CHAPTER 2 UNANG HAKBANG SA KABILANG MUNDO

2332 Words
Pagdilat ko ng mga mata ko ay naaninag ko ang ang malaking bilog at kulay asul na buwan; kakaunti lang ang mga bituin na nakalatag sa kalangitan pero mas malalaki ang mga hugis nito kung ikukumpara sa mga bituin na makikita ng isang tao sa isang normal na gabi. Mahangin sa paligid pero hindi ako nakararamdam ng ginaw. Nakahiga ako sa damuhan at nagliliparan ang mga alitaptap na umaaligid sa akin na para pang kanina pa nila ako ginigising o hinihintay na magkaroon ng malay---nasaan nga ba ako ? Maririnig mula sa mga ito ang kanilang matitinis na halakhak. Mayat-maya pa ay napansin ko nang hindi ordinaryong alitaptap ang mga ito; anyong tao sila at napaka-amo ng kanilang muka, sumasayaw ang mga ito sa hangin na at nagpapakawala ang mga pakpak nila ng nagliliwanag na pulbura na nagsisilbing yabag nila sa hangin---mga dambana. Tuluyan na akong napatayo ng marinig ko ang tunog ng isang plawta mula sa di kalayuan. Tumingin muna ako sa paligid at doon ko napagmasdan ang kakaibang ganda ng lugar na kinaroroonan saan mang lupalup ito ng mundo. Nagliliwanag ang mga halaman at para bang umaawit ang mga ito sa tuwing mahahampas sila ng banayad na hangin. Sa ilalim ng natatangin kulay kahel na punong yun ay nakita ko ang isang imahe ng naka kulay puting lalake, naka-upo ito at nakasandal sa puno habang taimtim na tumutugtog. Lumapit ako sa kanya at nang maramdaman nya siguro ang presensya ko ay napatigil sya. "Bro!", tawag ko. "Hindi madalas na may mga taong nakararating sa bahaging ito ng lugar na ito", sagot nya. "Hindi bro ang pangalan ko". "Ah! Prime nga pala", pagpapakilala ko sa kanya. "Anong pangalan mo?". "Aztrux", lahad nya. "Paano ka nakarating dito?" . Tumabi ako sa kanya saka umupo. "Malay ko ba?". Napalingon ito sa akin habang itinatabi nito ang kanyang plawta. "Halika, ipapasyal kita". Naka-ilang hakbang pa lang kami nang magturo sya sa isang dako. "Nakikita mo ba iyon?". Tinutukoy nito ang isang lugar kung saan napakaraming nagbabagsakang bulalakaw na para bang lahat ng mga bulalakaw na galing sa ibat-ibang sulok ng kalawakan ay doon lamang sa lugar na iyon nagsisipagbagsakan. Tumango ako. "Iyon ang lugar ng tulog na prinsesa", sabi nya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad at naroon pa ring nakapako ang mga tingin nya. "Marami ng mandirigma ang nagtangkang pumasok doon pero nabigo lahat sila". "Paniniwal sa amin na kayang tuparin ng mga bulalakaw ang mga kahilingan ng tao". Lumingon ako sa kanya at nagpakawala ng isang sarkastikong tipid ba tawa. "Tama", hindi ko inaasahang sagot nito. "Kayang tuparin ng mga ito ang ibang kahilingan ng mga tao kung maririnig lamang ito ng palaging tulog na prinsesa". Tuluyan na akong napatawa nang matapos syang magsalita. "Nagbibiro ka ba? bakit naman palaging tulog ang prinsesang sinasabe mo?" "Walang ibang nakaka-alam," bumuntong-hininga ito. "Maliban sa isang prinsipe ng Clostradea, ang kaibigab ko". Mababakas ang lungkot sa tono ng boses nito at sa kanyang muka ng matapos nyang sabihin ang mga sinabe nya. Napakunot na lang ako ng noo. "Eh bakit hindi nyo sya tanungin?". "Wala na sya," tumawa ito ng maikli. Napagdesisyunan ng Amang Hari na itago ang prinsipe dahil marami ang nagtatangkang nakawin ang pag-iisip nito.Taglay ng prinsipe ang marka ng batong Orphini, ito ang batong sumisimbolo sa lahat ng kaalaman sa mundo, mula sa pinaka maliit na bagay sa mundo at sa pinagmulan nito. Gayundin ang sikreto ng mga teknolohiya, mahika, oras at ang tanging paraan para sa biglaang pagkawasak ng buong sansinukob". Saglit syang napatahimik at ngumiti. "Ano na nangyari sa kanya? Nasaan na sya? Masama ba syang tao?" . Sunod-sunod ang mga naging tanong ko dahil na rin sa unti-unti akong nagiging interesado sa kwento no Aztrux, wala na akong paki-alam kung totoo ba o gawa-gawa lamang nito ang kanyang istorya. "Napakabuti niyang kaibigan", wika nito. "Kung alam lamang nila, napaka buti nya". "Eh bakit hindi ka sumama nung itinago sya?". "Sinubukan ko pero huli na ang lahat". Pakiramdam ko ay muling nanumbalik sa kanya ang panghihinayang mula sa kanyang buntong-hininga. "Hindi iyon ninais ng may hawak ng aming tadhana dahil noon pa man ay hindi na kami magkasundo ng Dyosang iyon, nakakatawa di ba?". Namamangha ako sa mga naririnig ko mula sa mga kwento nya pero mas namamangha ako dahil napapaniwala nya ako sa mga ito.Tulog na prinsesa? Hari?. Prinsipe?. Lugar ng mga bulalakaw? . Dyosa?. Papaano ko naman nagagawang paniwalaan ang mga iyon?! "Nakikita mo ba ang mga pulang bagay na yun?", tanong nito ng muli itong magsalita. Napatingin ako sa direksyon ng tingin nya at nakikita ko ang mga pulang bagay mula sa madilim na lugar at habang papalapit kami sa direksyong yun ay may mga tunog akong naririnig---mga mababangis na hayop, mga sigaw na para bang nakabibingi kung sakali mang mas mapalapit pa kami rito. "Iyon ang kagubatan ng Narcrop". Kumunot ang noo nya. "Diyan ipinatatapon ang mga mababangis na nilalang at mga taong nalulong sa kapangyarihan ng itim na mahika at ang mga pulang bagay na iyon ay ang kanilang mga mata". "Nakapunta ka na ba doon?" Tanong ko. Umiling ito. "Hindi pa, tara muna sa aming tirahan". Nauna ito sa paglalakad ngunit nanatiling mabagal sa paghakbang. Puro hindi pangkaraniwang bagay ang mga nakikita ko sa daan. Tinatapak-tapakan lang namin ang mga mamahaling bato na gaya ng ruby at emerald. Nang mapansin siguro nito ang pagtataka ko sa mga ito ay hindi na nya ako hinintay pang magtanong. "Karaniwan lang sa lugar na ito ang mga iyan." Pumulot ito ng gintong bato saka ito itinapon sa kawalan. "Dinala lamang iyan ng mga masasamang nilalang dito patungo sa mundo nyo at nilagyan ng pekeng halaga para linlangin ang mga tao at ilayo ito sa mga tunay na yaman na regalo ng sansinukob at ito ay ang emosyon ng mga tao". "Hindi ka ba nagtataka?" Lumingon ito sa akin. "Likas na may emosyon ang mga tao, kung sino mang magutom na hihingi sa may pagkain ay makararamdam ng emosyong awa ang may pagkain at kusa itong magbibigay, ngunit dahil sa pekeng halaga ng papel o barya humihina ang emosyong iyon ng tao". Maya-maya pa ay natanaw ko ang isang napakalaking puno. Nagliliwanag ito na mas nagpaganda sa disenyo nitong para bang dinisenyo ng napakagaling na arkitekto. "Ano yan ?" Kumakabog ang dibdib ko sa tuwa at pagkamangha at para bang hindi pa rin nagsasawa ang mga tenga ko sa mga kwento nyang kahit ayaw kong paniwalaan ay pinakikinggan ko pa rin at para bang hinihintay ko pa rin ang mga susunod na sasabihin nito. Napatigil na rin ito dahil nakita nyang halos hindi na ako makakibo habang pinagmanasadan ang punong yun. "Iyan ang tirahan namin". Hindi ko sinasadyang tapikin sya sa balikat at nauna na akong tumakbo papunta sa kinatatayuan ng puno. "Bilisan mo!". Nang tuluyan na akong makalapit ay napako na lamang ako sa aking kinatatayuan dahil sumasalubong sa akin ang mga mababangis na hyena na mistulang takam na takam sa akin, parang tuwang-tuwa ang mga ito na isang makakain ang nagkusang pumunta sa kanilang lungga. Tumatawa lamang si Aztrux na sumunod sa akin at wala na akong oras para lingunin sya dahil napakalapit na sa akin ng mga hayop na iyon . Pumikit na lamang ako at napa sigaw na sa sobrang takot. Wala na akong oras para mag-isip pa at para bang ramdam ko na ang mga lapa nila sa ibat-ibang parte ng katawan ko mula sa susunod na ilang segundo. Pero nilagpasan lamang nila ako at maamong lumapit kay Aztrux. Napahiga na lamang ako sa damuhan at napapikit habang ilang magkakasunod na mabibilis na paghinga ang pinakawalan ko. Ibinangon ko ang kalahati ng katawan ko gamit ang mga siko ko bilang suporta. Nagkatinginan kami ni Aztrux habang tumatawa kaming pareho. Lumipat ito sa akin, inilahad nya ang kamay nya para tulungan akong tumayo habang payapang naka tingin sa amin ang mga hyena. Umirap ito ng sarkastiko habang napa iling na lang ako at tuluyan ko ng inabot ang kamay nito para tumayo. Lumabas ang isang babae mula sa kung saan at nakuha ang atensyon namin ni Aztrux. Napakaganda ng babae sa suot nitong kulay dilaw na parang bestida . "Tuloy ka", Pag-aya sa akin ni Aztrux at hindi na ako nagdalawang-isip na tumango. Napalunok na lamang ako nang sabihin sa akin ni Aztrux na nanay nya ang babaeng nasa karapan namin. "Prime, ang Ina ko" Pagpapakilala ni Aztrux sa kanya. Napatingin ako kay Aztrux at hinihintay na sabihing nagbibiro lamang sya pero tumango lang ito habang naka ngiti. "Ina, si Prime taga baba", pagpapatuloy nito. Nanginginig kong inabot ang kamay ko sa kanya para makipagkamay, wari bang hinahatak ng sahig ang mga mata ko dahilan para hindi ako maka tingin sa napaka luwag nitong ngiti. "Ako si Shishea", pagpapakilala nito sa kanyang sarili gamit ang napaka mahinahon nitong boses. Napangiti na lamang ako sa kanya. Dinala ako ni Aztrux sa loob na sa tingin ko ay kusina nila dahil may nakalapag doon na isang lamesa kung saan nakalatag ang ibat-ibang klase ng pagkain na karamihan ay hindi pamilyar sa akin. May mga upuan ding yari sa kahoy at napakakinis tignan. Maliwanag sa loob pero wala akong makitang bagay kung saan nagmumula ang liwanag na iyon. Pina-upo nya ako at nag-usap sila ng kanyang ina gamit ang isang lenggwaheng hindi ko maintindihan. Napasok pa namin ang loob ng bahay nila at nakita ko ang itsura ng isang bahay na hindi mo lubusang maiisip na mayroon ngang ganoong disensyo ng isang bahay. Tinawag ako ni Aztrux sa kanilang bintana at dinungay namin sa labas ang isang lalake at isang babae na nagpapakain ng mga kabayo. Napako ang tingin ko sa mga napaka kinis na balahibo ng mga kabayo kaya naman hindi ko agad napansin na ang suot nito ay ang napakahaba nitong buhok na bumabalot sa kanyang katawan maliban sa kanyang pang ibaba na katulad din ni Shishea. May pagkakatulad ang mga muka nila mula kay Aztrux kaya naman inaasahan ko ng magkakapatid ang mga ito. Maamo din ang muka ng lalaking iyon na agad ngumiti ng makita kami saka kumaway. Muli silang kinausap ni Aztrux gamit ang lenggwaheng hindi ko maintindihan at sandali pa ay pinakilala na ako ni Aztrux sa kanila. "Sya si Trappiro, ang kuya ko at sya naman si Walsham ang nakababata naming kapatid ni Trappiro", pag uumpisa nya. "Trappiro, Walsham sya si Prime isang taga-baba". Ngumiti lang ako. Kakaiba rin ang ganda ni Walsham pero hindi ko sya matignan ng maayos dahil tila napaka mahiyain nito. "Pwede ko ba silang hawakan?" Tanong ko kay Aztrux pagtutukoy ko sa mga kabayo. "Oo naman", si Trappiro ang sumagot. Ilang sandali pa ang lumipas at tumawag na mula sa loob ang kanilang ina at nagsabing naka hain na ang makakain. Pagkatapos naming kumain ay nagpaturo ako kay Aztrux ng mga bagong melodiyang pang plawta. Hinahayaan ko syang tumugtog habang minimemorya ko ang bawat tono nito. Maya-maya pa ay pumasok si Walsham sa silid kung nasaan kami ni Aztrux. "Nagsimula ng umawit ang mga sirena", wika nito sa tonong halatang may kaunting pag-aalala. Saglit itong napatingin sa akin bago tuluyang umalis nang tumugon na si Aztrux ng isang tango. "Mag-uumaga na", banggit nito at tinapik ako sa aking hita saka ako inaya palabas. Nadatnan namin sa labas ang ina nila at si Trappiro sa gilid ng dalawang kabayong may karwahe. Papalapit na kami sa kanila ni Aztrux nang marinig ko ang mga malalamyos na tinig ng mga kababaihan na para bang isang hipnotismong dumaloy sa aking katinuan. Saglit akong napako sa aking kinatatayuan, napatulala at dahan-dahang mapapikit. Tinakpan ni Aztrux ang magkabilang tenga ko at muli akong nakabalik sa aking katinuan. Sumakay kaming lahat sa karwahe at nagsimula na kaming ilipad ng dalawang kabayo. Mahangin sa alapaap at matatanaw mo ang kapaligirang nagliliwanag na para bang isa itong mundong puro tubig na repleksyon ng mga bituin sa kalangitan. Nakangiti akong nakatingin sa harapan inaasahang makikita ko ang lugar na destinasyon namin pero parang puro ulap lamang ang sumasalubong sa amin. Pumikit na lang ako at inisip ang mga pwede kong gawin mula sa mga ideyang nakuha ko sa lugar na ito. "Marahil ay ipipinta ko ang disenyo ng bahay nila Aztrux o kaya ang muka mismo ni Aztrux at susubukan ko ring tugtugin ang ginawa nitong tugtog". "Sana makabalik ka pa sa ibang pagkakataon", naka ngiting wika ni Shishea na alam kong hudyat na hinahatid nila ako palabas sa mundong iyon. "Oo naman po", isang malaking ngiti na lamang ang mga sumunod sa tatlong salitang sagot kong yun. "Andito na tayo", Mula sa katahimikan ay biglang sabi ninTrappiro bago lumingon at ngumiti sa akin. "Tingin ka sa ibaba," naka ngiti ring sabi sa akin ni Aztrux. Pinaglakbay ko muna ang tingin ko sa kanilang mga nakangiting muka bago ako tuluyang tumingin sa ibaba. Tumambad sa akin ang napaka lalim na bangin maaninag mo mula sa buwan ang kalaliman nito. Kinabahan ako. Hindi ako makagalaw. "Anong ibig sabihin nito!", nauutal kong tanong. "Papatayin nyo ba ako?" Nanginginig na ako sa takot habang nagsasalita habang kalmado pa rin ang lahat maliban sa akin. Walang nag-abalang sumagot sa tanong ko bagkus ay lumapit si Walsham sa akin at wala itong pag-aalinlangang tumulak sa akin. Sumisigawa ako sa takot habang nahuhulog sa bangin na iyon pero pinapanood lamang nila ako mula sa itaas. Tila ba may kung anong pwersang humihigop sa akin pababa, napakalas, napaka bilis. Patuloy pa rin ako sa pagsigaw pero umaalingawngaw na lamang ang mga iyon hanggang sa hindi ko na sila makita pa. Mas lumakas pa ang pwersang iyon sa paghigop sa akin at bulontaryo na lamang pumikit ang mga mata ko. Nang marating ko ang ilalim na syang binagsakan ko ay napaka lambot nito. Pagdilat ng mga mata ko ay sumasabay ang mabilis na t***k ng puso ko sa tunog ng alarm clock ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD