Pag Asa ( Tagalog )
Narrator: Sa bayan ng San Carlos, doon namasukan bilang katulong sa parlor si Bianca. Bata pa lang kasi
siya,namatay na ang kanyang ina sa sakit na cancer at ang kaniyang tatay naman ay iniwan na
sila noong pitong taong gulang pa siya. At dahil wala ng mag-aalaga sa kaniya at mag-aaruga,
sinabihan siya ng kaniyang nanay nung buhay pa ito na kung sakaling mawawala na siya,doon
na siya tita niya na si Mara. Sa pagtuloy niya sa tita niya,hindi siya tinrato ng maayos at palagi
siyang pinapagalitan at minsan din ay sinasaktan.
*Unang bukas ng Tabing* MARA: Bianca! Diba sabi ko sayo,pagkatapos mong walisin ang mga kalat na yan,isilid mo agad sa sako at
itapon sa labas ? Hay naku! Wala pala akong maaasahan sayo,nagsasayang lang ako ng bigas sayo. BIANCA: Sorry po Tita,naghuhugas pa po kasi ako ng mga plato.
MARA: So ako pa ngayon ang mali Bianca,ganoon ba ?(Padabog na umalis at pumasok sa kwarto) JAIME: Sa susunod kasi Bianca,ayos-ayusin mo ang trabaho mo dito sa bahay. BIANCA: Sorry din po Tito,hinding-hindi na po mauulit iyon.(habang napayuko) *Pagsara ng Tabing*
NARRATOR: Kinagabihan,pagkatapos kumain at manghugas ng mga pinggan si Bianca,dumiritso na siya sa
kaniyang kwarto at doon ay umiyak siya dahil namimiss na niya ang kaniyang nanay. At sa
pagsapit ng umaga….
*Ikalawang pagbukas ng Tabing* MARA: (Pumunta siya sa kwarto ni Bianca na nagmamadali) Bianca,gumising kana at magsaing dahil may
lakad kami ni Jaime.
BIANCA: Opo Tita Mara.(habang nagmamadaling bumangon at nagligpit ng higaan) MARA: Bilisan mo at pagkatapos mong magsaing,ipagtimpla mo na rin kami ng kape ni Jaime.
(Pumunta na agad ng kusina si Bianca at nagsaing.Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ito
at pinaghandaan niya ng almusal ang kaniyang tita at tito. At umupo.) JAIME: Oh Bianca! Anong ginagawa mo diyan,mamaya kana kumain pagkatapos namin.May lakad kaba? BIANCA: Ah eh! Sorry po Tito,wala po akong lakad,doon muna po ako sa labas magwawalis.
(Pumunta si Bianca sa likod ng kusina para kunin ang walis at pagkatapos ay lumabas)
*Pagsara ng Tabing* NARRATOR: Sa kaniyang pagwawalis,marami siyang iniisip at isa na doon ang pagpaplano na lumayas sa
Kaniyang tita at maghanap nalang ng trabaho para makapagpatuloy siya sa kaniyang pag-aaral
Dahil simula noong namatay ang kaniyang ina,hindi na siya nakapag aral ulit. At noong nakaalis
Na ang kaniyang tita,pumunta na siya sa kaniyang kwarto at nag-impake ng kaniyang mga ga-
mit. Nung siya ay naka alis na at habang naglalakad.,may nadaanan siyang isang Bakery Shop.
*Ikatlong pagbukas ng Tabing* BIANCA: (May nakita siyang babae at nilapitan niya at nagtanong) Ale,pwede po akong magtanong? TINDERA: Sige po Ineng,ano po ba ang maipaglilingkod ko sayo?
BIANCA: Naghahanap pao ba kayo ng katulong niyo sa pagtitinda niyo sa Bakery ninyo o pwede ring ka-
sambahay sa bahay ninyo?
TINDERA: Ineng,hindi na namin kailangan ng kasambahay dahil nagagawa ko pa naman ang mga gawaing
bahay at dito sa Bakery,tinutulungan naman ako ng anak ko sa pagtitinda. At bakit ba kailangang
magtrabaho Ineng? Nasaan ba ang mga magulang mo? BIANCA: Ah ganoon po ba,naghahanap po kasi ako ng mapagtatrabahohan dahil kailangan ko po ng sapat
na pera para makapag-aral po ako ulit at yung nanay ko naman ay nasa langit na pa dahil nagka-
sakit po siya at ang tatay ko naman ay iniwan na kami. TINDERA: May iba ka pa bang kamag-anak na maaaring kumupkop sayo? BIANCA: Mula noong wala na si Inay ,ang tita ko ang kumupkop sa akin at doon ako tumira pero hindi ko
rin natiis ang trato nila sa akin doon dahil palagi po nila akong pinapagalitan at minsan ay sina-
saktan kaya lumayas nalang po ako doon.
TINDERA: Ipagpaumanhin mo po Ineng,pero gipit din kami ngayon at kailangan din namin ng sapat na pera
pang-ospital sa bunso kong anak dahil may sakit siya ngayon. BAINCA: Ah sige po,okay lang po,naiintindihan ko po salamat nalang po.
( At nagpatuloy sa paglalakad si Bianca hanggang sa may nakasalubong siyang babae na parang
Bugaw.)
ANNA: Hi miss,mag-isa ka yata,may hinahanap ka ba?
BIANCA: Wala naman,bakit sino kaba? Magkakilala ba tayo?
ANNA: By the way, I’m Anna and you?
BIANCA: Ako si Bianca.
ANNA: Bianca, naghahanap ka ba ng pera? Baka makakatulong ako sa problema mo. BIANCA: Ah Oo,kailangan na kailangan ko talaga ng pera ngayon dahil kailangan kong makapag aral eh.
May alam kaba na pwedeng pagtrabahohan?
ANNA: May alam ako kung saan pwede kang magtrabaho.
BIANCA: Saan ba yan?
ANNA: Sa pinagtatrabahohan kong bar malapit sa isang mall.
BIANCA: Ano bang ginagawa niyo doon?
ANNA: Simple lang, magsasayaw lang kami at yun lang.
(Masama ang kutob ni Bianca kay Anna dahil parang nagsisinungaling lang si Anna.Tinanggihan
ni Bianca ang alok ni Anna at nagpatuloy sa paglalakad. Inabot na siya ng gabi sa paglalakad kaya
naisipan niya na magpahinga muna sa plaza .
*Pagbukas ng Tabing* BIANCA: Nakakapagod pala maghanap ng trabaho.(Sabi niya sa sarili habang umuupo.)
(Habang nagpapahinga si Bianca,meron siyang na obserbahan sa plaza kaya tinawag niya ang
Isang bata…)
BIANCA: Ui ! Bata,halika ka nga rito.
BATA: Bakit po ate?
BIANCA: Bakit andaming mga bata rito sa plaza? Nasaan ang mga magulang nila? BATA: Karamihan po sa amin dito ate ay iniwan na ng aming mga magulangat ang iba naman,namatayan
ng magulang at wala ng nag-aaruga.
BIANCA: Ganoon ba? Kawawa naman kayo,sige salamat bata.
(Lumipas ang ilang oras ay nakatulog siya sa plaza at hindi niya ito namalayan dahil sa sobrang
pagod niya.Kinaumagahan may nakakita sa kanya ng isang bakla dahil dumaan ito sa plaza.) CASSY: Sino ba tong babaeng to,kababaeng tao natutulog dito sa plaza Ineng? Ineng? BIANCA: Sino po ba kayo at bakit niyo ako ginigising?
CASSY: Ako nga pala si Cassy,bakit dito ka natutulog sa plaza,dapat hindi ka dito natutulog dahil babae ka
at delikado baka may mangyari sayo na masama dito.Taga saan kaba at nasaan ang magulang mo? BIANCA: Wala na po akong nanay at tatay at lumayas po ako sa bahay nina tita at tito ko dahil hindi ko po
kaya na kasama sila sa iisang bahay.
CASSY: Saan mo planong tumira ngayon? At teka nga,nag-aaral ka pa ba? BIANCA: Yan nga din ang isang rason ko eh kung bakit ako lumayas sa tita ko eh dahil hindi nila ako sinu-
suportahan sa pag-aaral ko kaya simula noong namatay sa Inay,hindi na po ako nakapagpatuloy
sa pag-aaral ko.Kaya eto naghahanap ako ng matatrabahohan para magkaroon ng sapat na pera.
(Habang nagsasalita si Bianca,napatulo ang luha ni Cassy dahil naawa siya) CASSY: Kung gusto mo,doon ka na lang magtrabaho sa parlor ko kahit part time job lang dahil nangangai-
langan ako ng isang aplikante ngayon. At sa pag-aaral mo naman para makapagpatuloy ka,ako na
ang bahala dun at sa lahat ng mga kakailanganin mo. BIANCA: Totoo po ba yan ate Cassy?
CASSY: Mukha ba akong nagsisinungaling?
BIANCA: Salamat po ng marami ate Cassy,hulog ka po talaga ng langit sa akin.(Imiiyak sa harapan ni Cassy)
Abot langit talaga ang pasasalamat ko sayo dahil sa wakas may kumupkop na rin sa akin at sigu-
rado po ako , tuwang-tuwa ang nanay ko ngayon. (Habang nakatingin sa itaas.) CASSY: Walang anuman Bianca, alam ko kasi yung feeling na mawalan ng Nanay na dapat sana ang nag-
aalaga sayo at nag-aaruga.Tara umuwi na tayo dahil mukhang gutom na gutom ka na,namumutla
na yang labi mo.
BIANCA: Haha, Oo nga eh! Kagabi pa po akong walang kain ate.
CASSY: Sige kunin mo na yung bag mo at para tayo’y maka-alis na.
*Pagsara ng Tabing* NARRATOR: Mula noon,tuluyan ng nakapagpatuloy sa pag-aaral di Bianca nang dahil kay Cassy na sinupor-
tahan siya sa lahat-lahat. At hindi naman siya nahirapan sa pagtira niya doon dahil hindi
naman siya nahirapan sa pagtira niya doon dahil hindi naman mahigpit si Cassy,binibigyan
din siya ng pera ni Cassy pambili ng mga gusto niyang bilhin.