bc

Seducing Mr. Lawson: The Dominant Series 1

book_age18+
6.6K
FOLLOW
34.2K
READ
billionaire
dominant
manipulative
twisted
sniper
city
secrets
tortured
intersex
husband
like
intro-logo
Blurb

Isang babaeng gagawin ang lahat masunod lamang ang inaasam ng kanyang puso. Ngunit paano kung sa padalos-dalos niyang desisyon ay matali siya sa isang taong hindi pa niya lubos nakilala.

Maatim kaya niyang manatili sa poder nito? Oh, mas nanaisin na lang niyang lumayo hangga't maaga pa.

chap-preview
Free preview
Pagpikot 1
"July, sigurado ka ba sa iyong binabalak? Hindi kaya sa gagawin mong ito ay magalit sa 'yo si Seth?" tanong sa akin ni Maya. "Oo, sigurado ako. Bahala na kung saan hahantong ang plano kong ito. Kaysa naman tuluyan siyang mapunta kay mama. Hindi ko matatangap iyon dahil mahal na mahal ko si Seth. Hindi ko alam kung bakit si mama ang niligawan niya, eh, mas bata ako kaysa roon. Saka buhay pa ang papa umaasa pa rin akong magkakabalikan sila," saad ko ngunit sa aking puso ay desidido sa aking binabalak. "Ako ang natatakot sa 'yong gagawin July, hindi ka ba mapahamak? Lalo at hindi mo pa lubusang kilala si Seth," anas ni Maya, ngunit nasa mukha nito ang pangamba. "Wala akong pakialam kung hindi ko pa siya lubos na kilala. Pero sa aking puso ay siya lamang ang tinitibok. Hindi lang iyon ang dahilan ko kaya gumawa ako nang hakbang para magkalayo si mama at Seth." Wala na akong narinig na pagtutol kay Maya. Alam kong magagalit sa akin si mama at Seth. Pero hindi naman ako papayag na tuluyang magkahiwalay ang aking mga magulang. Iwan ko ba naman dito kay Seth bakit ang mama ko pa ang natipuhan, eh, mas matanda ito kaysa sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako ang niligawan nito. Nakakainis lang. Kaya itutuloy ko ang plano ko. Gusto ko ring magkaayos sina mama at papa. Umaasa pa rin ako na mahal pa nila ang isa't isa. Nagkahiwalay lang naman ang mga magulang ko noong makita ni mama si papa na may kausap na ibang babae. Alam kong nagpaliwanag si papa ngunit hindi naman ito pinaniwalaan ni mama. Hanggang sa tuluyang maghiwalay na nga sila. At sa tatlong buwang nakalipas ay rito nga umeksina si Seth. Ang pakilala ni mama ay magkaibigan lang daw sila. Ang nakakasama pa ng loob ay rito nakatira ang lalaki. Noong una ay galit na galit ako kay mama at hindi ko ito kinakausap. Ngunit parang baliwala lang dito ang pagwewelga ko. "Maghanda ka na July dahil nandiyan na sila," anas sa akin ni Maya. Tumingin din ako sa akin relong pambisig at nakita kong alas-otso na ng gabi. Maliksi akong hinila ni Maya para magtago sa likod ng pinto upang hindi kami makita nina mama. Hindi nagtagal ay tuluyan na silang pumasok sa kabahayan. "Seth, umayos ka nga sa iyong paglalakad ang bigat-bigat mo kaya," narinig kong sabi ni mama. Kaya naman sinilipit ko sila para alam ko kung ano ang ginagawa nila. Nakita kong naka akbay si Seth kay mama at ito namang aking ina ay hirap na hirap sa pag-alalay sa lalaki. Mukhang lasing ito. Hinintay ko munang makapasok sila ng silid. Alam kong ihahatid ni mama si Seth sa kwarto nito. Hindi naman nagtagal si mama sa kwarto ni Seth. At ng alam kong wala ng ibang tao kundi kami na lang ni Maya, naghanda na ako sa akin plano. "July, ako ang natatakot sa iyong gagawin. Hindi na ba magbabago ang isip mo? Paano kung hindi rin matuloy ang nais mong mangyari?" "Maya, huwag kang mag-alala alam ko kung ano'ng ginagawa ko. May dahilan ako. Aaminin kong mahal ko si Seth. Pero hindi lang iyon ang dahilan ko," saad ko sa aking kaibigan. Hindi na ito muling nagsalita. Kaya humakbang na ako patungo sa kwarto ni Seth. Alam kong masusuklam sila sa aking gagawin. Pero wala na akong pakialam dito. Pagtapat sa harap ng pinto ng silid ng binata ay maingat ko itong binuksan. Sumilip muna ako bago tuluyang pumasok sa loob. Tumingin ako sa lalaking nakahiga sa kama at tanging boxer lamang ang suot nito sa katawan. Hindi rin masyadong maliwanag dito sa loob, ang tanging tanglaw lang ay ang lamp shade. Sinimulan ko nang alisin ang saplot ko sa aking katawan. At tanging natitira na lang ay ang panty at bra ko. Hindi ako nagdalawang-isip na lumapit sa kama at tumabi sa lalaki. Kinuha ko ang kumot at inilagay ko sa aming katawan. Tumitig muna ako sa mukha ni Seth. Kahit sinong babae ay kayang nitong paibigin at isa na ako roon. Itinaas ko rin ang aking mga kamay para haplosin ang buhok nito pababa sa mukha nito. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nilamon ng antok. "July! Ano'ng ibig sabihin nito?!" Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang malakas na sigaw ni mama. Halos hindi ko pa nga maimulat ang aking mga mata. Naramdaman ko ring may gumalaw sa aking tabi. At biglang pumasok sa utak ko ang ginawa kong plano. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si mama. Galit ang nakikita ko sa mukha nito habang nakatingin sa akin. "July, bakit nandito ka sa kwarto ni Seth?!" sigaw ni mama. Alam kong sa sigaw nito ay tuluyan nang magigising ang binata. "Nika, bakit na ang ingay-ingay mo?!" tanong ni Seth sa aking ina habang nakahiga at nakapikit ang mga mata. "Peste! Tumayo ka riyan Seth para malaman mo kung bakit ako nagagalit sa inyong dalawa!" sigaw muli nito. "Dalawa?" narinig ko pang tanong ng lalaki na may pagtataka sa boses. Nakatagilid kasi ito kaya hindi pa nakikita na nandito ako sa kwarto niya at katabi pa sa kama, ang masama pa'y sukob kami sa kumot ni Seth. Nang tuluyan nga itong humarap sa amin. Hinintay ko kung ano ang magiging reaction nito. Lumipas ang isang minuto ay wala akong narinig na salita mula sa lalaki. "Nika, lumabas ka na susunod na lang kami," saad ng lalaki at tuluyang pumasok sa cr. Si mama mama naman ay masamang tingin ang inagkaloob sa akin bago umalis ng silid ni Seth. Nagmamadali naman akong nagsuot ng damit habang wala pa si Seth. Maliksi akong lumabas ng kwarto nito at nagtatakbo sa aking silid. Nakita ko pa nga si Maya na tila hindi mapakali. "July, ano'ng nangyari? Nagawa mo ba?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Maya. "Yes, nahuli kami ni mama na magkatabi sa higaan ni Seth," saad ko sabay higa sa kama. May ngiti sa aking mga labi dahil nagawa ko ang nais ko. Mayamaya pa'y nakarinig kami ng mga katok sa pinto. Nakita kong binuksan ito ni Maya. "Ma'am, July, pinatatawag po kayo ng mama mo," pagbibigay alam sa akin ng kasamabay. "Sige, susunod na ako," sagot ko. Nakangiting tumayo ako sa kama at humakbang palabas ng silid ko. Pagbaba ng hagdan nakita ko agad si sina mama at Seth na masinsinang nag-uusap. Ako naman ay umupo sa bakanting sofa at hinintay ko ang sa sabihin nila sa akin. "Seth, sana maintindihan mo ako. Hindi naman ako papayag na hindi mo pakasalan ni July. Dahil nakita mismo ng dalawang mata ko na magkatabi kayo at magkayakap," saad ng aking mama. "Okay," maikling sagot ng lalaki. Nang araw ding ito ay pinag-usapan ang kasal namin ni Seth at ito'y gaganapin sa sunod na buwan. Medyo kinakabahan rin ako lalo at wala man lang akong naririnig na pagtutol sa binata. "Nika, kung wala ka nang sa sabihin ay aalis na ako dahil mayroon pa kaming pag-uusapan ni July," saad ni Seth. Tumingin ito sa akin at sinabing kailangan daw naming mag-usap. Kahit nanginginig ang mga tuhod ay pinilit kong bumakbang para sumunod sa kwarto ni Seth. Parang tinatambol ang aking dibdib nang tuluyan na akong makapasok sa silid ng lalaki. "I did not expect, na magagawa mo iyon July. Ngayon lang ako naisahan ng isang babae na kasing bata mo," saad nito sa akin at umiiling pa. Parang nalunok ko ang dila ko, wala akong makapang sasabihin kay Seth. Ramdam ko ring nanunuyo ang lalamunan ko. "July, alam mo bang lahat nang pumapasok sa buhay ko ay binibigyan ko ng rules," saad niya sa aking habang nakangisi. Parang natakot akong bigla sa lalaking kaharap ko. "S-Seth, puwede naman hindi natin ituloy ang kasal. Saka nagkamali lang ako nang pinuntahan na silid. Akala ko kasi ay kwarto ko na," palusot ko sa lalaki. "It's too late," saad nito. "Ako na lang..." Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng itaas nito ang kamay. Dahilan para tumigil ako sa pagsasalita. "Puwede mo akong tingnan at hawakan, ngunit bawal mo akong mahalin July. Yes, nagawa mo ang plano sa akin. Pero siguraduhin mo lang na kayang mong panindigan," saad nito sabay kiling ng ulo. Nagulat pa nga ako nang lumapat siya akin at mahigpit na hinawak ang aking panga. "Ang swerte ko naman dahil batang-bata ang magiging laruan ko sa kama," bulong nito sa akin malapit sa may punong tainga ko. Parang nagtaasan ang mga balahibo ko balat. Dahil sa ginawa ni Seth. Nang bitawan nito ang panga ko ay nagmamadali akong tamakbo papaalis sa silid nito. Matuling lumipas ang araw. Dumating na nga ang kasal namin ni Seth. Imbes na magdiwang ako dahil natupad ang plano ko ay ibayong takot ang na mamahay sa paso ko. Kapag kasi nakikita ko ng binata ay parang gusto kong tumakbo palayo rito. Ngayon ako nagsisi sa ginawa kong plano. Totoo nga ang sabi nila na nasa huli ang pagsisi. Hindi nagtagal ay natapos ang kasal namin ni Seth. Habang palapit nang palapit ang oras na magsusulo na kami sa iisang silid ay para akong naiihi. "July, ano bang nangyayari sa 'yo? Para kang pusa na 'di mapa-anak," pagsita sa akin ni Maya. Tumingin ako sa aking kaibigan. "Tulungan mo akong makaalis dito ngayon," pabulong na sabi ko rito. "Ha! B-Bakit ka aalis?" gulat natanong nito sa akin. "Mamaya ko na ipapaliwanag kapag tuluyang na akong makaalis. Please! Kailangan kong umalis habang busy pa sila. "Sige, sasama ako sa 'yo. Bahala na kung saan tayo makarating," sang-ayon ni Maya. Wala kaming sinayang na oras. Habang masaya silang nagkukwentuhan, kami naman ni Maya ay walang takot na umakyat sa pader. Nawa'y gabay kami ng Diyos sa aming patutunguhan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook