Matuling lumipas ang araw at buwan. Ngayon ay kasalukuyang anim na buwan na rin. Simula nang mangyari ang masamang panaginip ko. Kahit na pilit kong inaalis sa aking isipan ang tungkol sa aking tunay na Ina ay hindi ko pala kaya. Kaya naman noong mga nakaraang buwan ay nakiusap ako kay Maya. Na kung puwede ay puntahan nito si Mama at alamin kung ano'ng lagay ng aking Ina. At kamusta na rin ito. Parang naging panatag ang aking utak nang malaman kong buhay ito at kasaluluyang nakakulong. Sa totoo lang ay hindi pa ako handang kausapin ito, oh. Makipagkita rito. Kaya pinadadalhan ko lang ito ng mga kailangan nito sa loob ng bilangguan. Kahit na baliktarin ang mundo ay Ina ko pa rin ito. Pagdating naman kina mama Nika at papa Julyo. Ay hindi pa rin ako nakikipag-usap. Nagdesisyon na rin k

