CHAPTER 1 PAGKILALA
"GOODMORNING! HAPPY BIRTHDAY! GOODMORNING! HAPPY BIRTHDAY!"
Iyon ang paulit-ulit na tunog ng alarm clock ko na gumising sa akin isang oras bago ang normal na paggising ko sa umaga. February 23, araw ng biyernes. Saglit akong hindi pa rin gumagalaw habang pinagbibigyan ko ang mga mata ko sa mga huling hiling nitong bumalik sa pagpikit. Ramdam kong nakalabas ang alaga ko sa boxer ko na gising na gising na din kaya inayos ko muna ito. Nag unat ako ng katawan saka pinag ekis ko ang mga braso ko kung saan ko pinatong ang aking ulo. Tumitig muna ako saglit sa itaas saka muling pumikit at bumulong ng pasasalamat para sa kaarawan ko ngayong araw.
"Goodmorning fans!". Iyon ang mahinang bungad ko sa baba habang naka dungaw ako sa taas, matatanaw mula doon sila mama at papa at si bunso na abala sa kani-kanilang ginagawa tuwing umaga.
"Huwag ka ng pumasok", ganti ni papa na mas maganda pa sa inaasahan kong sasabihin nyang goodmorning. "Tawagan mo na mga barkada mo para may kasama tayo magkatay ng manok na pulutan."
"Naman", naka ngiti ako habang papalapit kay papa para bigyan sya ng high-five at wala pang isang segundo ay sinimulan na namang kumontra ni mama .
"Jan!" , sermon nya. "Diyan kayong mag-ama magaling sa alak sa pulutan!"
"Porket birthday nya!" sunod naman ni bunso. Lantarang nagdadabog ito habang inaayos nito ang buhok nya sa salamin na kinikonsumo ang isang oras nya tuwing umaga bago pumasok. "Wala rin naman kaming gagawin ayaw pa ako payagan umabsent!".
Sinabunutan sya ni mama nang makita nya itong ginagaya gaya nito ang pananalita nya sa sarkastikong paraan.
Nagdabog na naman ito saka parang batang umupo sa sofa habang nagsisigaw sa inis pero tumayo rin ito nang aambahan na sya ni mama ng hampas. Nakakatuwa talaga silang tignan. Si Zach lang ang nakakasumbat kay mama marahil dahil halatang sya ang paborito nito ika nga dahil sa sya ay bunso. Malakas ang yabag nitong hinablot ang bag nyang wala namang laman at dire-diretso nang lumabas, sinundan pa ni mama ng masamang tingin pero hindi na nakalabas sa bibig nito ang ano mang hindi kaaya-ayang salita dahil alam nyang hindi na din ito papansinin ni Zach.
"Asikasuhin mo na mga lulutuin mo," Sabe na lang ni papa sa kanya na halatang naiirita na rin dahil hindi na nito marinig ang pinapanood nitong balita sa umaga. Imbes na sumagot ay sa akin binaling ni mama ang tingin nyang masama. "Maligo ka na para naman mabango ka ngayong birthday mo!" irap nito sa akin at pumunta na sa kusina.
Hinabol ko sya para ipaamoy sa kanya ang kili-kili ko kaya naman nahampas na naman ang hita ko ng hawak nyang sandok.
Ang inakala kong simpleng selebrayson lang sa pagbibinata ko ay nagbago nang dumating ang kuya kong panganay kasama ang ate mula sa bayan; maaga silang pumunta kanina para daw sariwa lahat ng maihain para sa mga bisita. May dala silang dalawang karton ng cake at mga naka bilaong palabok, naka sunod sa kanila ang driver ng tricycle bitbit ang mga gagamitin sa pagluluto ng iba pang makakain.
Dumaan pa ang oras at pagpatak ng alas dos y medya ay nagdagsaan na ang mga barkada, classmates at iba sa mga teachers ko. Kapag ka kase araw ng biyernes ay half day lang ang klase namin.
"May bago pala tayong kasali sa club Primo", bagbabati sa akin ng vice-president namin sa club. Primo ang tawag nya sa akin at gusto daw nyang sya lang ang tumawag sa akin ng ganun.
"Ah ganun ba", sagot ko. "Bakit hindi nyo sya isinama dito?".
Tumawa lang ito saglit saka pumulot ng shanghai na kanina nya pa gustong tikman. Nahiya pa ang gago na pumulut lang ng isa. Kumuha pa ako ng tatlo at sabay-sabay ng isinubo sa bunganga nito. Dinig mula sa mga nakakita ang tawa nila.
"Happy kayo?!", sarkastikong tanong nito sa mga tumawa na dinedma na lang nila. Sanay na ang mga ito sa samahan namin ni Sean; sya na ang naging bestfriend ko simula nung first year hanggang ngayon. Tinatawag na nga kaming bromance dahil na rin sa sobrang "PDA" namin sa campus.
"Tahimik nga eh", pagbabalik nito sa usapan namin. Parang adik, madalang magsalita kalalakeng tao".
"Sige kausapin ko na lang sa Lunes," tango ko.
"Mas gwapo sayo tol," overreacting na naman na sagot nito sabay haplos sa muka ko ng mamantika nyang palad.
Pagpasok ko nung Lunes ay napansin ko na nga yung bagong estudyante. Taga kabilang section ito, sa section two.
Second period na nung kasamang pumasok ng teacher namin yung lalaking yun.
Primoth ang pangalan nya. Habang nagpapakilala sya ay napansin ko nga na may dating sya. Gwapo nga ito na tulad ng sabe ni Sean at maayos din ang pangagatawan. Hinihintay kong magtama ang mata namin para sana mabigyan ko sya ng ngiti pero halatang mahiyain ito at hindi komportable sa ganong sitwasyon na yun dahil padapo-dapo ang paningin nito sa ibat-ibang sulok ng classroom.
Maririnig sa mga babae ang mga hindi nila nagawang itagong tili, ang mga iba nga ay naghahampasan na kaya naman nadadamay ang mga lakakeng nakikinig lang.
"Ang landi landi mo!", boses na naman yun ni Sean dahil na rin siguro isa rin sya sa nahampas ng babaeng katabi nya.
Pinili ni Primoth na umupo sa likod at habang naglalakad nga ito papunta doon ay nakabuntot sa kanya ang mga mata ng mga babae sa classroom. Kung titignan mo sya ay parang hindi ito nakikinig, tahimik lang kase itong nakatingin sa labas pero nang tanungin na sya ay agad itong sumagot.
Ikinabilib kong sobra ang ginawa nya sa geometry nahihirapan ako sa seatwork na yun dagdag pa ang maingay at tamad mag solve na si Sean. Kunwaring umiiyak itong nakasandal sa braso ko habang abala ako sa pag solve. Hindi na lang din sya pinapansin ng teacher namin at ng ibang classmate namin dahil na rin sanay na sila sa ugali nito at abala na rin sila sa paggawa ng kanikanilang solution.
Mayat-maya pa ay binuksan nito ang tatlong butones ng polo nito saka itinuro sa akin ang u***g nyang sinusubukan nyang abutin gamit ang dila nya.
"Tang ina mo", tumawa na lang ako saka lumingon kung sino pa ang kasama kong tumatawa sa ginagawa ni Sean at doon ko nakita si Primoth na relax lang. Ni hindi ko nga ito nakitang naglabas ng calculator eh parang tapos na ito sa pagsagot dahil napabaling din ang tingin ko sa papel nito.
"Sige kayong magjowa jan!" turo sa amin ni Sir Esperon , teacher namin sa Geometry. "Puro kayo daldal".
Napuno na naman ng tawanan ang calssroom at naging sentro na naman kami ng asaran sa sinabing yun ni Sir. Pati kase silang mga teacher ay naaabot na rin ng chismis na bakla daw kaming dalawa ni Sean at magjowa daw kami .
Umabot pa nga sa punto na may nagsabing nahuli daw kaming may ginagawang kababalaghan sa shower sa gym. Pinalagpas na lang namin yun gaya ng dati.
"Kahit silipin nyo mga butas ng pwet namin", minsang sabe ni Sean ng pumatol ito sa kalaro namin sa basketball nang banggitin nya ang issue na yun, hinubad pa nga nito ang kanyang pang ibaba at tumuwad para ipakita ang butas ng pwet nito.
Ginamit ko ang dahilang President ako ng club para maka usap sya. Marami na naman kaseng nagsasabe na naiinggit daw ako sa kanya at itinuturing ko na daw syang karibal sa academics at extra curricular.
"Primoth!" Tawag ko sa kanya nung breaktime na.
Napatingin sya sa akin saka tumango. "May kailangan ka?", pagbabalik tanong nito. Nanatili lamang itong nakatayo sa pwesto nya habang naglalakad ako palapit sa kanya. Napatawa na lang ako bago ko sabihin sa kanyang merong kaming meeting mamaya sa club at sumagot naman itong pupunta sya bago muling tumango at naglakad na papuntang canteen. Sasabay na sana ako kaso may taong humila sa damit ko at inaasahan ko ng si Sean yun.
Mabilis na dumaan ang mga araw. Maayos naman kasama si Primoth, kahit tahimik sya at hindi palakibo ay mapapangiti ka sa mga iilang pagkakataong tumatawa ito o ngumingiti. Madalas ay naka upo lang ito sa isang sulok habang pinapanood lang kaming nagsasayahan sumasabay lang ito sa mga tawa at ingay sa loob, paano ba naman tatahimik eh puro kami lalake sa club. Pinapanood nya lang ang iba sa amin na naghuhubaran ng pantalon, nag aahit ng bulbul at kung ano-ano pang ginagawa ng mga tipikal na mga lalakeng high school na puro kalokohan ang alam. Ang kagandahan lang dito ay kahit pa puro mukang sakit sa ulo ang mga ka miyembro ko sa club ay alam naming wala kaming masamang gawain. Iba sa amin mga palaging cutting classess. Iba sa amin dating hindi pumapasok at tumatambay lang sa computer shop. Iba sa amin dating adik sa yosi at alak. Iba sa amin pinalayas. Iba sa amin sinubukan magpakamatay. Iba sa amin bobo sa klase. Lahat kaming mga lalake ay may kanya-kanyang problema sa buhay kaya nung pinayagan ako ng mga teachers na bumuo ng sariling club, pinursigi kong isali yung mga taong halos ayaw ng paki alaman ng kahit mga teachers.
Si Sean, sya yung unang taong sumuporta sa akin hanggang sa nakumbinsi namin si Aaron.
Lulubog-lilitaw si Aaron sa school na talaga namang nagtataka ang lahat kapag bigla bigla na lang itong papasok sa klase at late pa at madalas ay matutulog lang ito sa classroom. Alam naming halos gabi-gabi itong lasing dahil na rin sa impluwensya ng mga pinsan nya na hindi na mga hindi nakapag-aral. Sya ang una kong target noon kaya pinag-aralan namin ni Sean kung paano namin sya makukumbinsi na sumali sa club at para tumuloy-tuloy na ito sa pagpasok. Alam naming hindi namin sya makukumbinsi ng biglaan.
Break time noon nakasandal si Aaron sa pader habang nakatakip sa muka nito ang panyo nitong kulay pulang lukot-lukot. Tumayo na si Sean para pumunta sa canteen pero hinila ko ang ang nakalaylay nitong sinturon sa may likuran.
"Ughhh! wag po!" ungol nito na pina-iral na naman ang katarantaduhan. Tinignan ko sya ng masama saka muling tumingin kay Aaron. Sinundan nito ang tingin ko bago umupo sa lamesa.
"Akala ko chuchupain mo ako", dagdag na naman nito sa nauna nyang asal gago.
Hindi ko na lang yun pinansin at naglabas ng 100 sa wallet ko. "Pag naka usap mo yan at naka gawa ka ng paraan para makapag usap tayo ng matagal...."
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay hinablot na nito ang 100 sa kamay ko at nagsimula ng naglakad papunta kay Aaron.
Umupo ito sa lamesa malapit sa kanya at saka kunwaring umubo para matawag ang pansin ni Aaron. Hinaplos haplos pa nito ang kanyang lalamunan na para bang isang mahabang pag-uusap ang magaganap bago ito nag senyas sa akin ng "OK!".
Alas kwatro y medya ay kasabay na namin si Aaron palabas ng gate pauwi. Inaya ito ni Sean ng inuman dahil yun daw ang pinaka mabilis na paraan para maka usap namin sya kaya naman pumayag na lang ako basta sa bahay kami iinom. Dumaan muna kami sa bahay nila Aaron para ipaalam sya na sa bahay na sila matutulog ni Sean para sabay-sabay na rin kaming pumasok kinabukasan.
"Wala akong maibibigay na pera sa bukas Aaron!" Rinig na rinig namin sa labas ang tugon na iyon ng nanay nito nang mabanggit nyang sabay-sabay na kaming papasok kinabukasan. Nandoon ang mga pinsan at tatay ni Aaron sa labas na naghahanda na namang uminom ng alak dahil naka lapag na sa lamesa ang mga baso at pitsel.
Hindi lang sumagot si Aaron at lumabas na ng bahay dala-dala ang bag nitong halata mo ng may laman kumpara sa bag nya kapag pumapasok ito sa klase. Maayos na lang kaming nagpaalam ni Sean na sinagot naman ng tatay nito at tinatanong kung bakit hindi muna kami uminom saglit doon na tinanggihan na lang namin.
Nilabas ko ang gitara ko bago kami mag inuman, iniwan ko muna sila ni Sean sa terrace habang naghahanda kami ni mama ng pulutan. Napapapayag ko si mama na uminom ako kahit pa alam kong ayaw na ayaw nito ang na sa ganitong edad ko ay umiinom na ako ng alak. Konting lambing lang ay wala na itong magagaw.
Pagdating ko sa terrace ay hawak ni Aaron ang gitara habang kumakanta ito at doon ko na nga sya nahikayat sa club namin. Nakumbinsi namin syang tumugug sa program sa school, simula nang maraming namangha sa talento nito tuloy tuloy na ang pasok nito sa classroom kahit pakonti-konti ay nag a-adjust ito sa mga lessons. Napansin ko na ang iba sa mga kabataang katulad ni Aaron ay kulang lang sa exposure sa positibong parte ng buhay, kelangan lang ng konting suporta mula sa kahit kanino, kelangan lang may magsabe na magaling ito sa kung ano man ang gusto nyang gawin sa buhay.
Natigil ako sa pagbabalik-tanaw kong yun ng mapansin na ni Aaron na nakatingin ako sa kanya. "Bakit tol?" tanong nito saka binitawan ang gitara nya na pinagtulungan namin ng mga miyembro sa club bilihin.
"Wala!" sagot ko na lang saka ngumiti. "Ayos yan, tuloy mo lang".
Bigla na namang umupo si Sean sa hita ko saka ako binugahan ng hininga.
"Putang-ina mo talaga!" Tinulak ko sya pero nakayakap na sa leeg ko ang braso nya . "Ang harot harot mo kalalake mong tao".
"Adik ata talaga yang si Primoth eh!". Sabi na lang nito at dinedma ang sinabe ko. "Tignan parang tanga naka titig sa labas".
"Umayos ka nga!" Tinulak ko pa sya ng isang beses at tumayo naman ito para umupo sa tabi ko. "Hayaan mo muna baka may iniisip lang".
Kunwari na lang ay wala akong paki-alam sa sinasabe ni Sean pero maski ako ay nagtataka na rin sa sobrang pagkawalang kibo madalas ni Primoth. Iniisip ko na lang na naninibago pa ito dahil transferee ito at iniisip lang ang pinanggalingan nyang lugar. Hanggang sa napa-isip ako---saang lugar nga ba sya galing?
Bumaling ang tingin ko kay Sean para sana tanungin kung saang school galing si Primoth pero nagmadali na nya akong hinila sa kwelyo dahil tumunog na ang bell para sa susunod na subject.