag ng aking puso. “Why?” maikli ngunit seryoso niyang tanong sa akin. Nabigla naman ako nang magsimulang lumabo ang aking mga mata dahil sa ilang araw na lumipas, narinig ko muli ang kaniyang boses. Iba pala talaga kapag naririnig mo ang boses ng taong mahal mo. Nagdudulot iyon ng saya at kirot. Bigla naman akong napahikbi at kaagad na ibinaba ang aking cellphone para punasan ang aking pisngi dahil nami-mi

