Chapter 14

2547 Words

"M-MAGDE-DAY off ka bukas?" alanganing tanong ni Louisiana. Katatapos lang nila maglaba at magpalit ng mga bedsheet at kurtina sa mga kuwarto. Pinagtulungan nila iyong gawin upang mabilis matapos. Inuna nila ang mahihirap gawin. Tanghali na niyon, kaya nagpahinga muna sila. Sabay silang kumakain. "Oo. Day off ko tuwing Sabado," anito matapos sumimsim ng juice. "Eh, ano namang ginagawa mo tuwing araw ng day off mo?" curious pa ring tanong ni Yanah. Mataman siyang naghintay sa isasagot nito. "Maglalaba ako ng mga damit. Maglilinis ng bahay. Tapos sa hapon, magde-date kami ng boyfriend ko." At kilig na kilig pa si Melissa habang nagkukuwento. Sinalaysay nito sa kaniya kung saan at kailan nakilala ang boyfriend nito. Kung ano ang pangalan nito at kung gaano ito ka-sweet dito. Magtatatlong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD